Ang bakasyon ay isang pangunahing aspeto na hindi dapat ipinagwawalang bahala ng bawat pamilya. Ito ay tumutukoy sa libangan ng buong pamilya. Ang family travel ay isang paraan din ng pagpapahinga sa normal na araw araw na gawain, ito ay ang pagkakaroon ng pagkakataon na mabigyan ng kasiyahan ang bawat isa, at ang importante ay ang lumikha ng mga alaalang puno ng pagmamahal at kaligayahan kasama ang mga pinakamamahal natin sa buhay.
Sa ating family travel meron at palagiang merong makukulit at puno ng enerhiyang ku-cute na mga bata. At sa ating pagpili ng destinasyon, chikitings ang una unang iniisip natin, anong gagawin duon, anong mga pagkain, safe ba sila, kahit klima ay binibigyang tuon din.
Ang Pilipinas ay binubuo ng 3 malalaking pulo, ang Luzon, Visayas at Mindanao. Naglista ako ng popular sa bawat isa dito.
BAGUIO, LUZON
Baguio has been always a favorite dahil sa malamig na klima neto na babagay sa family travel mo. Ito ay isang lungsod sa isang bulubunduking lugar sa Hilagang Luzon. Ito ang summer capital ng bansa. Itinuturing din ito ng mga mamayan as City of Pines. Ang turismo ay isa sa pangunahing industriya ng Baguio dahil sa malamig na klima at kasaysayan nito. Ang lungsod ay isa sa mga nangungunang destinasyon ng turista ng bansa. During holidays ang ilang mga tao mula sa mga mababang lugar ay mas inipiling gugulin ang family travel sa Baguio upang makaranas ng malamig na temperatura na bihirang mayroon sila sa kanilang mga lalawigan. Narito ang ilang mga lugar na pwedeng bisitahin habang nasa Baguio.
BURNHAM PARK.
Ang Burnham Park naipangalan sa isang American architect. Sinoman ang kasama sa family travel mo siguradong magugustuhan ang pagsagwan sa
mga swan boat dito. Ito ay napakalawak at ito ay kitatampukan ng: Athletic Bowl- ito ay isang track and field, saklaw nito ang archery range games. Burnham Lake- kung saan maaring magsagwan bawat isa na kasali sa family travel mo gamit ang paupahang mga maliliit na bangka.Ang 34,000 cubic meter ang laman nitong tubig at ito naman ay may lalim na 3.4 meter. Children’s Playground. Igorot Garden.Japanese Peace Tower. Melvin Jones Grandstand- nagsisilbi itong venue para sa mga concert o kaya ay parade o malaking misa. Orchidarium. Picnic Grove – well para malayang magpicnic habang nilalasap ang malamig na simoy ng hangin. Pine Trees of the World. Rose Garden. Skating Rink. Sunshine Park
MOUNT COSTA.
Ito ay bagong atraksyon sa siyodad, ito ay 3 hektaryang bundok na inayos at ginawang hardin. 24 na ibat ibang landscape design ng hardin ang masisilayan ng bawat isa sa family travel mo, ang samyo ng sariwang hangin at inaghalong halimuyak ng maririkit na mga bulaklakang bibihag sa inyo. Mayroong 100 ibat ibang bulaklak, may mirror garden, may playground din para sa mga bata, of course may food kiosk din sila at paalala lng po, bawal magdala ng food from outside. Siguradong sa iyong susunod na family travel ay isasali mo ito sa iyong listahan. Ang entrance fee ay hindi tataas sa Php350, ang mga batang 3 taong gulang pababa ay libre. Bukas ang hardin mula 9:00- 17:00.
Tree Top Adventure Baguio.
