Baguio – Kabisera ng Pilipinas sa tag-Init

Baguio – Kabisera ng Pilipinas sa tag-Init

 

Halinat magpalamig sa lungsod ng mga Pino

Baguio ay isang napakagandang lugar sa hilagang Luzon napapalibutan ito nang mga nagtatayogang kahoy Pino (Pine trees) ito ay tinaguriang summer capital nang bansa at bakasyonan sa panahon nang tag araw. Ito ay matatagpuan sa bulubundukin nang Cordillera Central, Ito ay napapaligiran nang probinyang Benguet, Ito ay may lawak na 57.5 kilometro kwadrado ang lunsod.

Baguio ay kilala dahil sa kangayng katamtamang klima, Ang temperatura nag lungsod ay mas mababa nang 8 sentigrado kumpara sa mabababang lugar. Maburol at mabangin ang lungsod Baguio kaya ang mga lansangan ay hinulma o ginawa ayon sa ayos nang lupa.

 

Kasaysayan

Ang unang katutubong tribo nang Ibaloi at Kankana-ey ang mga unang tribo na nanirahan sa lungsod ito as ginawang pastulan nang baka at iba pang alagang hayop. Noong panahon nang Kastila ito ay di gaanong pinagtuunan nang pansin.

Dahil sa katamtamang klima nag lugar nahikayat ang mga dayuhang Ameriano na ayusin ang lugar bilang bakasyonan. Ang kilalang Kennon road ay inumpisahan gawin noong taong 1901 sa pamumuno nang mga Amerikano sa tulong nang mga manggagawan Pilipino at Hapones. Inukit ang daanang ito ayon sa straktura nang mga bundok at ilog. Ito ay mula sa ilog nang Bued at bayan nang Rosario sa lalawigan ang La Union hanggang sa Kafagway. Naging madali ang paglalakbay patungo sa lungsod Baguio, at paglipas nang ilang panahon lumaki ang populasyon nito.

Noong ika 1 nang Hunyo taong 1903 ay edineklarang Summer Capital nang Komisyong Pilipinas ang Lungsod. Ang arkitiktong si Daniel Burnham ay inatasan para gawan nang plano kung pano pauunladin ang lungsod. Setyembre 1,1909 kung kalian idiniklarang lungsod ang Baguio.

Matatagpuan sa Silangan bahagi nang lungsod Ang Camp John Hay.

 

Turismo

Nang dahil narin sa klima at mga magagandang tanawin maraming turista ang gustong magbaksyon ditto, lalo na sa panahon nang tag init o tag araw. Dahil sa pagdami nang mga turista nagsimulang magtayo nag mga dekalidad na hotel ang mga negsyante, Sa kasalukoyan may roon humigit kumulang na walumpong hotel (80) at mga paupahang bahay para sa mga low income na turista.

Penagbenga Festival (Flower Festival) isa sa pangunahing kaganapan sa lungsod nang Baguio. Dinarayo ito nang karamihan, Sa pagbibigay halaga sa kagandahan ang kalikasan sa panahonkung saan hitik sa pamumulaklak ang maga halaman.

Nang dahil narin sa pag dami nang turista umunlad at dumami ang mga negosyo na nagbibigay serbisyo sa mga taong bumibisita sa lungsod..

 

Penagbenga Festival

Ito ay kapistahan ginaganap tuwing Pebrero tao-taon kung saan ang daming turista ang dumadayo ditto para makibahagi sa masayang kapistahan. Ipinagmamalaki nito ang kasaganaan at mayayabong nitong bulakalak at ang mayamang kultura nang mga tagarito, Ang kapistahan ito ang nagsimula noon taong 1994 isa ito sa pinakamatagumpay na pista sa Kalendaryo nang Pilipinas Fiesta.

Sa pagdiriwang na ito ipinapamalas nag mga kasali ang kanilang angking talino sapag aayos nang mga bulaklak sa kani kanilang Floats para sa parada, May mga kompitisyon din para sa Banda at Steet Dancing na ginaganap sa huling lingo nag Febrero at marami pang ibang kompitisyon para sa kasiyahan nang mga turista at nang mga residente nito.

