Isa ka ba sa mga Filipinos in London na naghahanap ng mga things to do during Covid? Marami na ang bukas na patunguhan sa London, at hindi na rin itinuturing na paglabag sa batas ang hindi pagsusuot ng face mask. Bagaman may mga establisyimento pa ring nagpapatupad nito, nirerekomenda at inaasahan pa rin ng mga eksperto at gobyerno na magsuot ng mask kung nasa mataong lugar o mga pampublikong transportasyon.
Ang mga ibat-ibang museo, gallery, amusement park, leisure center, sinehan, at mga parke ay maaaring buksan sa buong UK. Gayunpaman, sa mga ilang mga lugar ay kakailanganin mo pa ring mag-pre-book ng mga tiket, kaya’t dapat mong suriin o kaya ay tumawag muna sa kanila bago ka bumisita.
Narito ang ilan sa mga lugar at things to do during covid.
Filipino Cuisines
Ang mga Filipinos in London ay alam na alam kung saan tutungo tuwing sila ay nasasabik sa mga Filipino foods, lalo na kung wala silang oras magluto or just to satisfy their craving. Ilan sa mga popular na restaurant ay ang Romulo Café & Restaurant, Lutong Pinoy, Mama’s Kubo, Cirilo Filipino Kainan at marami pang iba.
Sa mga mahilig naman sa mga Italian bites sa Southbank, Waterloo ay maaring sadyain ang BFI Riverfront. Magaganahan ka sa masarap na pagkain at magagandang tanawin ng lungsod at ang iconic na ilog nito, isa sa mga things do during Covid na magbibigay sa iyo ng presko at maaliwalas na kapaligiran pagkatapos ng mahabang paghihigpit.
Nandiyan din ang popular na Soho, kilalang entertainment hub ng lungsod. Mayroong mga sinehan, restawran, tindahan, at mga cocktail bar sa halos bawat kalye. Yayain na ang tropa at maaring may.
Music Lovers
Alam na alam na ito ng buong mundo, ang mga Pilipino sobraaang hilig sa musika. Kung nais mo ng chill chill lang, wine or beer, okay na yan. Subukang makinig ng live band sa St Matin’s Courtyard, isa ito sa mga free things to do during covid. Masarap makinig ng musika di ba, lalo na pagkatapos ng buong araw na trabaho. Siguradong ang mga Filipinos in London ay masisiyahan sa mga tampok na musika, jazz, R&B, folk and country song, subukang makilahok at baka mapakanta ka pa. Ang mga live performances ay kada Huwebes at Biyernes mula 4.30pm – 7.30pm, Sabado mula 12 noon – 7pm, at Linggo mula 12 noon – 6pm. Ang pagtatampok ay matatapos sa Setyembre 11, 2021 kaya samantalahin na ang pagkakataon.
Shakespeare’s fans
Kung napamahal kayo sa mga love stories ni Shakespeare, get a chance na makapanood ng live performance. Ang mga standing ticket ay nagkakahalaga ng £5. Kung ang iniisip mo ay ang pandemya, huwag mag-alala dahil ito ay tiyak na isa sa mga patok na things to do during covid na pinag-isipang mabuti bago pa mag-imbita ng mga manonood. Ang dating kapasidad na 700 katao ay nilimitahan sa 200 katao lamang upang mapanatili ang tamang distansya. Ito ay gaganapin sa The Globe on ‘Twelfth Night’ hanggang 30 ng Oktubre.
Greenwich Park
Wala nang mas nakakarelaks sa isang malawak at luntiang paraiso. Ang beautifully landscaped na Greenwhich Park ay may lawak na 74 hectares, tiyak na ito ay magbibigay sa iyo ng kanais-nais na pakiramdam, ang simoy ng sariwang mga halaman, preskong presko di ba. Yayain mo na ang mga kaibigan mo magkaroon ng nakakatuwang kwentuhan habang sinasamyo ang malamig na simoy ng hangin at nilalasap ang init ng summer.
Ngayong buong buwan ng Agosto ay mas mae-enteratin din kayo sa pagdalaw sapagkat may bandstand concert na manghaharana sa inoy tuwing Linggo alas-tres ng hapon, ito ay magtatapos sa Agosto 30, 2021.
Visit The Best Museums
Hindi na kaila sa mga Filipinos in London na ang bansa ay may maraming mga magagandang museum at libre pa. Alamo mo bang higit 50 museum ang maari mong dalawin ng libre. Ilan sa mga ito ay ang Natural History Museum, Museum of London, Victoria & Albert Museum, British Museum, at Petrie Museum.
Barbeque with Filipinos in London
Ang mga Filipinos in London ay paniguradong hindi mauubusan ng mga mairerekomendang things to do during Covid, dahil kilala tayong creative at masayang kasama, kahit sa bakuran lang natin ay maari na magsalo-salo kasama ang mga kaibigan natin. Marami tayong mga alam na laro, isa na dito ang sikat na Pinoy Henyo, o karaoke.
Anuman ang mapipili nating gawin magkaroon pa rin tayo ng kamalayan na dapat ay may sapat na pag-iingat sa kapaligiran natin. Kung ikaw ay may nais irekomenda, idagdag o puna sa mga nabanggit ko, maari mo itong isulat sa komento sa ibaba.
Tumawag sa amin para sa anumang mga travel needs mo para sa iyong pag-uwi sa Pilipinas, makipag-ugnayan sa aming mga travel expert para sa mga cheap flights to Philippines at iba pang flight deals namin.