Burias Masbate
Ang Snake Island o Dapa Island ay pinangalanan dahil narin sa itoy pinamamahayan ng mga dagat ahas (sea snake) Sa ngayon may mga bahay na nakatayo na rin ditto, Ang lahat ay pueding magpunta ditto sa pamamagitan ng pag arkila ng bangka. Ang magandang formations ng mga bato at pinong buhanging nito sa baybayin ang syang aakit sa iyo sa unang kita mo lang. Dahil sa uri ng mga bato kaya itoy ginagawang kanlungan ng mga ahas dagat. Ayon sa bangkerong naghatid sa amin ditto ang mga ahas dagat ay umaalis sa panahon ng tag init o tag araw dahil narin sa maraming bisita na pumupunta ditto.
Ang Snake Island o Dapa Island ay syang pangalawang Isla sa aming listahan ng Island Hopping Escapade sa bakasyon naming ito. Ang Isla ay may sariling apela hindi ito karaniwang paraisong Isla,Itoy may makitid na baybayin ang rough formation ng mga bato, subalit nong aming Makita sa malapitan kamiy nabighani at sumangayon sa angking nitong kakaibang ganda at ang malinaw na tubig na kulay turkesa o (torquiese water) na nang aakit upang iyong suyurin ang kailaliman nito.
Inilagay ng aming bangkero sa medyo mababaw na lugar ng Isla abg bangka, kung saan maari kaming lumangoy at tumalon mula sa ibabaw ng mga bato, may ilang bahagi ditto na mababaw ngunit karamihan ay malalim. Kailangan mo rin magsout ng Life jacket bilang floaters para makalangoy ditto. Itinuro din ng aming bangkero kung saan puede kaming tumalon sa may 3 metrong taas ng bato hanggang sa mala turkesang kulay ng tubig nito na kumikinang sa ilalim ng araw.
Halos lahat sa aming grupo sinubukang maranasang ang pagtalon sa tubig, tapos naming magsawa sa kakatalon kamiy nagpasyang pumunta sa may kuweba at naghanap ng magandang lugar para kumuha ng mga litrato habang kamiy abala sa kapopose isa sa aming kasama ang bigla nalang sumigaw dahil nakakita sya ng ahas patungo sa kanyang lugar na kinaroroonan, Hindi na kami tumuloy sa kuweba baka mas marami pag ahas sa loob. Naghanap nalang kami ng magandang lugar para paglatagan ng dala naming sapin para makapag pahinga at magkuwentuhan habang ang iba naming kasama ay ng e explore pa sa kapaligiran.
Ang pag lalakbay sa Isla ay hindi kumpleto kung hindi mo aakyatin ang tuktuk ng malaking bato nito. Kunting ingat dahil ang mga bato ay magagaspang, Salamat sa tulong ng mga ilang kaibigang bangkero nakarating kami sa tuktuk at kamiy nasiyahan sa angkin ganda ng kapaligiran.
Napakagandang pagmasdan ang malawak na dagat, nakagagaan ng pakiramdam ang mabining simoy ng hangin, Ang paglalakbay namin sa Islang itoy sobrang espesyal na karanasan sa aming lahat.
Sa palagay ko nalibot naming ang Isla higit kaysa inaasahan.Iniwan naming ang Isla na may saya sa puso, Isang sulyap pa sa Dapa Island o Snake Island ay nag iwan ng di malilimutang karasan uli sa aming lahat, Isang tanawin na nakaukit sa amin pusot isipan.
Kung hanap nyo ay mababang presyo at syempre magandang serbisyo para sa susunod nyong paguwi sa Pilipinas,maari po ninyong tawagan ang MABUHAY TRAVELS at Komunsulta
sa aming mga Pilipino travel consultant. Tawag po lamang kayo sa 02035159034.
Salamat po.
Hanggang sa muli.
By: – Jess B. Garcia
Article Approved By: – Elma