Kung ang nais ng grupo ay mas adventurous o kaya ay magrelax sa gitna ng kalikasan, Tree Top ang babagay sa inyong family travel. Pitong exciting outdoor activity na matatagpuan sa loob ng Camp John Hay at nababalot ng kalikasan ang handog ng Tree Top. Tree-Drop, ikaw ay ihuhulog sa 60 feet na lalim sa bilis ng 2-3 segundo lamang. Superman Ride at Silver Surfer, ito ay ziplining sa superman style sa 200 meters long at may taas na 150 feet above the ground. Canopy at Funicular, ang konsepto nito ay parang sa cable car sa 8 istasyon. Simpleng Trekking at Skywalk ang tatapos sa mga adventurang talaga namang nakaka-adrenaline rush.
CEBU, Visayas
CEBU? yes it is! Isa sa pinakabinibisitang lugar kapag may family travel. Ang Cebu ay binubuo ng isang pangunahing isla at 167 na iba pang mga maliit na isla na nakapalibot dito. Ang kabisera nito ay ang Cebu City, “Queen City of the South”, ang pinakalumang lungsod at unang kabisera ng Pilipinas. Ang Cebu ay isa sa mga pinakaunlad na lalawigan sa Pilipinas at ang Cebu City bilang pangunahing sentro ng komersyo, kalakalan, edukasyon at industriya sa Visayas.
Ang Cebu ay isa sa mga popular na binibisita ng mga foreigner o lokal na mga manlalakbay. Ito ay swak na swak sa iyong family travel, sapagkat nag-aalok ito ng maraming aktibidad. Whale watching, island hopping, swimming, snorkeling, diving ay ilan lamang. Mga mapang-akit na buhangin sa mga mala paraisong dagat. Maraming mga isla ang pwedeng pagpilian. Mga kwebang nakakamangha ang pagkaporma.
Dito rin matatagpuan ang malalasang mga pagkain na katakam takam sa paningin pa lamang. Isama sa ating family travel list ang mga popular na pagkain sa Cebu gaya ng Lechon, Cruzan Crabs, Ginubat, Bakasi at iba pang malalasang pagkain.
Safe ba ang Cebu para sa ating family travel? Sagot, YES! Ang Lungsod ng Cebu ay isang ligtas na lungsod kung saan bihira ang marahas na krimen sa mga dayuhan. Ganunpaman, kailangan pa ring maging mapanuri sa kapaligiran.
Narito ang mga ilang suhestiyon habang nasa Cebu for your family travel.
Swimming
Maligo sa malaparaisong mga dagat, bughaw na kulay ng tubig,malapolbos na buhangin, ilan lang ito sa napakaraming deskripsyon ng beaches sa Cebu. E-enjoy ang masarap na halo-halo at kaaya-ayang tanawin habang ang mga bata ay naglalaro sa buhangin. Lumangoy, mag-dive, snorkeling, mamulot ng shells, you have it all in Cebu. Siguradong sa inyong family travel puno na o kaya ay umaapaw na ang bucket list nyo.
May mga water parks din na siguradong e-eenjoy ng buong grupo, mga ibat ibang temang swimming pools with slide, at mga ibat ibang larong pangtubig. Ang mga pangunahing waterpark ay Jpark Island Resort & Waterpark, at ang Sky Water Park na may nakasadyang jacuzzi.
Ano pa ang maaring idagdag sa swimming para sa family travel natin, swimming with the whale, yes youre reading it right! In Oslob, Cebu. Pinakadarayo ito sa Oslob hindi hihigit sa Php1000 ang bayad kada tao, kasama na dito ang mga gagamiting panglangoy at sa pagsnorkel.
Island Hopping
Ang Cebu ay obviously isa sa mga destinasyon ng family travel sapagkat mayaman ito sa lahat na kahit ang mga ibang maliliit na isla dito ay dinarayo ng kahit sino.Top 5 ang Pandanon Island ,Nalusuan , Olango, Pescador Island, Sumilon Island.
