Everything you need to know about super Typhoon Goni!

Everything you need to know about super Typhoon Goni!

“Super Typhoon Goni (Philippines: Rolly) ”
naitalang pinakamalakas na landfalling tropical cyclones sa buong mundo

 

Ang Typhoon Goni o Rolly ang 2nd  super typhoon ng 2020 Pacific Typhoon Season

October 26, 2020 – Ito ay isang tropical depression sa timog-kanluran ng Guam

October 27, 2020 – Pinangalanan itong Tropical Storm Goni o Typhoon Goni

October 28, 2020 – Ito ay nananatiling isang tropical depression – ang pinakamahina na uri ng tropical cyclone

October 29, 2020 –  Pumasok na si Goni sa PAR (Philippine Area of Responsibility) at pinangalanang Rolly ng PAGASA.
Nag-issue din ang issued ang Bicol Regional Disaster Risk Reduction and Management Council ng no-sail policy, itinigil
Ang pagbibigay ng travel permits sa mga sea vessels bound for the Polillo Island.

October 30, 2020 – Ito ay naging isang Category 5 – katumbas ng isang super typhoon.
Nanatili ang lakas nito hangang sa mag-landfall ito sa Catanduanes bilang isang napakalakas na bagyo (super typhoon Goni). Ito ang pinakamalakas na bagyong tropical na naobserbahan sa buong mundo hanggang ngayong 2020 at isa sa pinakamalakas na tropical cyclone na naitala.

Inilagay sa red alert ang Quezon province bilang isang paghahanda sa bagyo. Sa Catanduanes naman, sinimulan ang evacuation ng 35,000 families, mga 159,000 people, mula sa mga high-risk areas, including coastal villages. Daet, sa parehong araw ay nailagay sa nationwide red alert.

Ang bagyo ay nagdala ng matinding pagbaha sa Legazpi, pati na rin ang lahar mula sa kalapit na Bulkang Mayon.  Mayroong malawakang pagkawala ng kuryente, maraming linya ng kuryente ang nasira at mga transmirrion lines ang nasira. Ang mga pananim ay napinsala. Mahigit sa 390,000 na mga indibidwal ang nadisplaced sa rehiyon mula sa 1 milyong nailikas.

October 31, 2020  – Sa lakas ni Typhoon Goni o Rolly, itinaas ang signal  #5 sa  Catanduanes, Eastern Camarines Sur, at Albay.
Inaasahana ng mapanirang lakas ng hangin sa lugar. Ito ang pinakamalakas na naitalang naranasan sa buong mundo.

Sa hapon ng parehas na araw, ang mga lokal na pamahalaan sa buong Camarines Sur ay nagsimula ng forced evacuation. Ang mga food pack na nagkakahalaga ng 8.3 milyon, mga iba pang pangangailangan na nagkakahalaga ng 26.42 milyon, at 3 milyon na stand-by na pondo ay inihanda sa Rehiyon ng Bicol ng Kagawaran ng Welfare and Development, kasama ang mga lokal na ahensya ng pagtugon sa sakuna. Ang mga sentro ng paglikas sa Aurora ay inihanda din, na ang ilang mga gusali ng paaralan ay itinalaga para magamit bilang evacuation center. Sa Metro Manila, ang mga mayor ng mga nasasakupang lungsod ay nagsimula ng kanilang sariling paghahanda para sa paparating na bagyo, tulad ng pagtigil sa konstruksyon at pag-order ng pagtatanggal ng mga tents at iba pang mga panlabas na istraktura. Ang Disaster Risk Reduction and Management Office ng Maynila ay naghanda ng mga rescue boat para sa mga potensyal na rescue operation.

