Travelling to Baguio under New Normal

Travelling to Baguio under New Normal

“New Normal in the City of Pines”

Ang Baguio ay isang forever mood para sa lahat. Ito ay kilalang Summer Capital of the Philippines. Sa panahon ng tag-init ito ang paboritong bisitahin ng mga mamayan. Ito din syempre ang isa sa aking mga paborito. Dito ako tumira ng halos 5 taon at magpahanggang ngayon ay iba pa rin ang dating ng Baguio sa akin.

Kamakailan lamang ay nagbukas ang pintuan ng City of Pines, o Baguio sa mga turista. Marami ang natuwa sa balitang ito sapagkat ang Baguio ay isa talaga sa mga paboritong pasyalan at dayuhin ng mga tao, ang malamig na klima nito, ang mga pasyalan na gaya ng sikat na Burnham Park, mines view, Camp john hay at marami pang iba ay kanilang kinagigiliwan. Ang pagbubukas na ito ay para lamang sa mga turistang galing sa mga probinsya ng La Union, Pangasinan, Ilocos Sur, and Ilocos Norte.

Travelling to Baguio


 

Ang dating sigla ng Session Road ay makikitang halos parehas lang, bukas na ang mga restaurant, marami na ding ngbebenta sa paligid ang pinagkaiba lang ay naka-face mask, face shield at may social distancing ang mga tao.

Sa pagbubukas na ito patuloy pa rin ang pamahalaang lokal at mas agresibo pa ang kanilang contact tracing at rapid test na isinasagawa sa mga kalapit nitong lugar. Kahit na nagbukas ang ilang mga sector hindi pa rin natin dapat kalimutan na tayo ay nasa krisis pa din ng pandemya at nararapat lamang na alagaan natin ang isa’t-isa.

Narito ang mga alituntuning dapat sundin at gawin para muling makapasok sa Baguio. Ang mga sumusunod ay inilalagay para sa kaligtasan ng mga bisita at lokal:

  • Ang mga turista ay hihilingin na mag pre-register sa pamamagitan ng Baguio VIS.I.T.A. (system sa pagpaparehistro sa online)
  • Ang mga turista ay kakailanganin na magkaroon ng pre-booking ng accomodation na mas mabuti sa pamamagitan ng mga accredited na tour operator, at magdeklara ng buong itinerary
  • Upon entry, ang mga turista ay sasailalim sa mandatory triage at pagsusuri sa PCR na babayaran nila
  • Ang mga turista ay mananatili sa hotel hanggang sa lumabas ang mga resulta (higit sa 9 na oras), at bago mag-ikot sa lungsod
  • Ang paggalaw ng mga turista ay dapat na masubaybayan ng tour operator o hotel management

Noong September 22, 2020 ay nakaroon din ng mini-travel fair, themed “ridge and reef”. Ito ay isang 3-day tour na layunin ding pormal na ipakilala ang Baguio Visitors Information and Travel Assistance (VISITA).  Binigyang diin ng opisyal ng turismo ng lungsod na ang pagbubukas ng industriya ng bubble touris ay mahigpit na susundin ang scheme ng tour package at ang itinatag na mga patakaran at regulasyon ay magiging pabago-bago na maaaring magbago anumang oras sa loob ng panahon ng crisis upang umangkop sa interes ng mas nakararaming mamamayan. Nagkaroob din ng mga ligtas na point-stop-over sa iba’t ibang mga lokal na pamahalaan upang matiyak na ang mga bisitang naglalakbay sa loob ng bubble ay maaaring makadalo sa call-of-nature o iba pang mahahalagang pangangailangan habang pupunta sa kanilang ninanais na destinasyon sa Baguio- Koridor ng turismo ng Ilocos.

Sa ngayon halo-halo ang reaksyon ng mga tao sa patakarang ito. Dahil na rin sa dagdag na gasto na maaring gamitin sa ilang mga bagay, Kagaya ng pagbobook ng hotel kung saan isang araw lang ay maari ka ng umuwi kapag nabisita ang Baguio. Maari ka naman sanang tumuloy sa iyong mga kamag-anak. Marami din ang nagsasabi na ang mga tour guides ay hindi naman kailangan, hindi naman ganun kalaki ang Baguio para kailanganin ng isang tour guide. Sa kasalukuyan, ang Cordillera Region ay may confirmed cases na 1,270, recovered patients 894 at deaths na 16.

Magkaganun man, bilang isang mamamayan ng Pilipinas, maging responsible ang lahat sa paglabas, lalo na kung ito ay isang leisure travel. Ang Baguio ay hindi Covid-free kaya mag ingat ng todo-todo kung nais ninyong mgalakbay sa Summer Capital of Philippines upang magpalamig, at makatikim ng strawberry. At palagiang magtanong sa tamang kinauukulan kung ano ang mga kakailanganin  sapagka’t mabilis magbago ang mga panukala ngayon na siya ring nagdudulot ng pagkalito sa bawat isa.

Travelling to Baguio


 

Kung nais mong muling damhin ang malamig na simoy ng Baguio, makipag ugnayan lamang sa Mabuhay Travel, Call and talk to our travel experts sa wikang English, Tagalog at Cebuano.



 

Related Posts

Mabuhay Travel Scores its First Win at the 2023 British Travel Awards!

For over three decades, Mabuhay Travel has diligently worked to help Filipino ex-pats in the UK find their way back...

We’ve Been Nominated at the British Travel Awards

We are excited to announce that we have earned not one, but two nominations at the 2023 British Travel Awards....

Everything you need to know about super Typhoon Goni!

“Super Typhoon Goni (Philippines: Rolly) ” naitalang pinakamalakas na landfalling tropical cyclones sa buong mundo   Ang Typhoon Goni o...

Mga historical na lugar at pasyalan sa Cebu City at Lapu-Lapu City.

Cebu City ay isang lalawigan ng Pilipinas, sa rehiyon ng Central Visayas ng bansa, na kinabibilangan ng Cebu Island at...