Migrants in UK: Filipino’s life stories

Migrants in UK: Filipino’s life stories

“mga kwento ng inspirasyon”

Maraming mga Pilipino ang nangangarap na tumira sa UK. Hindi maipagkakailang dito ay magkakaroon ng mas magandang buhay, oportunidad, mas magandang sistema, kumbaga jackpot ka kapag nakapag-migrate ka sa UK.


Excitement

“Lumapag na yung eroplano, nasa airport na ako, UK na ako! Gusto kong sumigaw sa tuwa sa excitement. Yeeeeeeeeyyyyyy! Big ben, nandito na ako! Ang daming tumatakbong imahinasyon sa isipan ko, dadalaw ako sa palace, magpipicture ako, makikita ko na ung pag-angat ng London bridge! Para akong lumulutang sa saya, ang gaan ng pakiramdam, sobraaaaaaaang excited ako. Ang tagal ko ding naghintay bago makarating dito.” Ito ang saad ng aking kaibigan. At marami pang mga Filipino in UK ang may kahalintulad na linya.

Habang nakikinig ako sa mga life stories nila, damang dama ko yung excitement, at maging ako ay natutuwa din. Kitang-kita sa kanilang mata ang ning-ning habang binabalikan ang nakaraan nang sila’y dumating sa UK.


Adjustment

Batay sa mga life stories na naibahagi sa akin, mahirap ang adjustment pero kaya naman, kasi flexible naman ang mga Pilipino. Kahit saan maiharap ang mga Pilipino marunong silang bumagay sa kapaligiran nila. Dagdag pa ng ibang mga nagbahagi ng kanilang mga life stories, nandiyan ang mga suporta ng ibang mga Filipino in UK. Nakaalalay sila at handa kang tulungan. Sila ang magiging pangalawang pamilya mo doon.

Masasabing isa sa mga bagay na kailangan ng adjustment ay ang klima, lalo na sa panahon ng niyebe. Kahit na nakabalot na ang katawan sa isang makapal na coat ay ramdam pa rin ang panunuot nito sa katawan.

Nandiyan din ang cultural adjustment, at mahihirapan ka din na intindihin ang ingles nila. Ang mga Pilipino ay mas sanay sa American accent kaya ito ang isa sa mga adjustments nila, “paulit-ulit kong tinatanong at pinapakinggan yung sagot niya kasi hindi ko maintindihan” yan ang sabi ng isang Pilipina na nakakwentuhan ko.


Dedication to succeed

Kung may pangarap ka, pagtrabahuan mo, magsumikap ka” yan ang pangaral ng aking mga magulang at siya ring sinasabi ng mga nakausap kong mga Filipino in UK na nagbabahagi ng kanilang life stories. “Kung nahihirapan ka, kung pagod ka, magpahinga ka pero huwag kang titigil”. Iisa lang ang kahulugan ng kanilang sinasabi, magpunyagi ka, pagsusumikap, dedikasyon para maging matagumpay.

Sabi ni Mang Ronaldo, taga Cagayan de Oro,  “Ginawa ko lahat ng pagtitipid para makaipon agad ko at mas mabilis ko silang makuha para na ri sa panggasto sa mga papeles na kakailanganin”. “Kung day off ko at hindi naman masyadong pagod, nag-sa-sideline ako” sabi naman ni Ate Helen.

Ang mga pagbabahaging ito ay hindi lamang sa mga Filipinos in UK, kahit saang bansa sila, alam ko na ganito rin, o kaya ay may pagkakahalintulad ang mga katagang ito sa mga salitan bibitawan nila kung sakaling sila ay tatanungin mo rin.


Home Sick

Marami sa mga Filipinos in UK ang nagmigrate na hindi kasama ang pamilya, nauna muna si Tatay o Nanay, o kaya ang asawa bago dalhin ang buong pamilya. “Nung panahon ko, tandang-tanda ko halos mabaliw ako kasi first time kung mawalay sa mga anak ko, wala pang mga smartphones noon” saad ni Ate Mely.

Sa mga life stories na narinig ko homesick, minsan nakakasira ng katinuan ng mga malayo sa pamilya. Ito ang matinding kalaban ng mga nalalayo sa kanilang mahal sa buhay lalo na kung ito ay ibang bansa. “Isa sa mga kasabayan ko, na-depress, nabaliw siya” dagdag ni ate Mely.

Ngayon nandiyan pa din yung pagka-homesick pero hindi na ganun katindi dahil na rin sa mga smartphones, video call, yung makakausap mo sila kahit malayo ka, nandoon pa din yung komunikasyon, kumustahan, “Ma, kumain ka na ba?” “Bakit hindi ka pa nakakauwi, tapos na ang klase mo diba?”

Malaking ang tulong ng teknolohiya ngayon para maibsan ang kalungkutan sa mga Pilipinong malayo sa mga mahal sa buhay, na tulad ko, ito rin ay nagagamit para magkaroon ng libangan at aliwin ang mga sarili.


Triumph

Ang sarap sa pakiramdam na makita mo ang iyong pamilya sa bansang pinapangarap ninyo, yung magkakasama na kayo. Wala pagsidlan yung sayang madarama mo kapag nagtagumpay ka sa iyong pangarap.

Habang pinapakinggan ko sila, ay ay tumatango ang iba bilang pag-sang-ayon, at habang nagsasalita ay tila bumabalik ang mga pinagdaanang hirap at naluluha na lamang sa kagalakan.

Iba-iba man ang mga life stories namin pero iisa ang aming hangarin ang maging matagumpay at makasama ang aming mga mahal sa buhay.


Filipino Community in UK

“Malaki ang naitulong sa akin ang pagsali sa mga Filipino community sa UK. Marami sa mga Filipino in UK ang makikita o nagtatagpo sa Earl’s Court. Sila ang nagbibigay ng mga suhestiyon sa akin: saan may part-time, saan ang party, mga ibat-ibang aktibidad para maramdaman pa rin ang Pilipinas kahit malayo ka na. Dun ko rin narinig ang mga maraming rekomendasyon kung saan ako makaka-book ng flight ticket to Philippines, may mga agency na nagbibigay ng magandang flight deals tulad ng Mabuhay Travel,” mahabang salaysay ni ate Jane.  Ang Mabuhay Travel ay isa sa mga pinagkakatiwalaang Travel Agency sa UK para sa mga flights to Philippines.

Life stories

Ikaw anong kwento mo? Ano ang pinakamahirap na napagdaanan mo at npagtagumpayan mo. Ibahagi ito sa amin.

Para sa anumang mga travel needs mo, tumawag lamang sa amin at makipag usap sa aming mga Filipino travel consultants. Kami ay nag-aalok ng mga cheap flights to Philippines.



 

Related Posts

5 BEST FILIPINO SOUPS

Ang sopas ay isang liquid food, karaniwang ihinahaing mainit (mas masarap pag mainit-init). Ito ay pinagsama-samang sangkap ng karne, mga...

Filipino New Year Traditions & Superstitions

Ang mga Pilipino ay may maingay at magarbong paghahanda tuwing bagong taon at kasabay ng mga paghahandang ito ay ang...