Naging popular ang salitang “staycation” sa panahon ng pandemic, kung saan ang mga mga manlalakbay ay hindi maaring lumipad o maglakbay patungo sa ibang lugar o bansa dahil sa mga paghihigpit. Maming mga best staycations ang nagsulputan, mga malalapit na lugar, isang biyahe lamang o kaya nasa kabilang bayan. Ang staycation ay literal na “stay” stay ka lang sa bansa mo, hindi mo kailangang mangibang bansa.
Ang Pilipinas ay marami na ring mga best staycations na mapagpipilian mo sa iyong bakasyon, garantisadong ikaw ay may privacy at magiging payapa ang isip mo. Mas madaling magplano para magkaroon ng mga best staycations na nagbibigay din ng mas maraming oras para makapagpahinga. Ang kagandahan rin ng staycation ay naitataguyod din ang lokal na ekonomiya.
Narito ang ilan sa mga best staycation places na maari mong pagpiliian
Tagaytay – ang malamig na klima dito ay tiyak magbibigay sa iyo ng relaxing na kapaligiran, idagdag pa ang mga tourist attraction sa lugar gaya ng Taal lake, Skyranch, Picnic groove, at People’s Park in the Sky. Abot kaya rin ang mga bilihin sa paligid kaya swak na swak sa iyong budget. Ito ay malapit sa Manila, kaya tiyak na maraming mga taga-Manila ang nagtutungo rito.
San Juan, La Union – Noon pa man ay kilala na ang San Juan, La Union sa pagkakaroon ng magandang beach na mainam din sa surfing. Kung nais mong matikman ang mga delicacy ng Norte, marami ring mga restawran ang iyong mapagpipilian. Ang mga panuluyan rin sa lugar na ito ay budget-friendly.
Laguna – Isa rin sa mga best staycation places ang Laguna, ito ay may mahusay na alok para sa lahat ng tipo ng mga manlalakbay. Taglay ng Laguna ang katanyagan pagdating sa mga hot springs, na siyang epektibo sa pagod mong katawan. Kilala rin ang Laguna sa mga magagandang lawa at maririlag na kabundukan. Marami sa lugar ang nagbibigay ng mura ngunit komportableng mga panuluyan.
Naga – Ang Naga ay perpekto para sa mga best staycations plan para sa inyong pamilya. Ika nga ay ideal for a quick getaway. Hinahanap mo man ang simpleng pagrerelax lang o ikaw ay isang thrill-seeker, makikita mo na ang mga accommodation dito na angkop sa iyong mga pangangailangan mo. Tamang-tama ang mga staycation spot sa Naga para sa isang mabilis na bakasyong mag-isa o kasama ang pamilya at mga kaibigan!
Zambales – Ang Zambales ay isa sa best staycations places sa bansa lalo na at hindi ito kalayuan sa Maynila at iba pang mga lungsod. Taglay nito ang mga magagandang beach at nakamamanghang tanawin ng mga cove. Kilala ang Zambales pagdating sa surfing at camping na siya namang kinagigiliwan ng mga manlalakbay.
Mga maari mong gawin para makamit ang iyong best staycations
Nap – para takasan ang ingay at polusyon ng siyudad ay isa sa mga bagay na nakakatanggal talaga ng pagod. Ang magkaroon ng maayos na pagpapahinga ay parang isang ginto na mahirap hanapin.
Hiking – hiking patungo sa isang maaliwalas at kaaya-ayang tanawin kasama ang panilya ay da-best para best staycations.
Family bonding – kaya naman tayo lumalabas kasama ang pamilya para mas mapatibay ang relasyon sa kanila, bawasan muna ang oras sa mga gadgets at pagtuunan sila ng pansin, makipaglaro sa mga bata o kaya ay kwentuhan sa mga magulang.
Picnic – masarap din magpicnic sa isang parkeng nakatuon sa mga picnic, habang nasa gitna ng kagandahan ng mother nature, masarap kumain kasama ang mga mahal sa buhay.
Do nothing – araw -araw kang gumigising ng maaga para magtrabaho, o maglinis sa bahay, bakit hindi ka gumising ng kahit anong oras mo gustuhin and just do nothing. Sit idle, coffee watch the view.
Para sa anumang pangangailangan sa panghimpapawid na paglalakbay, ang Mabuhay Travel ay narito lamang at naghihintay sa inyong tawag. Kami ay handang tulugan ka sa bawat proseso ng iyong paglalakbay mula sa umpisa ng iyong booking hanggang sa makarating ka sa iyong destinasyon.