Maraming mga magagandang tanawin sa Cebu, mga beaches at mga luntiang bundok. Ang mga tanawing ito ay perpektong bubusog sa mga mata ng turistang nais magroadtrip sa Cebu.

Ang mayamang dalampasigan ng Cebu ay nakakabighani, mayroong puting-puti tulad ng Boracay na may pinong buhangin din, turkisang kulay ng tubig, light blue at deep blue na kulay, makulay rin sa ilalim, at marami pang ibang maaring ibigay na papuri sa kagandahan ng mga beaches in Cebu.

Ang Cebu ay isa sa mga dinarayong destinasyon sa Pilipinas kaya naman marami ring mga hotel dito at mga pribadong resort, marami sa mga magagandang beaches in Cebu ay matatagpuang sakop ng mga resort. Basahin sa ibaba ang aking mga naitala, mayroong mga pribado ngunit abot kaya at mayroong pampublikong mga beaches in Cebu din na hindi mo naman mapupulaan ang kagandahan nito.

1. Kota Beach

Ang Kota Beach ay isa sa mga beaches in North Cebu na popular pero nag-aalok ng paniguradong enjoyment sa beach. Kilala ito sa hugis kurbado at puting buhangin nito. Ito ay matatagpuan sa Santa Fe, Bantayan Island. Pinaka-aabangan din ang magandang sandbar ng sa Kota beach, tuwing low tide ay nagpapakita ang putting sandbar nito at talaga namang ine-enjoy ito ng mga beach goers. Ang dalampasigan din nito ay malinis. Take a dip sa beach para magpalamig at tamasahin ang mga magagandang tanawin na inaalok nito.

beaches in Cebu - Kota beach


2. Tonggo Beach

Ito ay isa sa mga beaches in Cebu na paboritong dayuhin ng lokal at mga dayuhang tursita. Ito ay matatagpuan sa Marigondon, Mactan Island. Isa hanggang dalawang oras na biyahe mula sa Cebu City. Ilan sa mga maari mong gawin dito ay mag-fishing, jet skiing, at snorkeling, may lugar din dito kung saan maari kang mag tayo ng tent at i-enjoy ang hanging dala ng dagat. Kabilang ang beach na ito sa mga natatanging beach na may dalang katangi-tanging karanasan.


3. Maravilla White Beach

Isa ito sa mga white beaches in Cebu na matatagpuan sa norte, mahigit dalawang oras na biyahe mula Cebu City. Ang puting buhangin nito ay malinis at malambot. Kaaya-ayang pagrerelax at pagsasaya ang alok ng Maravilla Beach lalo na sa mga mahilig maglaro ng volleyball at iba pang mga beach games. Perpekto ito sa pamilyang nais ng mabilisang pagsasaya lalo na at abot kaya ang budget dito. Ang tubig nito ay malinis din at katulad ng iba pang mga beaches in Cebu, ito ay may kanais-nais na kulay. Hindi mo pagsisisihan ang pagpunta rito.


4. Langob Beach

Isa rin sa mga beaches in Cebu na nasa norte, kilala din bilang “North beach” at matatagpuan sa Malapascua Island. Ito ay may kamangha-manghang beach rin, malawak ang pinong buhangin at kakaunti lamang ang mga bato. Nakakapagtakang ito ay hindi masyadong nabibisita, marahil ay dahil walang masyadong restaurant dito kaya mas napapanatili rin ang kalinisan nito. Sa mga katangiang ito, kinokonsidera na ito ay isa sa mga best beaches na matatagpuan sa isla. Perpekto ito para sa isang tahimik na pag-su-sun-bathing. Ito ay madalas na surfing area ng mga kabataan dahil sa malalaking alon nito.

beaches in Cebu - Langob beach


5. Medellin Beaches

Ang Medellin ay isa sa mga Munisipalidad ng Cebu, bagaman napapaligiran ng magagandang beaches ito ay binansagang “Sugar Bowl of Cebu”. Maraming magagandang beaches sa Medellin at pati na rin sandbar, mayroon ding swak para sa isang mahigpit na budget at mayroong ding mga accommodations sa lugar na nag-aalok ng first class na serbisyo. Bisitahin ang Medellin para makita at mamangha sa kanilang mga malinis na dalampasigan.

