Things You Should Never Do in Manila

Things You Should Never Do in Manila

Ang Pilipinas ay isa sa mga paboritong dayuhin ng mga turista mula sa ibat-ibang panig ng mundo. Taon taon, milyon-milyong mga turista ang bumibisita sa bansa. At ang Manila bilang kabisera nito ay isa sa mga unang patunguhan ng mga dayuhan, isa na sa dahilan ay ang isa sa pangunahing paliparan ng bansa ay matatagpuan din sa naturang lugar.

Visiting Manila

Habang nasa parke ako, narinig ko ang isang ale “You are visiting Manila?”, tila may kausap na banyaga sa telepono at binibigyan niya ito ng ilang paala-ala. Napaisip din ako, kung may kaibigan akong dadalaw sa aking bansa, bibigyan ko rin ba siya ng safety tips for Manila travel? Kahit naman saan ka magpunta palagian dapat ang pag-iingat pero dapat doble ang pag-iingat kung ikaw ay nasa isang syudad. Ang mga turista ano man ang lahi ay mainit talaga sa mata ng ilang mapagsamantala. Maging alerto, mapanuri, mag-ingat and you’ll be fine. Narito ang ilang mga bagay na maari mong isaalang-alang para mas ma-enjoy ang iyong bakasyon when visiting Manila.

  • Iwasan ang pakikipagkita sa mga lokalidad na may hindi kaaya-ayang imahe tulad Malate at Ermita sa gitna ng Maynila. Kung ikaw ay makikipagkita (kasosyo, kaibigan o may simpleng lunch sa restaurant) mainam na pagpipilian ang mga ligtas na lokalidad katulad ng Makati, Pasay, at Taguig.
  • Iwasang magpakita ng anumang mga bagay na mainit sa mata ng mga small time robbers, gaya ng mga mamahaling bag, mga alahas at relo. Makabubuting alisin ang mga ito kung plano mong maglakad lakad sa lugar.
  • Iwasan ang pagbibigay ng pera sa mga namamalimos, kapag ikaw ay nagbigay sa isang namumulubi, dudumugin ka ng iba o kaya ay tatawagin nito ang mga kasamahan para manghingi ng pera sa iyo.
  • Iwasan ang mga madidilim na eskinita.
  • Kung sakaling nakuha ang iyong cell phone while visiting Manila, makabubuting huwag na itong habulin dahil kadalasan ay may mga kasama sila at naipasa na nila ang cell phone mo sa iba, baka mapahamak ka pa.
  • Iwasang magdala ng malaking halaga ng pera, makabubuti ring ilagay sa ibat-ibang lagayan ang ilan sa mga ito, sa harapang bulsa at huwag na huwag sa likurang bulsa.
  • Iwasang mag-iwan ng bag o purse sa mesa na walang nagbabantay.
  • Iwasang tumanggap ng anuman pagkain, tubig, juice galing sa ibang tao maliban na lamang kung kakilala at pinagkakatiwalaan mo ito
  • Iwasang magbigay ng kompletong impormasyon mo. Ilan sa mga Pilipino ay matanong na inaakala ng iba ay normal lang at siya naman sinasamantala ng mga masasamang loob. Huwag ibigay ang address mo, o lokasyon ng hotel mo. Kung ikaw ay isang solo traveller visiting Manila, makabubuting ipaalam o ibigay sa pinagkakatiwalaan mong tao ang mga eksaktong pupuntahan mo o itinerary mo.
  • Iwasang basta basta nagpupunta sa isang lugar na hindi nagreresearch.
  • Sa mga babae, iwasan ang pagsuot ng may takong na sapatos o sandals. Para mas ma-enjoy ang Manila travel 2021 mo, bisitahin ang mga magaganda at makasaysayang parke ng bansa gaya ng Rizal park, Plaza Moriones, Plaza Miranda, Ayala Triangles Gardens at marami pang iba.
  • Huwag ma-offend kung ikaw ay tawaging “tito, tita, ate o kuya, sir o maam” ng sinoman. Isa sa katangian ng mga Pilipino ay ang pagiging likas na magalang at ikinokonsiderang rude ang pagtawag lamang sa pangalan ng isang tao lalo na kung nakakatanda ito sa kanila.
  • Iwasan ang pamey-meywang, itinuturing na rude o kaya ay nagpapahiwatig ng galit kung ang iyong mga kamay ay nasa iyong mga beywang habang nagsasalita.
  • Iwasang magtaas ng tono habang nasa isang diskusyon, ito ay ang karaniwang pinagmumulan ng isang away.
  • Malawak ang pananaw at pang-unawa ng mga Pilipino pagdating sa politika at relihiyon ngunit ito ay dapat pa ring iwasang pag-usapan.
  • Huwag umalis sa bansa na hindi natitikman ang mga Filipino delicacies.
  • Mainam din na alamin ang emergency hotline numbers – Click here
    • Emergency hotline = 911
      Philippine National Police = 117
      Philippine National Red Cross = 143 / 8527-0000
      UK embassy = +63 2 8 858 2200

Hayan ang mga ilang bagay na dapat isa-alang-alang  sa iyong Manila travel 2021, bagaman nabanggit ang mga iyan, in general, safe pa rin naman ang malawak na bahagi ng Manila at maiiwasan ang mga kinatatakutan mo basta maging alerto at mag-ingat. Iwasang maging praning!  Sa pamamagitan ng pagsunod sa mga nabanggit kong mga bagay na dapat iwasan siguradong ma-e-enjoy mo ang visiting Manila experience mo. Pagdating naman sa pakikisalamuha, respeto ang pairalin. Sana ay makatulong ito sa inyo.

Call Mabuhay Travel para sa mga travel needs mo. Alok namin ang garantisadong serbisyo at mga cheap flight tickets.



 

Related Posts

Valentine’s Day the Filipino Way

Valentine’s Day is a perfect time for two people to seal their love for eternity.   Sa wikang Filipino, tinawag...

Perfect Destinations in Manila: For A Long Weekend Holiday Getaway

Explore the Manila like a local!   Dito sa MabuhayTravel blog, naniniwala kami sa karapatan ng lahat na manlalakbay at...

TRAVEL THE WORLD INSIDE THE PHILIPPINES

Ang paglalakbay ay ang paggalaw ng mga tao sa pagitan ng malayong lokasyon ng heograpiya. Ang paglalakbay ay maaaring gawin...

Discover Bacolod: A Top Destination for Your Future Travel in the Philippines

“Let’s explore why Bacolod should be at the top of your travel list when visiting the Philippines.” Among Philippines treasures...