Ang Mount Pulag ang ikatlong pinakamataas na bundok sa Pilipinas, kasunod ng Mt. Apo at Mt. Dulang-dulang. May taas itong 2,922 meters above sea level at matatagpuan sa mga hangganan ng Benguet, Ifugao, at Nueva Vizcaya. Popular ang tuktok ng Mt. Pulag sa nakamamanghang tanawin ng bukang-liwayway na mistulang lumalangoy sa dagat ng ulap, at masisilip din ang Milky Way Galaxy kapag madaling araw.
Pebrero 20, 1987 nang ideklara ang Mt. Pulag bilang National Park, sa bisa ng Proclamation No. 75. Ang Mt. Pulag ay tahanan ng maraming species na mahalaga sa pagpapanatiling balanse ng flora at fauna sa kagubatan. Nasa pusod ng kabundukan ang umaabot sa 528 documented plant species at ang 251 species na sa Pilipinas lamang matatagpuan, 33 uri ng ibon, at ang mga nanganganib nang maglahong hayop na gaya ng Giant Bushy-tailed Cloud Rat, Philippine Deer, at Long Haired Fruit Bat.
Dinayo ng mga turista ang bundok dahil sa napakagandang tanawin sa tuktok nito, mga lokal at dayuhan, umaabot sa 400 ang bumibisita sa Mt. Pulag at ipiangbabawal ang pagkakampo sa tatlong campsite, at tanging sa paligid ng Ranger Station lamang pinapayagan ang camping.
Bago akyatin ang bundok, dapat munang kumuha ng permit mula sa Mt. Pulag National Office. Bukod dito, kailangan din na may medical certificate para na rin sa kaligtasan ng trekker. Mahigpit ding ipinatutupad ang “Take nothing but pictures” at “Leave nothing but footsteps”
Ikinalulugod naming kayong maging bahagi sa aming mga update tungkol sa pinakabagong flight deals at holiday packages, maaari itong makita sa amin Facebook o tumawag sa aming Filipino Travel Agent sila’y handang maglingkod sa iyong. Mabuhay Travel ang nangunguna Filipino travel agent sa UK
How to Get There
The easiest and most common route of going there is via Ambangeg Trail in Kabayan, Benguet. The usual jump-off point is Baguio City, four to five hours away from Manila.
From Baguio, one can hire a jeepney or take the public bus at Northern Bus Terminal in Magsaysay Avenue bound for Kabayan, where the trek starts.
When to Get There
Mt. Pulag is open all year round, but the best time of the year to trek the summit is during dry season, specifically from November to early March when the sea of clouds is well defined.
Maraming Salamat po.