Kaamulan Festival 2020, Malaybalay City, Bukidnon.

Kaamulan Festival 2020, Malaybalay City, Bukidnon.

“ang pinaka natatanging pagdiriwang”

 

Mula sa salitang Binukid na “amul”, na nangangahulugang magtipon, ang Kaamulan Festival ay ang pinagsama-samang pagidiriwang ng 7 katutubong etniko ng Bukidnon. Sila ang mga Higaunon, Talaandig, Manobo, Matigsalug, Tigwahananon, Umayamnon at ang Bukidnon.

Ang Kaamulan Festival ay isang pinaghalong pagbubuklod at pagdiriwang ng kulturang etniko na ginanap taun-taon sa Malaybalay City, Bukidnon sa Pilipinas. Ang Malaybalay ay ang kabisera ng lungsod ng Bukidnon.

Ito ay isang kapistahan na binubuo at kinabibilangan ng ibat- ibang tradisyon ng etniko tulad ng pagtaguyod ng datus (conferment of datus) at pagbubuklod ng mga pakikitungo sa kapayapaan (peace pacts). Gayundin, ito ay isang paraan para ipakita ang kanilang iba’t ibang mga katutubong laro, sining, musika at mga sayaw na bihirang masilayan.Higit sa lahat, ito ay ang pagdiriwang ng pasasalamat sa Magbabaya (The highest and most powerful deity of the Bukidnon) para sa masaganang ani.

 

Kasama sa mga pinakatampok ng pagdiriwang ang The Rodeo, isang masayang paligsahan na kinabibilangan ng mga Pilipinong cowboy, Ang Bazaar kung saan maraming impormasyon ang maibabahagi sa mga turista tungkol sa mayamang kultura ng lalawigan. Ang Street Dancing Contest, ang sikat at pinakaaabangan dahil ang mga kalahok ay mula sa pitong lokal na tribo at ito ay halos aabutin ng pitong oras ang buong kaganapan. Ang Float Parade,isa ring inaabangan. Ang bawat float ay nagpapakita ng mga malikhaing ekspresyon ng sining ng kanilang bayan,kultura, at mga produkto. Meron ding Laga ta Bukidnon (the search for the most beautiful lady in the province). Ang ilangmga gabi ay inilalaan para sa ngayon ay hindi maririnig na mga pag-uulit ng limbay (poetry), antoka (riddles) at nanangon (folktales). Nandiyan ang pag-awit ng olaging (Bukidnon epic) at ang bayok-bayok (verses), makinig sa”dasang”(debate). Hindi magsasa ang sinumang dadalo sa kapistahang eto. Ngunit ang mga ritwal ay isang dapat na makita. Masaya sa pakiramdam na masaksihan at masilayan ang ganitong pagdiriwang na punong-puno ng makukulay na kultura na mapahanggang ngayon ay buhay n buhay pa rin at patuloy na naitataguyod ng bawat isa.

 

Para sa pinakamurang airfare at pinaka-friendly na Pilipino travel consultant, tawag na sa Mabuhay Travel, ang No. 1 Filipino travel agency sa UK.

 

Salamat Po

 

Related Posts

Ang kaganapan pagdiriwang sa buwan ng Abril sa Pilipinas

Bangus Festival (Dagupan City) April 6 – 30th   Ang Bangus Festival ang isa sa mga Pinkaaabangang Festival sa Norte...

Mga Pangunahing Kaganapan Sa Rehiyon Ng Bicol Ngayong Pebrero.

Tunghayan natin ang natatanging mga kaganapan ngayon buwan ng Pebrero sa Rehiyon ng Bico   1. Pabirik Festival   Held...

Dinamulag Mango Festival Ng Zambales

Ang pinakamalaki at pinakamakulay na pagdiriwang sa Zambales, ang Dinamulag Mango Festival, ay sisimulan ngayong Lunes bilang pasasalamat sa masaganang...

Christmas dishes you can only find in the Philippines

Masayang magsasalo-salo ang bawat pamilyang Pilipino tuwing kapaskuhan. Ibat-ibang mga Christmas dishes ang makikita sa hapag-kainan, nandiyan din ang mga...