Lungsod ng Davao ay isang highly urbanized lungsod sa Isla ng Mindanao. Ito ay pangatlong pinaka popular sa lungsod sa Pilipinas at pinakapopular na lungsod sa labas ng Bansa at pinakamatao sa Mindanao.
Ang Davao City ay nagsisilbing pangunahing kalakalan, komersiyo at sentro ng industriya ng Mindanao.
Ang Mt. Apo ay ang pinakamataas na bundok sa Bansa at makikita dito sa Davao city. Ang sentro ng lungsod at makikita mo ang People’s Park na kilala sa makukulay na mga katutubong eskultura na may mga makukulay na fountain. At tinagurian din itong Durian Capital of The Philippines.
Nang maging Pangulo ang dating Mayor ng Davao city Si Mayor Rodrigo Roa Duterte noong 2016, Ang Davao City ay naging atraksyon sa Bansa at Pinarangalan bilang isa sa mga pinakaligtas na lugar sa Bansa at dinadayo ito ng maraming local at dayuhan, bukod sa pag uusisa sa pinagmulan ng Pangulong Duterte. At talaga naman maraming magagandang atraksyon at tanawin ang Davao City
Galufarin natin ang magagandang Tanawin sa Lungsod Ng Davao City.
The Philippine’s eagle
Ito ay matatagpuan sa paanan ng Mt. Apo, Malagos Baquio District, Davao City.
Ang tahanan ng critically endangered Philippine Eagle. Kasalukuyan mayroon pito(7) Agila pang exsibit para sa edukasyon habang ang iba ay nakahiwalay para sa konserbasyon at pananaliksik.
Ito rin ay naging isa sa mga lugar na dinadayo nag mga turista dito sa Davao City.
Ang center hindi lanang Agila ang makikita maraming ribn iba pang ibon, mammals at reptiles.
Ito ay bukas mula Lunes hanggang lingo sa alas-8:00am hanggang alas- 5:00 ng hapon.
Eden Nature Park
Ang lugar na ito ay kahanga-hanga, dto nating matatamasa ang tunay na kalikasan at tunay karansan sa bundok. Ang resort ay 95% likhan na tao , ang 80 ektaryang parke at resort ay may nakakamamhang tanawin, at ito ay may maraming atraksyon tulad ng Deer Park, Flower Garden, Hiking Trails, Butter fly garden at green house na sila din ang natatamin ng gulay gaya ng litsugas at iba pa.
Tiyak na malulugod and iyong pamilya sa mga libangan tulad ng Skycling, pangingisda sa pond, pangangabayo. Merom din silang Restawaran na nag aalok ng masasarap na pagkain.
At kung nais mong magpalipas ng gabi mayroon silang cottage, logde at cabin para mag check in at maranasan ang kagandahan ang hamog sa umaga.
Damhin lahat ng ito sa Eden.
Samal Island
Bisitahin ang tropical na Isla ng Samal sa Davao city, 30 minuto ang layo mula sa sentro ng Davao City at 10 minuto ang paglalakbay sa pamamagitan ng Lansta upang maabot ang Isla. Kung gusto mong magpahinga sa Isla na may halos 80,000 katao, at ang pinangunahing trasportasyon at solong motorsiklo( Habal-habal) Ang Isla ay maraming mapagpipilian Beach Resort na katangi- tangi dilaw na tubig at puting buhangin, magagandang corals, at mayroon din watersfalls. Ang pinakatangyag na resort ay ang Pearl Farm beach resort. Paraside island Park at beach resort. Secdea Beach resort at marami pang iba. Maari rin magbook para sa Island hopping, upang Makita ang lahat ng lugar at baybayin ng Isla. Ang Isla ay isa sa mga pinupuntahan ng mga local at dayuhan dito sa Davao.
People Park
People’s Park na kilala sa makukulay na mga katutubong eskultura at may mga makukulay na fountain.
Ang parke ay nilikha sa pamamagitan ng conversion ng lumang PTA ground o Palaruan Panlunsod ng Davao. Ito ay may 4 hectare at badget na 17 milyon pesos. Nagsimula ito noon Hulyo 2006 at nag karoon ng soft opening noon Agosto 2017 sa pahanon ng Kadayawan Festival ng Davao City.
Mayroon 1,101 species ng halaman at puno na galling pasa ibang bansa.
Maraming turitsa ang pumupunta dahil sa kamangha manghang istraktura sa lood ng parke. Isa na dto ang Durian Dome na yari kawayan. Ang pinakamalaking rebulto ng Agila( Eagle) ito ay simbolo kung paano pinahahalagang ng Pamahalan ang pag aalaga ng Ibon at iba pang hayop.
Ang rebulto ( Estatuwa) ng mga Lumad ay simbolo ng ibat ibang grupo ng mga katutubo sa Davao City. Maraming estatuwa sa halos sulok ng Parke ito sagisag ng pagkakaisa.
Meron din itong palaruan pang bata at higit sa lahat ay walang bayad sa pag pasyal sa People’s Park.
Crocodile Park
Ang wildlife ay isang pinakamahalagang kayaman.
Ang Davao Crocodile Park ay isang pagtatatag na nagpapakita ng isang sistema ng crocodile farming sa Pilipinas. Tinuturuan ang mga tao tungkol sa natural na mundo ng mga buwaya at ang kanilang mga koneksyon sa kalikasan, hindi lamang ang buwaya kundi pati na rin ang mga ligaw na hayop sa loob ng Davao Crocodile Park. Ang pagkakaroon ng iba pang mga uri ng hayop tulad ng mga raptors, monkeys, bearcats, snakes, birds, at iba pang mga reptiles. Isa sa mga pinakagusto na destinasyon ng mga turista sa Davao ang lugar na ito.
Sa lood meron silang arena at doon nagpapakitang gilas ang mga hayop at pakikipag ugnayan sa mga tao.