One of the Tropical Paradise sa Talicud Island – Babu Santa Beach Resort

One of the Tropical Paradise sa Talicud Island – Babu Santa Beach Resort

Isa sa mga tropikal na paradise resorts bukod sa Dayang Beach Resort ay ang Babu Santa Beach Resort sa Talicud Island. Ito ay pinangalanang hango sa isang babae (Babu) na maligaya bilang Santa Claus ngunit pasalungat ang ambiance ng lugar mula sa term na “maligaya”.

Ang resort ay lubos na perpekto para sa mga indibidwal na nais masaklawan ang kabuoan ng kalikasan. Hindi binago ang itsura ng Babu Santa para mapangalagaan ang ganda ng tanawin. Ang mga kuwarto at cottage ay dinisenyo na hindi expensibo. Ang lahat ng nakapalibot ay purong natural, wala masyadong ibang

tanawin ngunit malinis naman ang dagat, pinong puti ang buhangin at malawak na paligid para sa mga gustong maglaro o mag-enjoy.

Kung gusto mong maranasan ang lugar na ganito, mangyaring sumakay dito sa mga sumusunod na bangka (Pacific Boat, Jessa Boat, Shirly Boat, Gracee Boat, at Hof Gorei Boat) mula sa Sta. Ana pantalan Davao City papuntang Talicud Island at 10am hanggang 3pm lang ang biyahe. Kung gusto mo pa ng ibang option, maaari mo ring gawin ay sumakay ng barge mula Sasa Davao City papuntang Samal, mula sa barko ay maiksing biyahe na naman papuntang Penaplata warehouse sa Kaputian, pagkatapos ay sumakay ng bangka papunta sa Talicud sa P10.00 lamang na pamasahe, at ilang minutong biyahe doon sa Talicud Island sakay ng motorsiklo papunta sa Babu Santa Beach Resort. Kung nais mong makaranas ang ganito kagandang beach, tawagan po kami Mabuhay Travel para sa inyong early booking for your holiday in the Philippines, ang aming mga Filipino travel consultant ay maglingkod sa inyo.

 

Para sa mga taong nais na dalhin ang mga bata, ang kanilang kaligtasan ay dapat i-priority. Huwag iwanan ang mga bata dahil walang mga available na life guard sa lugar na ito.

 

Maraming Salamat po.

Related Posts

Cowrie Island

Perfect Place For Relaxation   Ang Isla ng Cowrie ay matatagpuan sa loob ng Honda Bay ay halos 8 kilometro...

Mga Traditional food in the Philippines

  “Traditional foods na standout sa lahat”   Kapag pinag-uusapan ang traditional food in the Philippines, ano ang unang naiisip...

Kilalanin ang mga Popular holiday destinations sa Mindanao

Ang Mindanao na kilala rin bilang Timog Pilipinas, ay ang pangalawang pinakamalaking isla sa Pilipinas. Ang Mindanao at ang mga...

Ang Isla ng Siargao (The Island of Siargao)

Mga kamangha-manghang lugar at bagay na nakaranas sa Siargao Siargao ay nasasilangang baybayin ng bansa at isang a tear-drop shaped...