Malapascua Island: Travel, Explore, Adventure and Experience the Beauty of the Island in Daanbantayan, Cebu

Malapascua Island: Travel, Explore, Adventure and Experience the Beauty of the Island in Daanbantayan, Cebu

Ang isla ng Malapascua ay matatagpuan sa Daanbantayan, sa gitna ng Pilipinas, mga walong kilometro sa hilagang-silangan ng isla ng Cebu sa berde’t bughaw na dagat ng Visaya. Malayo mula sa mataong lugar ng matanyang na Boracay, ngunit napakadali namang puntahan mula sa international na paliparan ng Cebu. Ito ay isang maliit na paraiso na biniyayaan ng samu’t-saring bagay na kinagigiliwan ng mga adventure seekers.

 

Langub Beach, Malapascua Island

Maari kayong sumisid sa napakalinaw na karagatan sa gitna ng mga nasirang World War II Japanese ship, mag-snorkelling kasama ang isla, o kaya ay magrelaks sa puting buhangin at hayaan ang hangin na tumatama sa mga palm trees na makapagtulog sa’yo. Kapag narating mo’y siguradong babalik-balikan mo ito.

 

Ang maliit na isla ng Malapascua ay isa sa napakaraming lugar sa Daanbantayan na kilala sa swimming, snorkelling, diving, fishing, sailing, boating, exploring at sa pagrerelaks. Ang mga bangka dito ay maaring maupahan sa Malapascua, Dananbantayan area, na maaring magdadala sa mga bisiti sa mga malapit na isla na hindi madalas naputahan, gaya ng Carnassa, Calanggaman, Kanatarken, Gato, Chocolate Island at marami pang iba.

Ang ibig sabihin ng Malapascua ay “Bad Christmas”, at ipinangalan kay Ferdinand Magellan noong dumating ito sa isla sa araw ng pasko noong taong 1553. Naghanap sila ng tubig at iba pang pangangailangan ngunit wala silang nakita. Ngayon, ang Malapascua ay tinataguriang “the next Boracay”. Marami sa  mga turista ang mas gustong manatili dito dahil hindi ito crowded at nananatiling malinis. Ang isla ay maraming natatagong yamang naghihintay sa mga adventure seekers. Kadalasang hanapbuhay dito ay turismo, ngunit ang ilan ay umaasa pa rin sa pangingisda at pagsasaka

 

Bukod pa dyan, ang Malapascua ay isang diver’s paradise. Nadiskubre ito noon lamang panahon ng early 1900’s. Ang islang ito ay natuklasan dahil sa malawak na puting buhangin nito at nang kalaunan ay mga naggagandahang coral gardens at excellent dive spots malapit dito. Ito rin ay isa sa mga pinakamagandang shark diving location sa Pilipinas. Ilan sa mga sharks na makikita dito ay ang White Tips, Black Tips, Bamboo Nurse, Cat, Hammerheads at ang magnificent Thresher Shark. Ang Monad Shoal ng Malapascua ay kilala rin bilang natatanging lugar sa mundo kung saan ang Treshers ay maari mong pagmasdan ng malapitan araw-araw.

 

White sand beach with a beautiful view while relaxing. Book cheap airfare at Mabuhay Travels and travel to a destination of your choice. We are the leading Filipino Travel Agent in the UK.

 

Maraming Salamat Po.

 

Related Posts

Let’s Take A Short Tour In Panglao Island Bohol

(tahanan ng malinis na dalampasigan at maluhong mga hotel)   Matatagpuan lamang sa Bohol Island (the Philippines’ largest), ang Panglao...

Mga sports sa tubig na maari mong subukan dito sa Pilipinas ngayon tag-init

Ang Pilipinas ay may abundance ng bodies of water mula sa mga dagat hanggang sa mga ilog, lawa na ginagawa...

Amos Rock Dive Site

Find the best deals on Mabuhay Travel with a huge selection of cheap flights to the Philippines with the 4...

Apo Reef Diving Site

Looking for tours that include flights or special flight offers? We’re waiting for you here at Mabuhay Travel the leading...