Dahil sa katamtamang lamig nang klima ditto kaya madaling umusbong ang mga namumulaklak na mga halaman.

 

Mga ibang lugar na dapat mo rin Makita sa Baguio

 

Camp John Hay

Ang pag bisita sa Baguio ay hindi kompleto kung hindi mo mapasyalan ang Camp John Hay, Kung saan ang nag tataasang puno ng pino ay nakapalibot ditto. Minsan silay nakatago sa lilim ng makapal na hamog lalo na sa umaga, Na nagbibigay ng kaayaayang pakiramdam.

 

Burnham park

Ito ay isang lagoon o lawa na gawa ng tao o man made lagoon na napapalibutan ng ibat ibang uri ng halaman namumulaklak napakagandang pasyalan ito lalo na sa tag-init kung saan panahon ng pamumulaklak ng mga halaman, Puede ka rin mag boating sa lawang ito, At may horse back riding ditto. Ang liwasang ito na nasa gitna ng lunsod ay denisenyo ng isang Amerikanong arketikto na si Daniel Burnham, Kaya hinango ditto ang pangalan ng liwasan.

 

The Mansion

Ang Mansyon – ay syang nagsisilbing residente ng Pangulo ng Pilipinas sa panahon ng tag-init at itoy matatagpuan sa C.P.Romulo drive, At itoy nasa harapan ng Wright park. Napakaraming bisita lagi ditto at itoy nagsisilbing palatandaan na ikaw ay bumisita ditto dahil sa mga kuhang larawan ditto. Ang mansion ay napapalibutan ng malawak na hardin at naglalakihang punong kahoy.

 

Philippine Military Academy

Ito ang eskwelahan ng Sandatang lakas ng Pilipinas (Armed Forces of the Philippines), at itoy itinayo noong Desyembre 21,1936 sa pamamagitan ng Commonwealth Act no.1 or National Defence Act. Ito ay eskuwelahan o training school ng mga hinaharap na opisyal (future officers) ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

 

Ulo nang Leon sa Kennon road – Lions Head

Ang ulo ng Leon ay syang pangunahing palatandaan pook o lugar na matatagpuan sa Kennon road, Ito ay may sukat na 40 talampakan ang taas,at ito ay Syang simbolo ng Lions Club. Ang batong apog (limestone) ay masining na inukit ni Reynaldo Lopez Nanyac isang Ifugao na alagad ng sining, Ang batong apog na ito pinaghandaan ng pangkat ng mga inhenyero at mga minero na syang matiyagang humulma nito. Hindi kumpleto ang pagbisita mo sa Baguio kung ikaw ay walang kuhang larawan sa Ulo ng Leon.

 

 


Mga Kababayan.

Kung hanap nyo ay mababang presyo at syempre magandang serbisyo para sa susunod nyong paguwi sa Pilipinas, Maari po ninyong tawagan ang MABUHAY TRAVELS at Komunsulta sa aming mga Pilipino travel consultant. Tawag po lamang kayo sa 02035159034.

 

Salamat po.
Hanggang sa muli kita kita tayo…sa Baguio….

Related Posts

Bisitahin ang pinakamagandang Simbahan ng Pilipinas:

Ang Bisita Iglesia, isang tradisyon ng pagbisita sa pitong simbahan, nagpapahintulot sa mga Pilipino na makinig sa misa, pati na...

Relish in Philippines: Revel in Baler’s Nature Beauty

“Revel in Baler Aurora, Philippines ”   Ang Baler sa Lalawigan ng Aurora na matatagpuan sa hilagang silangan ng Manila,...

Explore the Best places to visit in Dumaguete

Dumaguete, the capital city of Negros Oriental, is a hidden gem in the Philippines. Dumaguete is a vibrant university city,...

Mga Pitong (7) Pinakamahusay na Dahilan upang Bisitahin ang Puerto Princesa

Bilang kabisera ng Palawan, ang Puerto Princesa ay sinasabing isa sa pinaka kamangha-mangha at pinaka magandang mga isla sa buong...