Guides to the “New Normal” of Travelling sa Pilipinas

Guides to the “New Normal” of Travelling sa Pilipinas

Ang dalang pandemya ng COVID-19 ay nagdulot ng isang malaking pagbabago sa buong mundo. Isang pagbabago na hindi inaasahan at parang panaginip lang, isang bangungot ang dala ng pandemyang ito sa bawat bansang binisita niya.  Ngayon ang mga ibat-ibang bansa ay dahan-dahang gumagalaw para malagpasan ang pagsubok na ito. Dito sa bansa unti-unting niluluwagan ang mga patakaran ng quarantine, maaaring nagtataka ka kung kailan ka maaaring magbiyahe ng panghimpapawid muli. Mayroong kang mga business travel na ipinagpaliban, isang bakasyong matagal mo ng ninanais  ngunit hindi maisagawa. Anuman ang dahilan natin, hindi maikakaila ang kahalagahan ng air travel.


[embedyt] https://www.youtube.com/watch?v=eJPGxk5SJiE[/embedyt]

Dito sa Pilipinas may mga tourist attraction ng nagbukas ng kanilang mga pintuan sa publiko. Layunin ng pagbubukas na ito na isalba ang turismo sa Pilipinas, hinihikayat ng marami ang “local travelling”.

Bilang isang hakbang para maibsan o kahit papaano ay makatulong sa ekonomiya at sa mga taong nawalan ng trabaho, unti-unting nagbubukas ang mga ilang leisure sites sa bansa. Ang mga lugar ng Siargao, Panglao island, Baguio, Ilocos at Cebu ay nagbukas na kanilang mga pintuan para sa turismo.


 

Ano ang ibig sabihin ng New Normal?

“New Normal” shall refer to the emerging behaviors, situations, and minimum public health standards that will be institutionalized in common or routine practices and remain even after the pandemic while the disease is not totally eradicated through means such as widespread immunization (orihinal na teksto ayon sa  DOT) Ito ay nangangahulugan na ang mga dating gawain, o anumang nakagawian natin noon bago pa man ang pandemya ay may pagbabago na. Ang ating mga galaw o kilos ay babatay sa pamantayang inilathala at ipinapatupad ng gobyerno para mapigilan ang pagkalat ng virus. Ito ay mananatili hanggang ang sakit ay hindi lubos na napuksa sa pamamagitan ng mga paraan tulad ng malawakang pagbabakuna .

New Normal


 

Ibat-ibang uri ng Quarantine

 

Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ)
  • Pinapayagan ang mga tao na lumabas ng kanilang mga tahanan at magbiyahe para lamang sa mga essential goods at maari din silang magtrabaho sa mga industriya na pinapayagan lamang ng gobyerno.
  • Mahahalagang industriya lamang ang pinapayagan na magbukas. Pinayagan din ng gobyerno ang ilang mga planta na magbukas lamang ay 50% o kalahati ng kanilang manggagawa ang magtratrabaho.
  • Hindi pa rin papayagang magsagawa ng face-to-face na klase ang mga paaralan.
  • Pinapayagan din ang ilang mga outdoor exercises gaya ng biking at walking.

 

General Community Quarantine (GCQ)
  • Pinapayagan ang mga tao na lumabas para magtrabaho at essential services sa mga lugar o barangay na walang mga kaso ng coronavirus.
  • Ang mga tanggapan ng gobyerno at ilang mga establisimiyento ay pinapayagan na ipagpatuloy ang pagpapatakbo, ngunit 75% lamang o mas mababa work force nito ang makikita sa lugar.
  • Ang mga serbisyo sa transportasyon ay para lamang sa gawain ng gobyerno at iba pang pinapayagan na mga sektor.
  • Maaring magkaroon ng physical classes ngunit may mga limitasyon ang pinapayagan.
  • Pinapayagan din ang ilang mga sports na wala masyadong body contact gaya ng golf, tennis, badminton at iba pa.

 

Modified General Community Quarantine (GCQ)
  • Balik na sa normal (pagbibiyahe, pagaaral, sports) na gawain ngunit ang pagsusuot ng face mask, physical distancing, at iba pang mga health protocols ay dapat sundin.

 

Air international travel sa Pilipinas
  • Ang mga borders ay mananatiling sarado sa mga foreign leisure travels.
  • Pinapayagang pumasok sa Pilipinas ang mga foreign nationals na may mga pangmatagalang valid visa.
  • Ang mga Pilipinong nasyonal, asawa o anak ng mga nasyonalidad, at mga residente na bumalik mula sa ibang bansa ay hindi kasama sa entry ban. Ngunit mapapailalim sa quarantine sa loob ng 14 days mula sa araw ng COVID-19 test, na gasto ng pasahero.
  • Ang face shield at face mask ay mahigpit na ipinapatupad sa alinmang paliparan.
  • Ipinapayo na bago ka maglakbay, suriing maigi ang iyong paliparan kung may mga pagbabago sa regulasyon.

 

Paglalakbay sa loob ng bansa
  • Kinakailangan pa rin ng travel pass at medical authority kung maglalakbay patungo sa ibang rehiyon. Sa ngayon, irerekomenda ko na laging magtanong sa kinauukulan kung may mga pagbabago ba sa mga patakaran.
  • Ang face shield at face mask ay mahigpit na ipinapatupad sa bansa.
  • Samantalang ang 1 meter distance ay pinag iisipang bawasan sa ilang mga pampublikong transportasyon.
  • Kahit nagkakaroon ng mga pagluluwag sa mga patakaran patuloy pa ring hinihikayat ng gobyerno na manatili sa bahay kung hindi naman importante ang lakad.

 

Mga Tip sa Flight booking
  • Bigyang pansin ang iyong mga bagahe dahil sa ang ibang mga airline ay mas mahigpit kaysa sa iba.
  • I-check ang online payment dahil kadalasan ito ay mas mura.
  • Mas makakatipid sa roundtrip ticket kaysa one-way.
  • Suriing maigi ang iyong mga iskedyul, lalo na kung may connecting flight. Laging maglaan ng kaunting oras para sa mga hindi inaasahang pagkaantala.
  • laging mabiyahe ng mas maaga sa iyong iskedyul. Iwasan ang pagiging late.

New Normal

Nakakalito man ang mga patakaran ngayon mahalaga pa rin na isipin natin ang kaligtasa ng bawat isa. Maging responsible tayo habang nasa labas ng bahay, face mask, face shield, 1 meter distance at ang palagiang paglilinis ng kamay gamit ang sabon ay isang importanteng hakbang para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Para sa updated na patakaran ng inyong cheap flights to Manila, cheap flights to Philippines o saan man sa Pilipinas maaring makipag-ugnayan lamang sa aming mga Filipino travel experts. Call for enquiries.



 

Related Posts

Your Emergency Travel Kit amidst the Coronavirus Outbreak

Ang pagpapatupad ng lockdown areas ang isang nakikita ng bawat bansa na isang paraan upang mapigilan ang pagkalat ng coronavirus...

Mabuhay Travel Scores its First Win at the 2023 British Travel Awards!

For over three decades, Mabuhay Travel has diligently worked to help Filipino ex-pats in the UK find their way back...

Giveaway Alert: Win 2 FREE Return Tickets to Manila with Mabuhay Travel

✨ Here’s the announcement you’ve all been waiting for… Two lucky individuals are about to win free return tickets to...

Travelling to Baguio under New Normal

“New Normal in the City of Pines” Ang Baguio ay isang forever mood para sa lahat. Ito ay kilalang Summer...