Baguio ang isa sa mga paboritong pasyalan ng mga turista dahil sa maginaw na klima nito. Ang magagandang tanawin sa Baguio kasama ang kaaya-aya, nakakarelax at malamig na simoy ng hangin ang magbibigay sa iyo ng kanais-nais na holiday.
Hindi mo ramdam ang pagod sa paglilibot sa Baguio dahil sa mababang temperatura dito, hindi ka pagpapawisan ng malagkit at feeling fresh pa din. Kapag biglang kalam ang sikmura mo, ginutom ka sa kakapasyal sa mga magagandang atraksyon, you need to treat yourself healthy food para may pang-boost ka ulit sa energy mo na naubos. Mayroong mga vegetarian restaurants in Baguio na mapagpipilian mo, naghahain sila ng masasarap na pagkain at higit sa lahat healthy pa ang mga ito. Basahin sa ibaba ang mga patok na vegetarian restaurants in Baguio.
1. Heaven on Earth Vegetarian Center
Ang vegetarian restaurant na ito ay isa sa mga una sa Baguio. Naniniwala sila na “A Healthy Food Makes a Healthy Individual, Healthy individuals Makes a Healthy Society “. Tama naman diba, depende sa kung ano-ano ang mga kinakain natin ang kalusugan natin. “Hindi mabigat sa bulsa ang presyo ng mga pagkain nila” ayon sa mga customer nila dito. Meron din silang mga twist sa mga Traditional food in the Philippines, katulad ng puto – Gumawa sila ng bersyon nilang malunggay puto. Katakam-takam ang hitsura ng bawat pagkain nila, kaaya-ayang tignan at siguradong kaaya-aya rin ang lasa.
Location: 2F Abanao Square Mall, Baguio City, 2600 Benguet, Philippines
Opening hours: open daily 9:00 am – 8:00 pm
2. Health 100 Restoreant
Isa sa mga patok na pagkain nila ang ginataan, masarap daw at hindi nakakaumay. Ang kanilang vegetarian salad din ay artistically prepared, pleasing in the eye at yummy sa tummy. Isa ito sa mga must-try na vegetarian restaurants. Ang vegetarian restaurant na ito ay mayroong branch sa ibang lokasyon ng Baguio, ito ang Health 102 Restoreant na matatagpuan sa North Hills Bldg., Lower Basement, General Luna Street, Baguio.
Location: 350 Magsaysay Ave. corner Private Rd., Baguio City, Benguet, Philippines
Opening hours: (sarado ng Sabado) mga ibang araw bukas mula 8:00 am – 5:00 pm
3. Oh My Gulay
Ito ang isa sa mga vegetarian restaurants in Baguio na maaalala mo hindi lang dahil sa masarap at masustansyang pagkain kundi pati sa unique dining concept nito. Kaya habang naghihintay ka sa order mo ay maari kang mag-posing muna at mag-picture taking. Worth experiencing ang vegetarian restaurant na ito. Ito ay nasa tuktok ng gusali at walang elevator kaya maaring mahirapan ang mga may edad o kaya ay buntis sa pag-akyat. Ang vegetarian restaurant na ito ay pet friendly pero dapat may diaper at naka-leash ang iyong alaga. Ito ay first come first serve basis, walang reservations for seats.
Location: 5th Floor of La Azotea Bldg, Session Road, Baguio City
Opening hours: (sarado ng Martes) Mon/Wed/Thu: 11:00 am 7:00 pm
Fri/Sat/Sun: 11:00 am 8:00 pm
* Huling tanggap ng order ay 30 minutes bago closing time nila.
4. Roti Boss Baguio City Branch
Ito ang isa sa mga restaurant in Baguio na vegetarian at vegan friendly. Indian cuisine inspired ang mga ihinahain dito, pati ang kanilang mga drinks ay inspirado din ng Indian style. Marami ang nasasarapan sa mga pagkain dito at nag-iiwan ng magandang review. Binabalikan nila ito kahit medyo maanghang ay patok ang lasa nito sa mga lokal. Kung nais mong sumubok ng kakaibang lasa na hindi mo nakasanayan, rekomendado ang restaurant na ito, reasonable din ang kanilang mga presyo.
Location: Barangay, 119 D, Albergo Hotel, Ignacio Villamor St, Baguio
Opening hours: (Bukas ng buong linggo) 11: 00 AM–8:30 PM
5. Green Smoothie
Masasabi natin na ang Green Smoothie Ang isa sa mga vegetarian restaurants in Baguio na nagpapakita kung ano ang ini-aalok ng Benguet pagdating sa pagkain. Ang kanilang mga ihinahain ay tunay na masustansya at sariwa, hindi rin sila gaano sa mantika, kakaunti o kaya ay wala silang inilalagay. Subukan ang kanilang mga masasarap na pagkain kasama ang pamilya.
Location: Session Rd, Baguio, Benguet, Philippines
Opening hours: Bukas sila buong linggo mula 10:00 am – 9:00 pm
Bilang pangangalaga sa ating katawan, mahalaga na tayo ay kumain ng mga masusustansya at mga fresh na gulay. Kadalasan ang mga fast- foods ang napagtutuunan ng atensyon dahil masarap nga naman ito — hindi naman siguro lubusang nakakasama huwag lamang sobrahan o araw-arawin. Ika nga ng kasabihan “lahat ng labis ay hindi maganda, lahat ng kulang ay hindi rin maganda“.
Tikman ang mga iba’t- ibang pagkain sa mga paboritong vegetarian restaurants in Baguio, isama ang pamilya, barkada, o si Mahal, pwede rin ikaw lang — ang mahalaga i-enjoy mo ang holiday mo sa Baguio.
Para sa mga pangangailangan mo sa panghimpapawid na paglalakbay, makipag- ugnayan sa aming mga Filipino travel experts. Tumawag lamang sa amin para kayo ay magabayan, kung meron man kayong mga katanungan ang aming mga travel consultant ang magbibigay liwanag sa mga ito. Kayo ay mabibigyan ng payo sa kung ano- ano ang mga kailangan niyo ngayon.