Pagsapit ng gabi, itinaas ng PAGASA ang unang Signal # 4 tropical cyclone na babala ng taon sa silangang bahagi ng Camarines Sur, at sa hilagang bahagi ng Albay makalipas ang ilang oras. Sa pagtatapos ng araw, halos isang milyong indibidwal ang nailikas: 749,000 mula sa Albay at 200,000 mula sa Camarines Sur. Inihayag ng Manila International Airport Authority na ang Ninoy Aquino International Airport ay pansamantalang isasara sa loob ng 24 na oras, simula 10:00 ng umaga kinabukasan. Ang pagsara sa mga pantalan ay nag-iwan ng 1,300 na pasahero na napadpad sa Bicol at Silangang Kabisayaan. Maraming mga evacuation centers, gaya ng mga basketball court at multi-purpose hall, ay ginagamit na ng mga biktima ng COVID-19 pandemic na siyang lalong nagpalala o naging mas kumplikado ang paglisan ng mga naapektuhan ng bagyo.

Typhoon Goni

 

November 1, 2020 – Huling landfall nito sa Batangas ang Typhoon Goni o Rolly. Unti unting humina ang lakas nito at lumabas sa West Philippine Sea.

November 2, 2020 – Camarines Sur officials placed the province under a state of calamity.

November 3, 2020 – Lumabas sa bansa si Typhoon Goni o Rolly.

Naitala ang 22 bilang ng mga patay at hindi bababa sa 76 5.76 bilyon (US $ 119.2 milyon) ang nawasak nito. Naging  alalahanin din ng nakararami ang sitwasyon ng COVID-1, lalo na sa mga evacuation centers. Matapos itong lumipat sa South China Sea ay humina at naging tropical storm lamang ito.  Nagsimula itong gumalaw sa kanluran, patungo sa Vietnam.

Ang hagupit ng Typhoon Goni o Rolly ay nagdulot ng sunod sunod na pag-apaw ng mga ibat ibang daanan at bahagi ng tubig. Ang mga baha ay halos umabot ng lampas tao. Ang ibang mga hindi nakalisan ay nakitang nasa bubungan na ang mga ito habang naghihintay ng rescue operation. Landslide, mudslide, pag agos ng lahar ang naranasan ng mga nasa Albay, nalubog ang mga tirahan sa putik at lupa galing sa mga bundok. Marami ang nawalan ng tirahan, ikabubuhay, may mga nawalan ng mahal sa buhay. Ito ang isa pinakamalakas na naranasan ng bansa, at naitalang pinakamalas din sa buong mundo.

Sa kasalukuyan: Madilim na Pasko?

Mula noong iniwan ni Typhoon Goni ang bansa, marami pa ding mga lugar sa Pilipinas ang wala pa ring kuryente. Lalong lalo na sa isla ng Catanduanes at kalapit na lalawigan ng Albay na habang sinisira nito lahat ng madaanan ay iniiwasan naman nito ang rehiyon ng Maynila. Naitalang higit sa 125 mga lungsod at bayan ang wala pa ring kuryente. 126, 000 katao ang nawalan ng kuryente at dahil sa tindi ng pagkawasak nito maaring magpasko ang mga mamayan ng walang ilaw. 1,612,893 na indibidwal sa higit 6 na rehiyon ang naapektuhan ng bagyo. Ang mga pangunahing kalsada sa isla ay nananatiling impassable pa rin. Maaming mga hospital ang nasira, ang mga paaralan ay sira sira din. Ang mga mag-aaral na nagsisikap ay sobrang apektado ngayon ang stress na dulot nito sa bawat pamilya ay nakakalungkot.

Ang NDRRMC (National Disaster Risk Reduction and Management Council) ay nagbigay ng impormasyong ₱ 12.9 bilyon (US $ 266 milyon) ng mga pinsala sa imprastraktura, kasama ang ₱ 5 bilyon (US $ 103 milyon) na pinsala sa agrikultura, na may pinagsamang kabuuang ₱ 17.9 bilyon (US $ 369 milyon) ang halahga ng mga nasira dahil sa Typhoon Goni. Sa maraming mga apektadong komunidad na hindi pa maabot, ang pinsala ay maaaring tumaas pa.