Cave visiting
Mga kuwebang kamangha manga ang porma kagaya ng Guadalupe Cave, Lagtang Cave, Kamangon Cave, Timbol Cave at iba pa
Kartzone
Kartzone, hindi lng para sa mga mejo may edad ng bata, kahit baby pa sa paningin natin kung may tapang naman at kaya namang umapak sa accelarator, ok na. Perfect para kay ate at kuya pati na rin si bunso.
HISTORY relate
Ang Cebu ay hindi mauubusan ng pwdeng ialok sa family travel mo. Ang Cebu kahit san ka lumingo may nakareserbang istorya para sa iyo, kagitingan ng mamayan para sa sambayanan. Mga Shrines na alaala ng nakaraan,na nagsisilbing palatandaan sa kahit kaninoman na ang bansang Pilipinas rumanas din paghihirap sa mga dayuhang mananakop ngunit may mga bayani tayong hindi tumiklop bagkos ay nagsumikap, naging matatag at matapang na ang resulta ay kalayaan ng ating Inang Bayan.
Mga sinauna at nag-gagandahan ding mga simbahan ang ating maaring masilayan. Puno ito ng kulay na pwede nating ihalintulad sa makulay na buhay ng bawat Pilipino.
PASYAL sa MALL
May mga malls din na maari nating puntahan, at habang nasa family travel its time to have new apparel,oh dba all in one talaga ang Cebu. Mga malalaking mall na pwdeng umubos sa oras nyo at enjoy din kayo. Top malls ay ang Ayala Center Cebu, SM City Cebu at Robinsons Galleria Cebu.
ZAMBOANGGA, MINDANAO
PINK BEACH sa Great Santa Cruz Island:
Ang Pilipinas ay kilala sa mga magagandang beaches na pwedeng ihalintulad sa mga beaches sa abroad. At dito sa Great Santa Cruz Island makikita ang di pangkaraniwang malarosas na buhangin. At sa katunayan ay naisama ito sa listahan ng National Geographic na isa sa mga 21 Worlds best beaches.Huwag kalimutang ilista ang Zamboanga sa iyong family travel upang masilayan ang kaganahan ng baybaying ito.
FORT PILLAR
Sa ating family travel huwag ding isantabi ang pagbisita sa mga lugar na mas makikilala ang bansa. Ang Fort Pillar ay isang military defensefortress nuong 17th century. Ang fort, na ngayon ay isang museo ng rehiyon ng National Museum of the Philippines, ay ang pangunahing landmark ng Zamboanga City at isang simbolo ng pamana sa kultura ng lungsod. Ang Fort Pilar ay itinayo noong Hunyo 23, 1635. Ito ay isang tahimik na patotoo sa maraming laban na ipinaglaban ng mga Kastila laban sa
Moros. Isang saksi sa kabayanihan ng lakas ng loob ng Zamboangueños para sa kanilang pag-ibig sa kalayaan, ito ay tahanan ng mga legion ng mga deboto na nagbibigay pugay sa mapaghimalang Nuestra Señora La Virgen del Pilar.
PASONANCA PARK:
Ito ay isang atraksyon sa Zamboanga. Pasonanca Park Swimming Pools. Ang parke ay may 3 public pool na kasing laki isang Olympic pool. Ang pool para sa mga bata ay may 4 na slides. Marami ring mga lugar ng piknik. Ang tubig sa pool ay hindi stagnant. Ito ay tubig mula sabundok na natutuyo ng kusa dahil sa gravity at pinapadaloy ang tubig upang lumikha ng isang natural na sapa na dumadaloy sa burol. May tree
house din na pwdeng upahan para makaranas ang bawat miyembro ng family travel mo na mag stay sa isang modern tree house, modern dahil kung sa labas ay isang simpleng treehouse sa loob ay wow dahil sa modern amenities nito gaya ng isang motel room.
Sa susunod na Family Travel, kahit alin pa ang piliin nyo dito sigurado kayo ay panalo. At para todo ang panalo tawag na para sa best deals mo, maipag-ugnayan sa No. 1 Filipino travel consultant, tumawag at magbook na sa Mabuhay Travel.