Boracay Gateaway – Bakasyon di Malilimutan Kaylan man

Boracay Gateaway – Bakasyon di Malilimutan Kaylan man

 

Mula NAIA Domestic Airport, lulan nang Cebu pacific, may 40 minuto bago makarating sa paliparan nang Caticlan, don sumakay kami nang Van papunta sa pantalan mga 20 minutos din bago naming narating ang pantalan tapos sumakay kami nag bangka papuntang Boracay Island at mula pantalan nang Boracay sakay uli kami nang Van papunta sa hotel gabi nan ang kamiy nakarating doon.

 

 

Unang araw naming sa mala Paraisong Isla.

Pagkagising palang naming sa umaga ay exited na kaming maligo sa dagat, ang linaw nang tubig at ang buhangin ay talagang puting puti ito at ang luwag nang dalampasigan, napakasarap naligo sa dagat at katamtaman pang sikat nag araw, pagkatapos naming maligo sa dagat kamiy namasyal sa paligid at di nakakasawang pagmasdan ang kapaligiraqn ditto na nagbibigay nang kaayaayang pakiramdam. Marami rin ditong kainan o restaurant na puede mong pagpilian kung anong klasing pagkain ang gusto mo. May roon ditong Pilipino restaurant, Chinese, Japanese Korean at iba .Marami ring ditong Shopping mall na puede mong pasyalan.

Nag punta rin kami sa Grotto nang Lourdes na nasa dagat na napapalibutan nang malalaking bato napakaganda nang lugar na ito ramdam mo kapayaan at ang mabining simoy nang hangin na nagmumula sa karagatan.

 

 

Pangalawang araw naming sa Isla .

Pinuntahan namin yong lugar kung saan makaukit ang Kastiyong buhangin at napakaganda nang pakakaukit nito saludo kami sa mga sculptor nito ang galling nila. Hindi kompleto ang bakasyon mo kung wala kang larawan na kuha sa kastilyong buhanging ito, tanda na talagang dinayo mo ito.

Maganda rin ang hotel naming tinirhan ditto. Sa veranda nito kung saan kami nagpa serve nag pagkain kamiy masayang nagkukuwentuhan at ibinabahagi sa isat isa ang aming karanasan at ang pag Analisa kung pano nagging kaaya aya at makabuluhan ang bakasyon naming ditto.

Napakaganda nang karanasan namin ditto at talagang kamiy nasiyahan, dangan man lang at limitado ang araw naming ditto. Sa susunod naming pag punta sa sa Islang ito sisiguraduhin na naming na kalugarin ang iba pang lugar ditto.

 

Hanggang sa muli.

 

 

Related Posts

Best Beaches in Cebu to Fill Your Bucket List

The beaches in Cebu are renowned for their stunning natural beauty, pristine shores, and crystal-clear waters, making them a paradise...

Best Staycations in the Philippines

Naging popular ang salitang “staycation” sa panahon ng pandemic, kung saan ang mga mga manlalakbay ay hindi maaring lumipad o...

Best Holiday Destinations in the Philippines 2025

The Philippines is an island haven, captivating travellers with its blend of breathtaking landscapes and rich culture. From pristine coastlines...

Bohol

Ang Bohol ay isang lalawigan ng Pilipinas sa rehiyon ng Central Visayas, at may maraming maliliit na nakapaligid na Isla....