Hindi bababa sa 25 katao ang namatay, 399 katao ang nasugatan at 6 pa ang nawala sa bagyo. Karamihan sa mga namatay ay sa lalawigan ng Albay, kung saan ang putik at mga bato na dumadaloy mula sa Bulkang Mayon ay inilibing ang nayon ng San Francisco, sa loob ng bayan ng Guinobatan.

Daan-daang libo ang nananatili sa mga evacuation centres, sila ay patuloy na ginagabayan at patuloy na pinaaalalahanan ng mga opisyal na panatilihing may social distancing at panatilihin ang kalinisan ng bawat isa dahil na rin sa COVID19.

Nagdagsaan ang mga tulong mula sa ibat ibang panig ng mundo para sa mga naapektuhan ng Typhoon Goni o Rolly. Albay, Camarines Sur, at Catanduanes ang higit na napinsala sa bagyong ito. Ang mga pangunahing bansa at organisasyon gaya UN, EU, USA, Australia, UAE, Singapore at South Korea ang nagbigay ng financial assistance para sa mga nasalanta ng bagyo. Sa ngayon ang Pilipinas ay lubos na nagdadalamhati sa trahedyang ito, idagdag pa ang pasakit na dala ng COVID19 pandemic. Nagdarasal ang bawat isa na sana ay makayanan nila, magkaroon ng lakas na tumayo sa kabila ng lahat ng ito.

Masakit sa damdamin ang makita ang mga mamayan lalo na ang mga bata sa ganitong sitwasyon! Tinututukan ngayon ng humanitarian sector ang kaligtasan, kalusugan at edukasyon ng mga bata.

Habang nagsisimula pa lang ang mga tao na pagtagpiin ang mga pira-piraso nilang pag-aari o kahit pa ang lakas nila mismo, isang bagyo na naman ang parating.

Typhoon Goni


Bakit laging may bagyo sa Pilipinas?

Dahil sa geographical location. Ang Pilipinas ay nasa paligid lamang ng typhoon belt ng Pacific. Ang bansa ay binibisita ng average na 20 tyhpoons bawat taon, 5 dito ay malakas at mapanira. Bilang nasa “Pacific Ring of Fire”, ang bansa ay parating nakakaranas ng mga lindol at pagsabog ng bulkan. Ang lokasyon ng pangheograpiya at pisikal na kapaligiran ay nag-aambag din sa mataas na pagkakataong makaranas ng tsunami, pagtaas ng lebel ng dagat, storm surges, pagguho ng lupa, pagbaha / flashflood, at drought. Ang mga ito ay nagdudulot ng matinding pinsala sa buhay ng tao at pagkasira sa mga pananim at pag-aari. Ang Typhoon Goni o Rolly ang naitalang pinamalakas sa buong mundo.

May nakita ka bang puna o may nais kang idagdag? Ilagay lamang ito sa comment part sa ibaba 👇.

Ang Mabuhay Travel ay nananalangin para sa kaligatasan at sa muling pagbangon ng  mga naapektuhan ng Typhoon Goni sa Pilipinas. Long live Philippines!!



 

Related Posts

Cotabato City, City of The Philippines

Ang Cotabato City ay isang malayang bahagi ng lungsod sa bagong likhang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao. Ayon sa...

Mga paraang paano mag-book ng Cheapest flight sa anumang dako.

Sapagkat ang airfare ay ang pinakamalaking aspeto ng gastos sa ating paglalakbay, kailangang maghanap ng mga murang flight deal at...

The Top Most Famous Philippine Islands

A Philippine Holiday is never complete without visiting its many beautiful islands they have to offer; it’s also known for...

Mabuhay Travel Welcomes Emirates Airlines

Mabuhay Travel Warmly Welcomes,Deepak Arora – Commercial Manager, Emirates AirlineMarios Tsokkos – Senior Sales Executive, Emirates Airline