Narito ang 10 pinakamahusay na pagkain sa Filipino

Narito ang 10 pinakamahusay na pagkain sa Filipino

Likas sa ating mga Pinoy ang pagiging mahilig sa pagkain. Lalo na at napakaraming mga kainan ang makikita sa bawat sulok nitong ating bansa. Bawat lugar at probinsya ay mayroong mga ulam na ipinagmamalaki. Bawat okasyon ay mayroon tayong mga partikular na putahe o mga pagkain na inululuto at inihahanda sa ating hapag-kainan. Nandiyan din yung mga pagkakataon na makarinig ka lamang ng salitang pagkaing Pinoy ay papasok na agad sa isip mo ang iba’t-ibang ulam na pwedeng makita sa mga hapagkainan nating mga Pilipino. Ilan sa mga ulam na ito ay ang mga Adobo, Sinigang, Nilaga, Kare-kare, Lechon at iba pang mga ulam na paboritong-paborito natin.

 

Boddle fight Pilipino Style

Ika nga ng iba, “EATING. MORE FUN IN THE PHILIPPINES” kaya naman maraming mga Pilipino sa ibang bansa ang mga nakakamiss kumain dito sa atin dahil iba pa rin daw ang LUTONG PINOY

 

Chicken Adob

Chicken Adobo the unofficial na pambansang ulam ng Pilipinas. Sa mga pinanggalingan sa panahon ng kolonisasyon ng Espanyol Adobo ay literal na sinasalin bilang ‘Marinade‘ sa Espanyol. Ang manok ay marinated sa suka, bawang, itim na paminta at toyo bago ito lutuin hanggang malambot.

 

Lechon

Ang litson o letson (sa Kastila: lechón – biik) ay isang inihaw na buong baboy, bata man o hindi, na karaniwang nilalagyan ng mansanas sa bibig matapos na malutong nakatuhog sa kawayan habang nakadarang sa nagbabagang mga uling.

 

Kare-Kare

Marami sa ating mga Pilipino ay ito ang paboritong pagkain. Ito ay isang ulam na nilalagyan ng mga karne at hinahaluan ng iba’t-ibang klaseng mga gulay na siyang isa sa mga nagpapasustansya dito. Pinapakuluang ang karne hanggang lumambot at matapos ay hahaluan ng mga sangkap na nagpapalasa dito. Mas masarap ito kapag kasama ang kapartner nito na bagoong sa hapag-kainan ang Kare-Kare.

 

Sinigang

Ang Sinigang ay isa sa mga paboritong ulam nating mga Pinoy. Pwede itong iluto na Sinigang na Baboy, Sinigang na Hipon, Sinigang na Bangus, Sinigang na Baka at iba pang mga karne at isda na pwedeng isahog sa Sinigang. Iniluluto ito kasama ang maasim na sabaw na ginagawa gamit ang iba’t-ibang pampaasim na nakadepende sa nais mong lasa. Hinahaluan din ito ng iba’t-ibang gulay tulad ng Kangkong, Sitaw, Sigarilyas, Okra, Gabi at hiniwang Talong. Swak na swak ito sa mga taong mahilig sa mga maaasim at masustansya na pagkain.

 

Kaldereta

Ang Kaldereta ay pangkaraniwang niluluto na may karne ng Kambing. Sa mga panahong ito, pwede nang gamitin ang kahit anong karne. Pinakukuluan ang karne hanggang ito’y lumambot at dahah-dahang lulutuin na may malapot na sarsa na gawa sa tinadtad na sibuyas, bawang, kamatis at durog na paminta. Maaaring ibahin kung gaano kaanghang ang lutuin. Maaari ring magdagdag ng hiniwang patatas at karots

 

GInataan

Ang Ginataan ay isang uri ng pagluluto na mayroong gata, ihalo ang ikalawa at kakang  gata sa baboy, manko, isda, lamang dagat at mga gulay para sa iba’t ibang ulam. Ang kasarapan ng gata ay kaakbit ng pagdagdag ng sili.

 

Menudo

Menudo palagi nang kasama ang menudo tuwing may handaan sa pamilya kakaiba ang paraan sa pagluto nito dahil may kasama itong hiniwang atay ng baboy, sibuyas, kamatis, patatas,karots, red at green sili at pasas. Ang sawsawan ay pinapalapot ng tomato sauce. Ang hiniwang chozizo de bilbao at garbanzo ay pwedeng ihalo upang maging mas malasa nag Menudo.

 

Dinuguan

Ang pinaka-kontrobersyal na pagkaing Pinoy. Ito ay may sangkap na dugo at lamang loob ng baboy, berdeng sili, bawang, toyo, suka, asin, pamintang buo at dahoon ng laurel. Maaaring magdagdag pa ng iba’t ibang pampalasa upang lalong sumarap ang nasabing pagkain.

 

Pakbet/Pinakbet

Pakbet/Pinakbet ito ay pinagsama-samang gulay tulad ng kalabasa. Okra, sitaw, talong, ampalaya at iba pa. Maari rin itong lagyan ng lamang dagat at karne.

 

Nilaga

Ang tunay na ibig sabihin ng Nilaga ay pinakuluan. Pinakukuluan ang karne ng baboy, manok o baka hanggang sa ito’y lumambot. Idinadagdag ang repolyo, patatas, kamote, karots, dahoon ng sibuyas, saging na saba, petchay, buong paminta at garbanzo para sa mas malinamnam na sabaw. Kinakain ang nilaga na may kasamang patis o kaya ensaladang talong at kalabasa na mag suka, paminta, bawang, asin at asukal.

Filipino food rocks! Ang mga Pilipino ay kilala sa aming mga positibong halaga, mabuting pakikitungo, pagiging masigasig, at kakayahan upang harapin ang anumang mga hamon na nagdadala sa buhay – na may isang ngiti sa aming mukha. Higit pa rito, kilala rin kami na magkaroon ng isang mahusay na simbuyo ng damdamin para sa pagkain – sa puntong isinasaalang-alang ang pagkain bilang isang libangan

 

Maraming Salamat Po.

 

 

Related Posts

Flavourful Filipino Food that Tourists Love

1. Adobo   Of course ito ang numero uno sa lahat ng Filipino food. Ang Adobo ay ang paglulubog ng...

Traditional Filipino Sweets and Desserts You Need to Try

Sweets ba? Marami tayo niyan, masasarap pa, hindi nakakaumay. Paborito ko lahat, huwag lang sobrang matamis, maari namang i-adjust yong...

Mga Traditional food in the Philippines

  “Traditional foods na standout sa lahat”   Kapag pinag-uusapan ang traditional food in the Philippines, ano ang unang naiisip...

5 Dishes in Elyu you shouldn’t miss

Popular sa hilagang bahagi ng Pilipinas ang “Elyu” (LU), pinaikling tawag sa La Union, dahil sa pagkakaroon nito ng magandang...