December Festivals in the Philippines

December Festivals in the Philippines

“December Festivals in the Philippines”
1. Pastores Bikol ( Disyembre 12, 2022)

Ang The Pastores ay isang musical re-enactment ng old nativity story. Ang mga makukulay na kasuotan ay isinusuot ng mga mang-aawit, bilang parangal sa mga pastol sa Bibliya na umawit ng mga unang awit ng Pasko. Ang pagtatanghal ay ginagawa sa isang entourage ng mga tradisyonal na musikero, mga sayawan sa tono ng Pastores a Belen, at isang masaganang Christmas cheer. Ito ay isang caroling in Bicol style.

Kilala bilang “Pastores” (Shepherds), ang tradisyon ay ipinakilala ng mga paring Espanyol noong huling bahagi ng 1800s, at kumalat sa buong rehiyon at naging bahagi ng pagdiriwang ng Yuletide sa Bicolandia.

I-book ang inyong flight to Legazpi at huwag palampasin ang mga pagtatanghal na ito upang maharana sa mga magagandang boses ng mga Bikolandia.


2. San Fernando Giant Lantern Festival (Disyembre 17, 2022)

Ang Giant Lantern Festival ay isang taunang pagdiriwang na ginaganap sa kalagitnaan ng Disyembre sa Lungsod ng San Fernando sa Pilipinas. Nagtatampok ang pagdiriwang ng isang kumpetisyon ng mga higanteng parol. Dahil sa katanyagan ng pagdiriwang, ang lungsod ay tinawag na “Christmas Capital of the Philippines”. Ang piyestang ito ay isa sa may pinakamaraming bisita sa buong Pilipinas. Isa itong perpektong piyesta tuwing Pasko, ang Giant Lantern Festival.

Ayon sa opisyal na pahayag sa kanilang FB page ang ‘Ligligang Parul’ ay gaganapin sa Disyembre 17, 2022 sa Robinsons Starmills Pampanga. 10 villages ang kasali sa kompetisyon para sa December Festivals: Bulaon, Calulut, Del Pilar, Dolores, Pandaras, San Juan, San Nicolas, Sta. Lucia, Sto. Niño, at Telabastagan.

Halina at makisaya sa Pampanga, i-book ang inyong direct flight to Clark para sa mas malapit na destinasyon.


3. Shariff Kabunsuan Festival (Starting on December 15, 2022)

Ang Shariff Kabunsuan ay isang taunang pagdiriwang ng makulay na kasaysayan at tradisyon sa Mindanao. Isang makulay na relihiyosong pagdiriwang na dapat mong puntahan, ang Shariff Kabunsuan Festival. Ipinagdiriwang tuwing Disyembre 15 sa Cotabato, ang pagdiriwang ay ginugunita ang pagdating ng Arabong mangangaral, si Shariff Kabunsuan, na nagdala ng pananampalatayang Islam sa lokalidad.

Ang pagdiriwang ni Shariff Kabunsuan ay hindi lamang tungkol sa mga aktibidad kundi isa itong pagtatanghal upang mapanatili ang kasaysayan. Ito ay rin ay para maipakita ang pag-ibig at dedikasyon ng mga tao para magbuklod para sa kasaysayan. Muling magsasanib ang mga tradisyon, kwentong magbibigay inspirasyon, kultura mula sa iba’t ibang sektor, tela, pagkain, musika, at mga tao. Mga kulay at ngiti sa mga mukha ng bawat kalahok at mga bisitang nakikilahok sa selebrasyong ito.


4. Simballay Festival

Ang Simballay ay isang taunang pagdiriwang ng Munisipyo ng Nabunturan na likha mula sa salitang Mansaka na nangangahulugang, “Pagsasama-sama, pagbabahaginan at pasasalamat para sa masaganang ani.”

Ito ay nagsimula noong 1994 nang ang Nabunturan ay pinangalanan bilang Provincial Agri-Industrial Center sa Rehiyon XI kasama ang mga munisipalidad sa Tagum at Panabo na ngayon ay naging lungsod maliban sa Nabunturan. Ang tatlong munisipalidad na ito ay kilala rin bilang PANATAG – Panabo, Tagum at Tagum corridor. Isang makulay na December festivals na kaabang-abang, street dancing, parades, Mansaka performances at marami pang iba.


5. Christmas Day (25th December)

December festivals

Mahalaga para sa mga kapatid nating Kristiyano ang pagdiriwang ng Kapaskuhan tuwing ika-25 ng Disyembre. Araw ito ng paggunita sa pagsilang ni Jesus, ang Anak ng Diyos ng mga Kristiyano. Misa de gallo o simbang-gabi ang hudyat ng pagdiriwang ng Kapaskuhan. Nagsisimula ito sa ika-16 ng Disyembre. Ang misa de gallo ang magkakasunod na siyam na simbang-gabi hanggang sumapit ang araw ng Pasko. Nagkakaisa ang mga Pilipino sa pagdiriwang nito. Marami ang dumadalo sa misang ito. Sama-samang nagsisimba ang mag-anak dito.

Ang mga makukulay na pagdiriwang na ito ay isa lamang sa mga pagdiriwang na maaari mong daluhan at tangkilikin sa Pilipinas. Markahan ang iyong mga kalendaryo at i-file ang iyong mga bakasyon para masulit ang mga December Festivals in the Philippines 2022.

Pagmamahal sa bawat isa ang mensaheng ipinahahatid sa atin tuwing sasapit ang Pasko. Isang araw rin ito para sa mga mahal sa buhay – mga kamag-anak at mga kaibigan – at pati na rin ng mga kaaway. Kailangang maghatid ang bawat Kristiyanong Pilipino ng kapayapaan hindi lamang sa buong bansa kundi pati na rin sa buong mundo. Kung kaya’t dapat tandaan na ang mensahe ng Pasko ay pagmamahal at kapayapaan. Tanda rin ito ng pagkakabuklod ng mga mag-anak. Nagsasama-sama rito o nagkakaroon ng reunion ang mga kasapi ng mag-anak.

Tumawag sa Mabuhay Travel para makapag-book ng maaga, para makasama natin ang ating mga pamilya at kasama sa pagdidiriwang ng Pasko.

Maraming Salamat po.

Related Posts

Kaamulan Festival 2020, Malaybalay City, Bukidnon.

“ang pinaka natatanging pagdiriwang”   Mula sa salitang Binukid na “amul”, na nangangahulugang magtipon, ang Kaamulan Festival ay ang pinagsama-samang...

Tinuy-An Falls, Pinakamalaking Talon ng Pilipinas

  Ang Tinuy-an Falls ay isang talon na matatagpuan sa Borboanan, Bislig City, Surigao del Sur. Ito ay ang pangunahing...

Leading Unique Filipino Christmas Traditions

Planning a Philippine holiday during Christmas time is simply amazing. Christmas in this destination begins on Christmas Day itself and...

Visiting Manila and Rediscovering Its Beauty

Ang Manila ang sentro ng Pilipinas, ito ang simula ng pangarap, masasabi nating dito umiikot ang henerasyon ngayon. Narito ang...