Ang Santacruzan ay isang Tradisyon ng mga Pilipino (Flores De Mayo)

Ang Santacruzan ay isang Tradisyon ng mga Pilipino (Flores De Mayo)

Santacruzan is a Filipino Tradition

 

Ang pagdiriwang ng Flores de Mayo o Santacruzan, kilala din itong Sagala. Pero ang tunay na kahulugan nito ay Ang Flores de Mayo ay ang pista ng bulaklak na pinagdidiriwang sa buwan ng Mayo bilang parangal kay Birhen Maria. Ang pagdirawang ng Flores de Mayo ay pinaniniwalang nagsimula noong 1854 nang mga Vatican ay nag-proklama ng doktrina ukol kay Imakulada Conception. Ito ay unang ipinagdiwang sa Bulakan at kinalaunan ay lumaganap sa mga lalawigan ng Laguna, Batangas at Pampanga.

 

Ang Santacruzan ay itinuturing na isa sa pinakakilalang pangrelihiyon pagdiriwang sa Kultura ng mga Pilipino at pinakatangyag na tradisyon noon hanggang ngayon. Ang iba’t ibang parokya at mga komunidad ng mga Pilipino sa lahat ng sulok ng mundo ay nag-oorganisa upang gunitain ang Santacruzan.

Ang Santacruzan noon ay isang makabuluhang tradisyon. Ang prusisyon ay sagrado at napupuno ng mga lumalakad na mga tao habang nagdarasal. Dahil dito, malinaw na malinaw ang mensahe ng Santacruzan.

Ang nasabing tradisyon ay isa sa mga nagbibigay kulay tuwing sasapit ang Buwan ng Mayo (Month of May. Mahabang panahon ang iginugugol sa pag-organisa

 

Ayon sa Banal na tradisyon, si Santa Elena ay pumunta sa bundok ng Kalbaryo, 300 taon matapos ang pagkamatay ni Kristo upang hanapin ang Krus kung saan siya ipinako. Tatlong krus ang nakita at nalaman nila na ang isa sa mga krus doon ay kay Kristo dahil sa napagaling nito ang isang kasamahan ni Santa Elena. Matapos ideklara ang dogma ng Immaculada Concepcion noong 1854, nagsimula ang Tradisyon ng Santacruzan bilang debosyon kay Maria na tinawag rin Flores de Maria. Ito ay ang pag-aalay ng bulaklak kay Maria bilang bahagi ng pagninilay at pagbibigay-pugay.

Ang iba’t ibang parokya at mga komunidad ng mga Pilipino sa lahat ng sulok ng mundo ay nag-oorganisa ng santacruzan upang gunitain ang paghahanap at pagkakatagpo nina Reyna Elena at ng kanyang anak na si Constantino ng Banal na Krus mula sa Jerusalem.

 

Tawag na sa aming mga Pilipino travel consultant para sa inyo bakasyon sa Pilipinas. MABUHAY TRAVELS

 

Related Posts

Basilica of San Martin de Torres (Taal Basilica)

Kinikilala bilang pinakamalaking simbahan sa Pilipinas at sa Asya, na nakatayo sa 96 na metro ang haba at 45 na...

Nuestra Señora de la Porteria Church

Noong 1720, ang Cagsawa-isang sitio ng Albay-ay nagsimulang umunlad, ngunit ang 4,000 mamayan dito ay nakakita parin nang pagasa at...

Ang nakamamanghang Historical icon ng Ilocos Norte; Paoay Church

Kilala rin bilang Simbahan ng San Agustin, ang Simbahang Paoay ay matatagpuan sa Bayan ng Paoay, Ilocos Norte. Isa ito...

San Agustin Church

Itinayo ang Simbahan noong 1600s Matatag na Saksi sa Kasaysayan ng Pilipinas. Ang San Agustin Church sa Intramuros, Maynila ay...