Mayaman ang bansang Pilipinas sa mga magagandang atraksyon, saan mang panig ng bansa mayroong maipagmamalaking natural na kagandahan. Dahil rin sa mga ito ay mas lalong nakikilala ang bansa sa larangan ng turismo, na siya namang nagbibigay ng maraming trabaho sa mga Pilipino. Ang masaklap at masakit na katotohanan dito, ang mga Philippines tourist attractions na ito ay maaring mawala at hindi na makita ng susunod pang henerasyon.
Pangunahing mga dahilan ay natural na kalamidad at nagiging over populated ang lugar. Alamin ang mga Philippines tourist attractions na maaring mawala sa hinaharap.
1. Banaue Rice Terraces
Isa sa mga wonders of the world na nangangambang mawala. Natural na kalamidad ang kalaban ng Philippines tourist attraction na ito, matinding ulan na nagdudulot ng pagguho ng lupa. Isa ring tinitignan ang bilang ng mga magsasakang patuloy na tinatangkilik ang pagtatanim, marami sa mga batang henerasyon na nakatira sa lugar ay walang interes sa pagsasaka at mas pinipili ang ibang mga trabahong magaan at malaki ang sahod.
2. Taal Lake in Batanggas
Isa sa mga Philippines tourist attractions ang Taal Lake, breath-taking scenery at kahanga-hangang pagmasdan. Ito ay isa rin sa mga Philippines tourist attractions na malapit lamang sa Manila kaya mabilis itong dayuhin para sa isang short drive escapade. Ang bulkang ito ay isa sa mga pinakamaliit na bulkan sa buong mundo, ngunit isa rin sa mga itinuturing na pinakamapanganib. Taong 2020 ang naitalang huling pagsabog ng bulkan, nagdulot ito ng halos pagkawala ng lawa sa bunganga ng bulkan at dahil na rin sa interaction nito sa magma. Patuloy na mino-monitor ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang aktibidad ng bulkan magpahanggang ngayon. Ito ay maaring sumabog ulit, at sa pagkakataong iyon, hindi masasabi kung ano ang magiging kahihinatnan ng bulkan at paligid nito. Ito rin ay wala sa kontrol ng sinuman.
3. Philippine tarsier
Kadalasan silang makikita sa Bohol, sila ang pangalawang pinakamaliit na primate sa buong mundo. Sila rin ay kabilang sa mga nanganganib na mawala dahil sa kagagawan ng tao, illegal logging- kung saan nawawalan sila ng tahanan at ang illegal na panghuhuli dito para ibenta. Ang mga tarsier ay suicidal rin, kaya kung sila ay nahuli at ikinulong, iniuuntog nila ang kanilang ulo hanggang sa mamatay sila. May tinatayang 1,000 tarsier sa Bohol. Ngunit ngayon, mayroon na lamang 72 tarsier ang natitira sa 7.4-ektaryang sanctuary sa Canapnapan, sa Corella, Bohol. Ito ay isa sa mga pinakamaliit na Philippines tourist attractions na maaring maging extinct at makikita na lamang sa mga libro at internet kapag nagpatuloy ang pagkawala at pagkasira ng kanilang nilang tahanan.
4. Pristine Beaches
Kilala ang mga white-sand beach, sugary-sand, turquoise water bilang nangunguna sa mga Philippines tourist attractions, Boracay, El Nido, Cebu beaches, Davao beaches, La Union beaches, norte hanggang timog ng Pilipinas ay may maipagmamalaking beach. Ilan dito ay maaring maging larawan na lamang, ang malinis na tubig nito at natatanging kulay ay maaring magbago dahil sa polusyon at kapabayaan ng tao. Isang halimbawa nito ang pagsasara ng Boracay, kinilala bilang isa mga pinakamagandang isla sa buong mundo ng ilang beses. Isinara ito ng anim na buwan sapagkat ito’y kailangang linisin. Sa ngayon ay may mga ipinapatupad na mga alituntuning nararapat sundin ng sinumang turista, at ang paglabag nito ay may kaukulang multa.
5. Surigao attractions
Popular ang Surigao sa mga turista, kilala ito bilang surfing capital ng Pilipinas. Masasabing ito ay isa sa mga Philippines tourist attractions na kilala saan mang panig ng mundo. Maiuugnay ang mga katagang “cloud 9”, “palm view point” at “lush vegetation” kung pag-uusapan ang mga atraksyon sa Surigao del Norte. Ang mga atraksyong matatagpuan dito ay naglaho. Bago magtapos ang taong 2021 ay nakaranas ng matinding bagyo ang Surigao, at ang mga Philippines tourist attractions dito ay talagang nasira, ang sabi ng lokal na pamahalaan ay babalik din sa dati ang nasira, ngunit hindi alam kung gaano kabilis ang pagbangon ng mga ito. Ang natitirang ala-ala ng mga magagandang tanawin sa Surigao ay ang mga larawang kuha ng mga turistang nabighani sa ganda ng mga ito.
Anumang mga atraksyong natural, kahit pa sa ibang bansa ay maaring maglaho, hindi lang mga Philippines tourist attractions, wala sa kontrol ng tao, ngunit siguradong mapapangalagaan ng tao.
Para sa anumang pangangailangan sa panghimpapawid na paglalakbay, ang Mabuhay Travel ay narito lamang at naghihintay sa inyong tawag. Kami ay handang tulugan ka sa bawat proseso ng iyong paglalakbay mula sa umpisa ng iyong booking hanggang sa makarating ka sa iyong destinasyon.
Makakasiguro kang ang aming mga alok na flights to Manila at sa ibat-ibang destinasyon ng Pilipinas ay protektado. Kami ay kompleto sa anumang mga sertipikasyon na gumagabay sa air travel, rehistrado sa ABTA, ATOL protected, IATA registered. Huwag kaligtaang ibahagi ang balita sa iyong pamilya at mga kaibigan.