Sinigang:
Ay itinuturing na kultura ng
Tagalog ang pinagmulan. Isang maasim na sabaw na kadalasang gawa sa karne ng baka at sampalok, pero kung minsan ay ginagamit din ang iba pang mga maasim na prutas tulad ng bayabas, green mangga at calamansi. Kamatis, bawang, sibuyas at iba’t ibang mga gulay ang sangkap sa pag gawa ng Sinigang.
Ang
mga sikat na variant ay kinabibilangn ng sinigang na baboy, siningang na hipon
at sinigang na isda.
Masarap
na pinoy food para sa may mga hang-over.
Adobo:
Ang Adobo ay madalas na tinatawag na pambansand ulam ng Pilipinas. Ang lasa ay pinaghalong sangkap na suka, toyo, bawang, dahoon ng bay at itim na paminta, kung gusto mo ng kaunting maanghang maari kang magdadag ng chili peppers.
Ang
pinaka-karaniwang adobo ulam ay chicken(manok) at pork(baboy). Ang karne ay
maaring lutuin sa sabaw o marinated sa adobo sauce at pagkatapos ay pinirito.
Pancit Guisado:
Ang pancit guisado ay karaniwang fried noodle at may tatlong uri; Pancit Canton makapal ang noodles, Pancit Bihon ay manipis o vermicelli noodles at Bam-I ay combination ng dalawa noodles.
Ang Pancit Guisado ay masarap na side dish to add to your meal.
Tocino:
Tocino ang Filipino version of bacon. Ito ay tiyan ng baboy cured sa asukal, asin at iba’t ibang mga pampalasa at pagkatapos ay pinirito. Ito ay bahagi ng isang karaniwang almusal ng mga Filipino sa umaga.
Kare Kare:
Ang rich stew ay may halong peanut sauce at oxtail, ngunit ang iba pang mga cut ng karne ng baka ay maaring idagdag. Ang mga gulay na sangkap nito at talong, repolyo, okra, at annatto pang pakulay sa sabaw.
Ang kare kare ay maari ding gawin sa pagkain dagat(seafood) gaya ng prawns, pusit at mussels at pwede din ang mag gulay.
Kadalasan ang Karekare ay hindi kumpleto nang walang paghahain ng bagoong (fermented seafood paste) sa gilid.
Sisig:
Ang Sisig ay isang Kapampangan dish. Ang baboy sisig ay pinaka-karaniwan at binubuo ito ng tinadtad na mga tainga ng baboy, jowls at atay, sibuyas, at chili peppers. Mainit na sizzling skillet may itog sa itaas, haluin bago para maluto ang itlog at squeeze of calamansi juice para mas massarap ito.
Sisig ay may ibang din bersyon na pwede tulad ng tiyan ng baboy, manok, tuna, talong at maari rin ilagay sa sizzling hot plate.
Dinuguan:
(Pork Blood Stew)
Dinuguan ay isang Filipino savory stew ang sangkap nito at galing sa laman loob ng karning baboy(baga, bituka, puso, bato at snout) idagdag din ang bawang, sibuyas, chili, siling haba , suka at dugo ng baboy.
Madalas itong kinakain na may kasaman puto (sweet steamed rice cake) na mas kumpleto for its savoury taste.
Lechon (Litson):
National Dish of Philippines.
Itong ulam ay impluwensya ng Espanyol sa Pilipinas at walang Fiesta o kahit anong pagdiriwang na walang Lechon nakahain sa hapag kainan.
Ang buong baboy ay inihaw sa mga baga, na nag balat ay malutong at ginintuang kayumanggi na kulay. Ang tiya ng baboy ay stuffed with star anise, paminta, spring leaf, laurel leaves at lemongrass ito ay nagpapasarap sa lechon kahit na walang sarsa.
Laing:
Ang Laing ay isang ulam na karamihan sa bahagi ng Pilipinas. Ngunit ito ay mas karaniwang kilala bilang “Pinangat” sa rehiyon ng Bicol kung saan nagmula ito.
Ang niyog(coconut) ay isa sa mga 5 pangunahing pananim ng Bicol, kaya inasasahan na ang coconut milk ay isang kilalang ingredient sa lutuin ng rehiyon.
Ang Laing ay isang ulam na gulay na gawa sa pinatuyong taro (Gabi) pwede din may karne o seafood, niluto sa gata ng niyog, spiced with siling labuyo,lemongrass, bawang, sibuyas, luya at shrimp paste.
Pork Afridata:
Ang Pork Afritada na malambot na baboy, karot, patatas, bell peppers at may tomato gravy ay isang paboritong hapunan
Sa hapag kainan at kahit sa handan, di mawawala ang ulam na ito dahil masarap at perpekto with steamed rice.
Maari mo rin gamitin karne ng manok, baka o isda. It’s a classic Filipino Stew.
Bulalo:
Ang Bulalo ay nagmula sa Batangas.
Ang mga Pilipino ay madalas na nag-enjoy sa mainit init na sabaw ng Bulalo na ginawa mula sa sariwang karne galing Batangas.
Ang bulalo ay gamit ang karne ng baka at mga buto buto ng baka, ang sabaw ay masarap ang lasa dahil ito ay pinapakuluan na mahigit isang oras, pag ang buto ay malaki ibig sabihin ito ay marasap tamasahin.
Chicken Inasal:
Ito ay isang tanyag na specialty sa lungsod ng Bacolod.
Ay isang Pilipino variant ng lechon manok, ang karne ay marinated sa calamansi, asin, paminta, tanglad, luya, bawang, suka, at atsuete oil.
Ang bawat bahagi ng manok ay pwedeng inihaw, masarap ito pag may kasamang garlic rice at oil galing sa marinated chicken na pweding ihalo sa rice.
Pinakbet:
Isang Indigenous Filipino dish mula sa Hilagang Ilocos rehiyon ng Pilipinas.
Ang dish ay ginisa sa bawang, sibuyas at kamatis, ang mga gulay ay okra, talong, amplaya, kalabasa, at bagoong (hipon paste), maari mo rin dagdagan mg sahog na karne. Ang ulam na ito ay pangunahing sa hapag kainan, healthy food, mapakamurang ulam at madalin lutoin.
Fish Kinilaw:
Ang kinilaw ay isang uri ng paghahanda ng pagkain kung saan ang mga tinalupang hipon o mga maninipis na mga hiwa ng isda ay binabad o niluto lamang sa pamamagitan ng katas ng lemon, suka o maanghang na mga sili.
Kilaw o Kilawin rin ang tawag sa mga maliliit na piraso ng karne o isda na binabad sa suka at mga panimpla bago kainin.
Humba:
Pork with black bean sauce ay isang lutuing katutubo sa Pilipinas na may pata ng baboy, tausi( black beans) saging na saba, dahon ng laurel, kalamansi, bawang, brown sugar, sili , mani, toyo , oregano, suka , itlog at tubig.
Humba ay Visayan counterpart ng adobo, ang pangunahin sangkap ay suka, toyo at bawang.
Tawag na sa aming mga Pilipino travel consultant para sa inyo bakasyon sa Pilipinas.
MABUHAY TRAVELS