Ang Kalinga ay biniyayaan ng magagandang tanawin—gawa ito ng mga kabundukan na tila hindi nababahiran ng polusyon. Ang Kalinga din ay hindi lamang tahanan ng mga tribo sa bundok kundi dito din dumadaloy ang isa sa pinakamagandang ilog na iyong makikita sa balat ng lupa—ang Chico River. Bukod sa makasaysayang kuwento ng ilog, nagbibigay din ito ng adrenaline rush para sa mga turista.
Tinahak ang kahabaan ng ilog sakay ng rubber boat at umaandar sa pamamagitan lang ng sagwan! At tila nakapanlilinlang ang Chico River dahil may mga bahaging kalmado ito pero may mga parte ring tila susubukin ang iyong tapang.
Ang Ilog Chico ang isa sa mga pangunahing sangay ng Ilog Cagayan, na siyaing pinakamahaba at pinakamalaking Ilog sa buong bansa. Kilala ring Rio Chici de Cagayan (munting Ilog ng Cagayan), ang Ilog ay matatagpuan sa lalawigan ng Kalinga.
May haba itong 174.67km at nagsisimula sa kabundukan ng Cordillera, sa mga lalawigan ng Benquet, Ifugao, at Mount Province. Umaagos ito pahilaga hanggang sumanid sa Ilog Cagayan. Ilan sa mga sangay nito ang Biga, Bunog, Mabaca, Pasil, Saltan at Tanudan. Ang pinagsamang river basin ng mga ilog Chico at Magat ay bumubuo sa sangkatlo ng buong lawak ng saklwa ng Ilog Cagayan. Matatagpuan sa kaligiran ng Chico ang Bulkang Binuluan o Buklkang Ambalatungan.
Ano nga kaya ang pakiramdam ng adventure sa white water rafting? Tawag na sa Mabuhay Travel para sa inyong bakasyon sa Pilipinas, book early to avail cheapest airline fare to your dream destination in the Philippines.
Maraming Salamat po.