Visiting the Philippines in 2021? Subukang pasyalan ang mga ilan sa bayan ng bansa na nag-gagandahan, hindi man kasing sikat ng mga lungsod pero ito ay paniguradong magbibigay ng kagalakan sa iyong bakasyon. Narito ang ilan sa mga best towns in Philippines na maari mong ikonsidera sa iyong nalalapit na pag-uwi.
Baler
Sikat ang Baler sa mga surfing spot nito, na nag-aalok ng ilan sa mga pinakamahusay na alon sa Asya. Ang Baler ay isa sa mga towns in The Philippines na sikat dahil sa alon ng dagat. Ngunit may higit pa sa bayang ito kaysa sa pag-surf. Sa pagkakaroon nito ng kamangha-manghang mga lugar upang bisitahin, hindi ka maubusan ng mga nakakatuwang bagay na dapat gawin sa Baler.
Basco
Maliit man ang lugar ito ngunit dito mo makikita ang ilan sa mga nakamamanghang tanawin ng natural na kagandahan ng kalikasan tulad ng malawak at luntiang mga burol, natatanging light-house, kalawakan ng Pacific Ocean at ang kabutihang loob ng mga lokal. Isa ito sa mga towns in The Philippines na malayo sa kabihasnan pero hindi magkukulang sa mga tanawing bubusog sa iyong mata.
Banaue
Ito ay isang perpektong destinasyon para sa iyong 2021 holidays kung ang nais mo ay makaranas ng isang pagpapahingang kakaiba at simple, ang gumising sa tilaok ng tandang, ang preskong hanging iyong lalanghapin habang humihigop ng iyong mainit na kape at nagmamasid sa berdeng kabudukan. Kung nais mo ay maari ka ding makaranas ng pagpitas o pag-ani sa mga tanim nila, at ikaw ay malugod na pauunlakin ng mga lokal.
Kalibo
Book your 2021 holidays and flight to Kalibo at kilalanin ang itinuturing na “heart of all municipalities/town” sa Aklan. Ito ay isang fist-class town at kabisera ng Aklan. Popular ito sa pagkakaroon ng isang kahanga-hangang Ati-atihan festival at mangrove forest. Ito rin ang pangunahing daanan para marating ang sikat na Boracay. Sa kasalukuyan, isinusulong ang pagiging “city” ng Kalibo. Kilala rin ito sa industriya ng pinya, de-kalidad na tela, magagandang panyo at barong Tagalog. Ang pagkakaroon nito ng International Airport din ay isang plus factor. Isa lamang ito sa mga towns in The Philippines na may posibilidad maging lungsod.
Nasugbu
Kilala bilang pinakamalaking bayan sa Kanlurang Batangas, ang Nasugbu ay may kabuuang sukat ng lupa na 27, 851 hectares. Ngayon, ang Nasugbu, ay unti-unting sumusulong para maging isang lungsod. Sa maraming tourist spot na matatagpuan mismo sa loob ng Nasugbu, ito ay isang pinakamahusay na lugar na pagpipilian when visiting The Philippines in 2021 para sa isang staycation o long weekend holiday. Ilan sa maari mong pasyalan ang Caleruega Church, Mt Pico de Loro, majestic Fortune Island at Natipunan Beach.
Oslob
Ito ay matatagpuan sa probinsya ng Cebu. Ito ang isa sa mga towns in Philippines na may magandang shoreline. Ito ay popular sa mga turistang mahilig sa tubig. Hinahangaan ng mga dumadalaw dito ang kagandahan ng mga bulaklak sa kanilang Oslob Municipal Plaza. Makakakita ka rin dito ng mga makukulay na isda sa malinaw na tubig sa Quartel Beach. Sa 20-minute boat ride, masisilayan mo din ang sikat na sandbar ng Sumilon island. Plan for your holidays 2021 sa Pilipinas at magtungo sa Oslob, siguradong hindi ka mawawalan ng gagawin dito.
Panglao
4th-class municipality ng Bohol province. Ito ay isang sikat na patunguhan para sa mga lokal at dayuhan, lalo na sa mga mahilig sa underwater exploration. Kilala sa mga diving destinations at mga tourist resorts. Dito matatagpuan ang Panglao Island International Airport na nagsisilbing pangunahing paliparan ng Bohol na nagbukas noong Nobyembre 2018. When visiting the Philippines in 2021, maari ka lang dumiretso sa international airport ng Panglao para sa mas mahabang araw ng iyong bakasyon.
Puerto Galera
Isa sa mga tatlong lugar sa Pilipinas na kinilala ng UNESCO as a Man and Biosphere Reserve noong 1973. Maliban sa magagandang white beaches nito, popular din ito bilang dive site na nag aalok ng makulay at masiglang marine life. Dito rin matatagpuan ang Verde Island na itinuturing na isa sa mga pinaka-diverse na marine environment sa buong mundo. Ito ay isang 1st class towns in the Philippines.
Santa Cruz
Isang first-class town ng Davao del Sur at parte ng Metropolitan Davao. Ito ay ang pinakalumang munisipalidad sa lalawigan na itinatag noong Oktubre 5, 1884. Ilan sa mga attraction nito ang Passig islet (Talikud island), Sibulan Mount Apo trail, Sibulan River White Water Tubing at Tudaya falls.
Subic
Ang Subic ay isa rin sa mga tanyag na towns in The Philippines at paboritong patunguhan para sa mga weekend visit mula sa Metro Manila. Kasama sa mga atraksyon ang maraming mga beach, isang aquarium sa ilalim ng dagat, mga jungle survival tours, racing at walang duty-free shopping center. Ang Subic Bay din nito ay ilan sa mga pinakamahusay na shipwrecks sa buong mundo, 15 minutes lang na bangka mula sa sentro ay mararating na ang dive site.
Ilan lamang ang mga ito sa mga towns in The Philippines na nag-aalok ng isang makabuluhang bakasyon. Magplano na!
Call us now! Ang Mabuhay Travel ay may mga nakalaang flight deals at flight promos para sa iyong budget. Makipag-usap sa aming mga Filipino travel experts para sa karagdagang impormasyon.