Christmas dishes you can only find in the Philippines

Christmas dishes you can only find in the Philippines

Masayang magsasalo-salo ang bawat pamilyang Pilipino tuwing kapaskuhan. Ibat-ibang mga Christmas dishes ang makikita sa hapag-kainan, nandiyan din ang mga prutas at tsokolate. Bawat miyembro may kani-kaniyang paborito at sinisiguro ng mahal na Ina na ito ay nasa handaan. Tulong-tulong din ang bawat miyembro ng pamilya para sa paghahandang ito, mag tagahiwa, taga-pamalengke, at mayroon ding tagatikim. Masaya at abala ang lahat para sa okasyong ito.

Ang mga masasarap na Christmas dishes na makikita sa lamesa ay tanging sa Pilipinas lamang makikita. Narito ang mga Christmas dishes na katakam-takam at sa Pilipinas mo lamang makikita.

Lechon

Nangunguna ang Lechon sa mga Christmas dishes na sa Pilipinas mo lang makikita. Ito ay isang buong baboy na dahang-dahang niluto sa pamamagitan ng pag-ihaw hanggang sa ito ay maluto ng mabuti at maging golden brown. Ito ay malutong at malinamnam na talaga namang walang katulad ang lasa.


Puto Bumbong

Isa rin sa mga Christmas dishes ang puto bumbong. Kadalasan ito ay makikita sa harap ng simbahan o malapit sa simbahan at tuwing simbang gabi, ito ay kanilang binibili. Ito ay may kaaya-ayang kulay na lila na nakabalot sa dahon ng saging at na-steam gamit ang kawayan.


Leche Flan

Ang matamis, malambot at makemang meryendang iito ay hindi rin mawawala sa listahan ng mga Christmas dishes na ihinahanda sa Pilipinas. Ito ay gawa sa eggyolk at condense milk na hinulma sa hugis oval.


Bibingka

Ito ay isa sa mga Christmas dishes na gawa sa malagkit na kanin. Gamit dito ang gata ng niyog, asukal at giniling na bigas na inihurnong sa isang palayok na nilagyan ng mga dahon ng saging. Ito ay nilalagyan dn ng ginad-gad na niyog, butter at brown sugar bago ihain.


Pancit

Ang pansit ay parating parte ng isang selebrasyon sa Pilipinas, kaya kahit hindi pasko ay makikita ito sa mga ibat-ibang okasyon tulad ng kaarawan, mga pista, at kahit kasal ay ihinahain ito.  Ito ay pinaniniwalaang ngpapahaba ng buhay.


Lumpiang Shanghai

Ang lumpiang Shanghai ay isa ring pangunahing ihinahanda tuwing may selebrasyon ang mga Pilipino.. Ito ay maaring maging isang ulam o kaya ay bilang isang finger food. Ito ay may mga simpleng sangkap – giniling na baboy na may tinadtad na karot at bawang at tinimplahan ng asin at paminta, at tska babalutin ng wrapper, ipriprito hangang maging golden brown ang kulay.


Macaroni Salad

Ito ay isa sa mga Christmas dishes na personal kong paborito, ang Macaroni salad. Ito ay ma-crema at nagdaragdag sa lasa nito ang mayonaise, ito rin ay may nata de coco, may keso, may kaong, may pasas at fruit cocktail.


Morcon

Ang Morcon ay may kaaya-ayang hitsura na bumabagay sa tema ng kapaskuhan. Ang bilogan at manipis na hiwang ng karneng ito ay tamang-tama para sa lahat at karapat dapat sa hapagkainan.


Kaldereta

Maniwala ka man o hindi may kanin pa rin ang mga Pilipino kahit pasko at ang Kaldereta ang isa sa mga mas niliulutong kapareha ng kanin. Ang kaldereta o caldereta ay isang nilagang karne ng kambing. Ang ilan ay gumagamit ng karne ng baka, manok, o baboy. Karaniwan, ang karne ng kambing ay nilalaga kasama ng mga gulay at liver paste. Ilan sa mga gulay na isinasahog ay ang mga kamatis, patatas, olibo, bellpepper, paminta at tomato sauce.


Buko Salad

Ito minsan ay tila nagiging inumin na minsan lalo na kung nilalagyan ng maraming gatas. Ang malamig at malasang Buko salad ay patok na patok sa anumang edad. Maganda rin ang kulay nitong berde na gawa sa gelatin.

Ano man ang handa, ang mahalaga magkakasama ang pamilya, puno ng tawanan, masasayang sandali at pagmamahal sa bawat isa, yan ang tunay na halaga ng pasko, at siyempre pasasalamat sa Poong Maykapal.

Maligayang Pasko sa inyong lahat.

Para sa anumang pangangailangan sa panghimpapawid na paglalakbay, ang Mabuhay Travel ay narito lamang naghihintay sa inyong tawag. Kami ay handang tulugan ka sa bawat proseso ng iyong paglalakbay.



Related Posts

September Festivals in the Philippines

Ang iyong bakasyon ay hindi makokompleto kung hindi ka makakadalo sa mga masisiglang festivals in the Philippines. Itaon mo na...

Ang kaganapan pagdiriwang sa buwan ng Abril sa Pilipinas

Bangus Festival (Dagupan City) April 6 – 30th   Ang Bangus Festival ang isa sa mga Pinkaaabangang Festival sa Norte...

SINULOG Festival 2021: Virtual na Selebrasyon?

Yan ang masiglang maririnig tuwing Sinulog Festival. Itinuturing na una at “Queen of festivals” ang “Sinulog Festival” o Sinulog-Santo Niño...

Mga Authentic Foods Sa Rehiyon Ng Bicol

Ating alamin at tikman ang mga authentic foods sa rehiyon ng Bicol   Ang Bicol ay sikat dahil sa kanilang...