Ang Bohol ay isang lalawigan ng Pilipinas sa rehiyon ng Central Visayas, at may maraming maliliit na nakapaligid na Isla. Ang kabisera nito ay ang Tagbilaran City kung saan maraming pamilihan, restaurant at guesthouse.
Mayroon maraming kasaysayan na matutuhan sa Isla, sa paglipas ng mga siglo nagkaroon ng Spanish Colonial Period, U.S. intervention and occupation at Japanese occupation and liberation, na lahat ay makikita mo and mga bakas ng bawat lugar na iyong mapasyalang.
Pasyalan natin ang mga magagandang lugar sa Bohol
Visit Chocolate Hills:
Itinuturing na one of Philippine’s natural wonders. Isang pambihiran at kamanghamanghang likas na pormasyong heolohiko at matatagpuan sa lalawigan ng Bohol, Binubuo ito ng may 1,268 hanggang 1,776 hugis cone na may magkakahawig na anyo at simetrikong agwat sa pagitan ng bawat isa na waring sinadya., 30 hanggang 120 metri ang taas ng bawat burol, at nababalutan ng damong kulay berde tuwing tag-ulan at nagiging kulay chocolate naman kapag panahon ng tag-tuyot. Popular na atraksyon pang turista sa Isla ng Bohol.
Bamboo Hanging Bridge:
Bisitahin ang Bamboo Hanging Bridge kung saan makikita mo ang isang tulay na yari sa kawayan at sa baba ay ang umaagos na ilog. Makadama ng konting takot habang naglalakad sa tulay at sa dulo ay may mga souvenir shop.
Address: Loboc, Bohol
Tarsier Conservatory:
Natatanging atraksyon na makikita mo sa malapitan ang tarsier. At kinilala ng mga local bilang “mamag” ay isang endangered species at malapit sa pagkalipol kung ito ay hindi sa mga pagsisikap ng Tarsier Conservatory sa Bohol.
Makikita mo ang ilan sa mga ilang tarsier na nakabitin sa mga puno natutulog sa ilalim ng mga dahon at nakatingin sayo ang kanilang mga dakilang malalaking mata. 20minuto lang paglilibot dahil ayaw nilang i-stress ang mga tarsier, ngunit lubos na sulit na ito.
Address: Loay Interior road, Loboc, Bohol.
Mahogany Forest:
Itinatag noong kalagitnaan ng ika-20 siglo, ang kagubatan na ito at nagtatampok ng mahogany tree, ito ay man-made forest sa Loboc na may 2 kilimetro kahabaan ng mahogany trees ang kalsada ay liko liko, ay mahusay na aspaltado.
Ang araw na sumisilip sa mga puno at sa sariwang hangin na nakapaligid sa iyo-makakakuha ka ng pakiramdam kung ano ang tungkol sa Bohol.
Baclayon Church:
Kilala bilang “The Immaculate Conception of the Virgin Mary Parish Chruch, pinakaluman simbahan sa Bohol. Tinatag noon 1596 at opisiyal na ipinahayag na “ National Cultural Treasure”. Maraming turista ang naakit dito , halos daang daang libo kada taon ang pumunta para lang makita ito.
Loboc River Cruise:
Isa sa mga “bucket list” na gawin sa Bohol ang kumain sa Floating Restaurant na naglalakbay sa ilog ng Loboc.
Visit Panglao Beach:
Hindi lamang makasaysayan lugar ang Bohol , ito rin ay may magagandang beach dito sa Panglao beach ay White-sand beach, maraming atraksyon- diving, snorkelling at iba pa. Maraming masasarap na seafood.
Ito ay hindi malayo sa sentro ng Bohol.
Tawag na sa aming mga Pilipino travel consultant para sa inyo bakasyon sa Pilipinas. MABUHAY TRAVELS