Ang Pagdiriwang ng World Environment day 2020

Ang Pagdiriwang ng World Environment day 2020

“World Environment Day 2020 theme: biodiversity; it’s time for nature”

 

Ang World Environment Day (WED) ay ipinagdiriwang tuwing ika-5 ng Hunyo bawat taon. Ito ang pangunahing pamamaraan ng United Nations para sa paghikayat ng kamalayan at pagkilos para sa proteksyon ng ating kalikasan. Unang ginanap ito noong 1974, at naging isang punong kampanya ito para sa pagpapataas ng kamalayan sa paglitaw ng mga isyu mula sa kapaligiran hanggang sa polusyon sa dagat, overpopulation ng tao, at global warming, sa sustainable consumption at wildlife crime. Ang tema para sa World Environment Day ngayong taong 2020 ay “ang Biodiversity” at “It’s time for Nature”.

 

Sa loob ng halos limang dekada, ang World Environment Day ay nagtataas ng kamalayan, pagsuporta sa pagkilos, at pinapangunahan ang mga pagbabago para sa kapaligiran. Taon taon ay pinapalitan ang theme nito, ang ilan dito ay Beat the Air Pollution- 2019 at Beat the Plastic Pollution -2018. Nagkakaroon din ng mga host country ang World Environment Day, ngayong 2020 ito ay sa Colombia na isa sa mga pinakamalaking “Megadiverse” na bansa sa buong mundo. Ang Colombia ay nasa unang ranggo sa pagkakaroon ng ibat-ibang ibon at orchid species at pangalawa sa mga halaman, butterflies, freshwater fish at amphibians. Ang bansa ay may ilang mga lugar na may mataas na biological diversity sa Andean ecosystem, na may isang makabuluhang iba’t ibang mga endemic species. Mayroon din itong bahagi ng Amazon rainforest at ang mga moist moist ecosystem ng Chocó biogeograpical area.

 

Ang tema ng World Environment Day.

 

 

Ang tema ngayon ay ‘Biodiversity’ at ‘It’s Time for Nature’. Binigyang diin nito ang papel sa pagbibigay ng mahahalagang imprastruktura na sumusuporta sa buhay sa mundo at pag-unlad ng tao. Dahil sa modernisasyon ng ating pamumuhay ngayon, nagdulot ito ng malaki at mabilis na pagkasira ng ating kalikasan. Bagaman naging komportable ang ating buhay, ang kapaligiran ay nahaharap sa negatibong mga kahihinatnan. At ngayong World Environment Day 2020, bibigyang diin ang mga bagay na maari nating gawin para maprotektahan ang ating kapaligiran.

Sa kasalukuyan, kasing dami ng isang milyong halaman at hayop ang nasa panganib at maaring maglaho at hindi na masilayan ng susunod na henerasyon. Karamihan sa mga ito ay dahil sa mga gawaing pantao, mga gawaing nagdudulot ng pagkasira ng kalikasan at maging kinabukasan ng ating susunod na henerasyon. Ang ideya ay upang maunawaan na ang mga kabataan ay may mahalagang papel na ginagampanan upang maiwasan ang pagkawala ng biodiversity at mapangalagaan ang kalikasan para sa ating kinabukasan.

Ang World Environment Day na ito ay nakatuon sa Kalikasan. Ang mga pagkain na kinakain natin, ang hangin na ating hininga, ang tubig na inumin natin at ang klima natin ngayon ay dahil sa kalikasan. Ilan sa mga paraan kung saan maaari tayong magkatulong sa pagprotekta sa kapaligiran.

 

 

1. Isa dito ay ang pagtatanim ng puno. Bukod sa nakakatulong sa paglilinis ng hangin, nakakatulong din ito sa pagkontrol ng klima. Sa pagtaas ng mga gas ng greenhouse, ang mga puno ay tumutulong sa pagpapanatili ng magandang kalidad ng hangin sa pamamagitan ng paglabas ng oxygen. Ang mga punong kahoy ay nagsisilbing tirahan para sa wildlife.

 

2. Iwasan ang paggamit ng single-use na plastic. Plastik ang isa sa naging pangunahing ginagamit natin sa ngayon. At isa din ito sa pangunahing sanhi ng polusyon. Hanggat maari ay iwasan natin ang paggamit nito o kaya ay i-recyle ang mga plastic. Ipinapayong gumamit ng mga eco-friendly na bagay. Sundin ang Re-use, Reduce, and Recycle.

 

3. Paggamit at pagtangkilik sa solar, wind, o geothermal na enerhiya.

 

4.Tangkilikin ang pampublikong transportasyon. Sa ngayon mas maraming mga kotse sa mga kalsada ang nagdaragdag ng polusyon. Ang pagmamay-ari ng kotse ay naging isang simbolo ng estado sa buhay at sana ito ay mabago dahil malaki ang magiging ambag ng pagbabagong ito sa ating kapaligiran.

 

5. Magkaroon ng disiplina. Ang pagbabago ay nagsisimula mismo sa atin. Matuto tayong pahalagahan ang kalikasan.

 

 

Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang nakikiisa sa World Environment Day. Ang Pilipinas ay isang megadiverse na bansa at may mayaman na biodiversity. At kilala ang Palawan na isang Biodiversity Hotspot sa ating bansa kaya naman ito ay makailang ulit na napapabilang sa mga best island sa mundo. Ang biodiversity nito ay binubuo ng unique at iba’t ibang flora at fauna. Mayaman ang biodiversity ng bansa ngunit dahil na rin sa gawain ng mga tao nanganganib ang mahigit kumulang 700 na uri ng halaman at specie ng hayop na maglaho. Ang karamihan sa mamayan ng bansa ay nakikipagtulungan sa pagprotekta sa kalikasan, dahil ito ay para na din sa susunod na henerasyon na siyang mag-aani anoman ang resulta ng kasalukuyang gawain ngayon.

Nakikiisa ang Mabuhay Travel sa World Environment Day! Pahalagahan natin ang ating kalikasan.

 

Tumawag sa Mabuhay Travel at makipag-ugnayan sa aming mga Filipino travel agents para sa inyong murang air ticket!

 

Related Posts

Cyber Monday 2020 for 2021 Holiday

CYBER MONDAY 2020! Isa sa mga biggest and cheapest day para mamili at mag-shopping galore! Big discounts online para sa...

We’ve Been Nominated at the British Travel Awards

We are excited to announce that we have earned not one, but two nominations at the 2023 British Travel Awards....

Barrio Fiesta 2024: Celebrating Filipino Culture in London

The Filipino community in the United Kingdom is gearing up for one of the most anticipated events of the year:...

Baby Kids and Family Expo

Our 10th Edition is set to be magical ✨ WELCOME TO THE BABY, KIDS AND FAMILY EXPO PHILIPPINES! Ang Baby,...