We bet you haven’t tried these 05 Filipino foods

We bet you haven’t tried these 05 Filipino foods

Nung bata pa ako, hindi ko alam na dapat may appetizer, pagkatapos ay main, at matatapos sa dessert ang isang kainan. Nagyon ko lang napagtanto kasi pala hinid naman kami madalas sa restaurant, at kapag nasa restaurant na pipiliin ko na lang yong paborito kong mga Filipino foods. Dahil sa ating mga Pilipino, lalo na sa bahay, diretso na tayo sa main, kahit nga snack natin maaring maging main eh, di ba 😊? Pero alamin natin kung ano-ano ang mga Filipino foods na perpektong maging appetizer, main, at dessert.

Appetizer – Kinilaw

Filipino foods - Kinilaw

Ang appetizer o pampagana ay dapat light food lang at madaling kainin. Sa mga maraming Filipino foods natin, Kinilaw ang isa sa mga perpektong appetizer. May pagkakapareho ito sa South American food na Ceviche na gawa din sa raw fish at souring agent.

Ito ay gawa sa hilaw na isda at nababad sa suka (kaunting suka lamang, depende sa dami ng isda). Ito ay nilalagyan din ng mga sibuyas, luya, sili, at bawang na makakadagdag sa malinamnam na lasa ng Kinilaw.

Ito ay isa sa mga Filipino foods na hindi lang pampagana, ito ay maaring maging pulutan din habang umiinom ng malamig na beer kasama ang barkada, may kasamang tawanan, kuwentuhan at masarap na pulutan.


MainGinataang Alimasag

[embedyt]https://www.youtube.com/watch?v=eZM3Oo9SvsY[/embedyt]

Source : Panlasang Pinoy Meaty Recipes

Malamang iniisip mo Adobo, subukan naman natin ang iba tulad ng Ginataang Alimasag. Ito ay niluluto gamit ang pangunahing sangkap Alimasag at gata ng niyog. Ito ay maaring samahan ng gulay tulad ng sitaw, kalabasa, at pechay. Ito ay maarin ding gawing maanghang depende sa iyong panlasa. Ang malinamnam na lasa nito ay swak na swak para sa isang kamayan kasalo ang pamilya. Siguradong mapaparami ka ng kanin sa lutuing ito.


Dessert – Minatamis na Saging (Sweetened Saba)

Filipino foods - Minatamis na Saging

Ito ang isa sa mga pinakasimple sa mga Filipino foods na matamis, panghimagas that you yourself can make it even without watching a video on how to do it. Una sa lahat “saba” lamang na klase ng saging ang maaring gamitin dito. Gawin muna ang caramel syrup sa pamamagitan ng pagpapakulo ng brown sugar sa tubig. Pagkatapos ay idaragdag ang mga nahiwang saging hanggang sa maluto ito.  hiwa ng mga piraso ng saging at kumulo hanggang luto. Ito ay masarap haluan ng sago at gatas. Ilan ay sine-serve ito ng mainit at ilan naman, gaya ko ay mas gugustuhing ito ay may crushed ice. Hmmmm


Snack food – Puto (Rice cake)

Filipino foods - Puto

Ang Puto ay isa sa mga one of a kind sa lahat ng mga Filipino foods, all will love it, malambot at malasa. Gusto mo man ng malamig na juice o kaya tea o kape swak na swak ang Puto.


Street food – Tusok-tusok
[embedyt]https://www.youtube.com/watch?v=Lsasf495mtc[/embedyt]

Source : Jayzar Recinto

Tusok-tusok ang patok sa mga street foods ng mga Pilipino, fishball, kikiam, kwek-kwek at squidballs. Ito ay palagiang may saw-sawang matamis na sauce at maanghang na suka. Ang perpektong pagha-halo ng dalawang saw-sawan ang siyang magpapalutang sa lasa ng mga tusok-tusok na ito. Sigurado akong marami ang nagkakagusto nito, huwag kayong mangamba kung ito man ay isang street food, maraming mga lugar sa Pilipinas ang ligtas at malinis sa paghahanda ng mga ito.

Natikman mo ba ang mga Filipino foods na ito, you should taste it. Sa iyong pagbisita sa Pilipinas ay muling lasapin ang lasa ng mga ito. Marahil ang ilan sa mga Filipino foods na ito ay nagpapaalala ng ilang mga sandali kasama ang iyong pamilya.

May plano ka bang umuwi ng Pilipinas o kaya ay mag-holiday sa bansa? Ang Mabuhay Travel ay handa kayong gabayan sa inyong mga paglalakbay. Makipag-usap sa aming mga Filipino travel consultant para sa iyong mga katanungan.

Related Posts

Pagkain upang subukan sa Pilipinas

Kakaning Pinoy Ang kakanin ay ilan lamang sa mga sikat na Filipino native delicacies. Patok na patok ang kakanin bilang...

Famous food in Cebu that you should taste!

Cebu is not just known for its wonderful sights but also known for its delicious and diverse cuisine. Cebuano cuisine...

Traditional Filipino Sweets and Desserts You Need to Try

Sweets ba? Marami tayo niyan, masasarap pa, hindi nakakaumay. Paborito ko lahat, huwag lang sobrang matamis, maari namang i-adjust yong...

Top Filipino Fast-food Chain

Jollibee Mula sa kanyang mapagkumbabang pagsisimula ang Jollibee ay kinikilala na ngayon bilang isa sa nangungunang Fast Food Chains sa...