Ang Liwasan Rizal (Luneta Liwasan)

Ang Liwasan Rizal (Luneta Liwasan)

Ang Rizal Park ay isa sa mga makasaysayang pook sa Pilipinas. Ito ay matatagpuan sa lungsod ng Maynila. Mayroon itong lawak na 60 hektarya at isa rin itong parke kung saan pwedeng pasyalan ng mga pamilya. Mayroon itong monumento ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal kung saan ito ang sentro ng atraksyon dito. Luneta Park (Rizal Park)

 

Dating tinatawag na Bagumbayan (mula sa “bagong bayan”) noong kapanahunan ng kolonyalismo sa ilalim ng mga Kastila, at tinawag na Luneta pagdaka.

Sa pook na ito binaril si José Rizal noong Disyembre 30, 1896. Ang pagkamartir ni Rizal ang dahilan ng kaniyang pagiging bayani ng Himagsikang Pilipino, bagkus, ipinangalan sa kanya ang liwasan para ikarangal ang kanyang pagkabayani.

 

Pinalitan ng opisyal na pangalang Liwasang Rizal ang parke bilang parangal kay Rizal.

 Nagsisilbi ring punto ng orihen o Kilometro Sero patungo sa lahat ng ibang mga kalunsuran sa Pilipinas ang monumento ni Rizal. Matatagpuan ito sa Intramuros at ang bahaging katimugan naman ay nasa Ermita.

 

Makasaysayan at pinahahalagahan ang Rizal Park. Ito ay nagsilbing huling hantungan ni Rizal, ang ating pambansang bayani, sapagkat dito siya binaril sa (panahon pa noon ng mga Espanyol). Nirerespeto ang makasaysayang pook na ito. Sapagkat mataas ang kalidad ng seguridad sa lugar na ito.

 

May mga sundalo mula sa ating militar na nakatayo sa tabi ng monumento upang ipakita na tunay na nirerespeto at pinahahalagahan ang monumentong ito upang maiwasan ang paninira ng mga masasamang loob sa pook na ito. Ipinagtanggol ng mga mamamayan ang Rizal Park

Ano pa ba ang hinihintay mo? Halika na at bisitahin ang makasaysayang pook na ito. Upang malaman niyo ang mayamang kasaysayan sa likod nito.

 

Tawag na sa aming mga Pilipino travel consultant para sa inyo bakasyon sa Pilipinas. MABUHAY TRAVELS

 

 

Related Posts

Amazing Hundred Islands

Tuklasin natin ang pinaka popular na lugar sa Pangasinan HUNDRED ISLAND believe to be oldest Island. Ang Hundred Islands ng...

Elefante Island: One Of A Kind Tourist Destination: Only In The Philippines

Bellarocca is definitely one of a kind tourist destination in the Philippines. Mahirap paniwalaan na ang isang bagay na natatangi...

Ang Pagsulong ng Danjugan Island in the Philippines

Ang Danjugan Island in the Philippines ay isang 43-ektaryang (110-acre) na isla sa ilalim ng nasasakupan ng Cauayan, Negros Occidental....

Sangat Island Resort

Experience the amazing wonder of scuba diving in Sangat Island, Coron   Sangat Island ay isang maliit na isla sa...