Things you need to know when swimming with the whale shark in Oslob

Things you need to know when swimming with the whale shark in Oslob

Napakagandang lugar ng Cebu, mababait at hospitable ang mga tao, maraming mga magagandang tanawin, ang dagat ay parating nag-aalok ng kasiya-siyang paglalangoy, mga bundok na binalot ng berdeng-berdeng kulay, mga waterfalls na kagila-gilalas, masasarap na pagkain at marami pang iba. Marami ding mga nakakatuwang mga aktibidad na dito mo lang sa Cebu ma-e-enjoy. Isa na dito ang swimming with the whale shark in Oslob, Cebu.

Nakilala ang Oslob o popular ang Oslob dahil sa swimming with the whale shark activity. Ang Oslob ang tila naging tahanan ng mga higanteng whale shark. Ang mga whale shark ay hindi katulad ng mga killer shark, maamo ang mga ito, mabait, at hindi nangangain ng tao o malalaking isda. Sila ay tinatawag na filters feeders, na nangangahulugang mga maliit na isda of hipon lamang ang kanilang kinakain. Bagama’t ang mga ito ay hindi nananakit ng tao marami pa din tayong dapat isaalang-alang kapag tayo ay pupunta sa Oslob para maranasan ang swimming with the whale shark. 

swimming with the whale shark

Know that when swimming with the whale shark!
  1. Hands off – Bakit? Dahil ito ay nakakapagdulot ng pagkaistorbo sa proteksiyon sa mucous layer ng whaleshark. Ang kanilang balat, tulad ng iba pang mga specie ng pating, ay may tinatawag na dermal denticles, parang ngiping na kaliskis maaring makasakit sa iyong balat.
  2. Keep distance – bago makapag- swimming with the whale shark o makalapit ang sinumang turista sa lugar o spot kung nasaan ang mga pating, sila ay binibigyan muna ng kaunting gabay o mga paalala. Huwag masyadong lumapait sa mga whale shark para sila ay malayang makagalaw o makalangoy at hindi sila ma-stress.
  3. No lotions or sunscreen – ang mga kemikal na dala ng ating mga lotion o sunscreen ay may hindi magandang epekto sa mga whale shark, ito ay isa pa ring kemikal na makasasama sa mga higanteng pating na ito.
  4. No hugging of whale shark – marami ang excited at matatapang na turista, na kaya talagang yumakap sa mga whale shark, ngunit sasabihing muli na, bawal silang hawakan.
  5. No flash photography – bawal gumamit ng flash sa loob ng tubig para kuhanan ang mga whale shark ng litrato, ito ay maaring magdulot sa kanila ng stress.
  6. 3 feet away from the head and 10 feet from the tail – para sa seguridad ng bawat isa, panatilihin ang distansiyang ito, hindi mo nanaising ikaw ay mahagip ng buntot nito at maitapon sa kabilang panig.
  7. Darker colors of swim suits – kung ayaw mo na maka attract ng iba pang shark sa karagatan, makabubuting gumamit ng mga darker color swimsuits, gray, black o kya ay blue.
  8. 30 minutes – 30 minutos lang ang allowed time na interaction para sa mga whale shark sa Oslob, give chance to others 😉
  9. Magkano ang babayaran? – ito ang mga gastos para sa swimming with the whale shark in Oslob: Ang pagpaparehistro ay 150 PHP bawat tao, at ang snorkel gear hire ay nagkakahalaga ng 300 PHP bawat set. Ang mga tour package ay nagkakahalaga ng 3,500 PHP para sa buong bangka (hanggang 7 tao). Kabilang dito ang kalahating araw na pag-arkila ng bangka, snorkel gear, mga spotter, guide, at isang Butanding (whale shark) interaction officer.

Isang one-of-a-kind experience ang swimming with the whale shark, ang mga higanteng nilalang na ito ay dapat maalagaan, at irespeto lalo na at naka gentle nito, sila ay hindi nananakit ng tao, tayo bagkus ang maaring magbigay sa kanila ng mga bagay upang masaktan sila, katulad na lamang ng polusyon. Tayong mga turista ay may obligasyon sa bawat lugar, destinasyon na ating pinupuntahan.

Para sa inyong mga pangangailangan sa panghimpapawid na paglalakbay, makipag-ugnayan lamang sa aming mga Filipino travel consultants. Sila ang gagabay sa iyong booking upang maging mas madali ito.



Related Posts

Wonderful Caves and Waterfalls of Quirino Province, Philippines

Tuklasin natin ang ipinagmamalaking Wonderful Caves and Waterfalls ng Probinsya ng Quirino   Tuklasin ang isa sa mga napakagandang patutunguhan...

Miyamit Falls

Porac Pampanga   Para sa mahilig sa adventure halina’t ating tuklasin ang nag gagandahang tanawin, fresh air na hatid ng...

Pinsal Falls

Pasyalan natin ang tinaguriang Largest Waterfall in entire Ilocandia Region   The myth on top of Pinsal Falls has made...

Bundok Makiling

Ang Bundok Makiling ay isang tulog na bulkan na matatagpuan sa hangganan ng lalawigan ng Laguna at Batangas sa Isla...