beaches in Cebu - Medellin beach


6. Bounty Beach

Isa sa mga beaches in Cebu na nag-aalok ng kaaya-ayang sunset view. Isa sa mga paborito kong tanawin sa beach ay ang pagbabago ng kulay ng kalangitan habang papalubog ang araw. Katulad ng ibang mga beaches in Cebu, ito ay may sariling kagandahan rin. Maraming mga dive shop at resort ang nakapaligid sa beach. Ito rin ay isang lugar kung saan pangunahing tumutuloy ang mga turista, kaya ang mga dalampasigan ay inaayos ng mga tao upang maging mas malinaw ang tubig.

beaches in Cebu - Bounty beach


7. White Beach Moalboal

Ang Moalboal ay isa sa mga paboritong dayuhin sa Cebu, ito ay nasa timog ng isla. Isa ito sa mga literal na white beaches in Cebu, at syempre kapag nasabing white beach, marami talagang dumadayo rito. Nagiging crowded and dalampasigan lalo na kung weekend. Magkagayunpaman hindi mo naman mapupulaan ang kagandahan ng tubig nito. I-enjoy mo na lang ang swimming mo at kumuha ng magandang litrato gamit ang pepektong kulay ng tubig at kalangitan.

beaches in Cebu - White beach Moalboal


8. Lambug Beach

Ito ay matatagpuan sa Badian,Cebu, katimugan din ng Cebu. Tatlong oras na biyahe mula sa Cebu City, na kapag narating mo ay mawawala ang pagod mo. Ang instagrammable na kagandahan ng tanawin ay agad na papawi sa iyong pagod na katawan, gugustuhin mo na lamang na lumangoy sa malamig at malinis na tubig nito. Mayroong kaunting halagang sinisingil para sa ikagaganda at pag mimintina sa kalinisan ng dalampasigan.

beaches in Cebu - Lambug beach


9. Tingko Beach

Ito ay matatagpuan sa Alcoy, Cebu. Ito ay nahahati sa apat na istasyon, Tingko Beach 1 & 2, Voda Krasna Resort, at public beach. Mayroong kinokolektang maliit na halaga para sa Tingko Beach 1 at 2 para sa maintenance nito. Ang Tingko beach ay isa sa mga parating dinarayo ng mga beach goers dahil sa ganda nito at abot kayang gastusin sa lugar. Ang pulbos at puting buhangin nito kasama pa ang azureng kulay ng tubig ay perpekto para sa isang pamilyang nais ng panandaliang pagsasaya sa isang holiday.


10. Mactan Newtown Beach

Isa sa mga beaches in Cebu na malapit lang, at dahil sa distansya nito aasahan mo na na ito ay crowded, pero kung wala naman problema sa barkada o pamilya mo ito, tamang-tama ang beach na ito para sa inyo. May murang entrance fee din ang beach. May mga cottages at mga banka na maaring rentahan habang nasa beach.


Ang mga beaches in Cebu ay may kanya-kanyang ganda, maari kang mamili sa mga nasa itaas kung saan mo nais pumunta. Basta ang importante ay makapag-enjoy ka sa iyong holiday, solo man o kasama mo ang pamilya mo. Marami pang mga beaches in Cebu ang kailangang i-explore at ilan lang ang nabanggit ko. Biyahe na sa Cebu, hindi ka mawawalan ng aktibidad dito.

Para sa inyong mga panghimpapawid na pangangailangan, tumawag lamang sa aming mga Filipino travel experts.



Related Posts

Best places to visit in Iloilo on Your Holiday

Iloilo is situated in the western part of the Visayan region and is known for its warm hospitality and genuine...

Manila Night life – Party like a Filipino

Ang Maynila is the place to go for most travellers who are looking forward to have a good time sa...

Mag – Aso Falls Bohol

Pasyalan natin Ang Pinakamagandang Waterfalls sa Isla ng Bohol   Ang Mag-Aso Falls ay isa sa mga magagandang talon sa...

Giant Clam Sanctuary: One of the Famous Tourist Destination in Samal Island

Bisitahin natin ang Island Garden, City of Samal home of Giants Clams o Kabibi.   Ang Island Garden City of...