Ang kaganapan pagdiriwang sa buwan ng Enero sa Pilipinas

Ang kaganapan pagdiriwang sa buwan ng Enero sa Pilipinas

The Festival of the month of January in the Philippines

 

  • Feast of the Black Nazarene – January 9 Quiapo, Manila

 

ANG ika-9 ng buwan ng Enero ay isang mahalaga at natatanging araw para sa mga taga-Quiapo, Maynila sapagkat ipinagdiriwang nila ang kapistahan ni Nuestro Padre Jesus Nazareno, na higit na kilala sa tawag na Black Nazarene dahil sa kulay nito.

Daan-libong deboto ng Black Nazarene ang lumalahok sa Traslacion o Prusisyon ng Black Nazarene, na nagsisimula sa Quirino Grandstand pagkatapos ng misa.

Ang pagdiriwang ng Kapistahan ng Black Nazarene ay sinimulan ng siyam na araw na nobena-misa, mula Enero 1 hanggang Enero 8, sa Minor Basilica ng Quiapo, ang shrine o dambana ng Black Nazarene

Ang kapistahan ng Quiapo at ang panata sa Black Nazarene ay bahagi na ng tradisyong Pilipino.

 

  • Ang itim na Nazareno unang dumating sa Pilipinas noon 1606 mula sa Mexico, ipinasok sa Quiapo Church ang estatuwa noong 1787.
  • Ang Rebulto ay sakay sa karwahe, tinatawag na “andas” at may dalawang lubid na hinihila ng mga deboto.

 

 

  • Ati – Atihan Festival – January 10 to 19

 

Ang ati-atihan ay isang pagdiriwang na panrelihiyon. Maikukumpara ang selebrasyong ito sa Mardigras ng New Orleans pero mas “spontaneous” ang ati-atihan sa Aklan. May mga taong dumadayo sa Aklan para makisalo sa kasayahan.  Merong mga taong naka-costume na kakaiba, merong mga taong nakasuot ng katutubong damit at humahawak ng mga katutubong armas, at merong musika habang ang lahat ay sumasayaw at lumalakad sa kalye na parang nagpaparada. Lahat ng kasayahang ito ay nagsimula diumano noong 1213.

Ang ati-atihan ay hindi lang isang malaking parada. Ang mga tao ay pumupunta rin sa simbahan upang manalangin sa Santo Niño. Lumuluhod sila malapit sa altar ng simbahan para mabendisyunan ang kanilang mga ulo, balikat, at likod. Naniniwala sila na mapapagaling ang lahat ng kanilang sakit sa katawan at malilinis ang kanilang kaluluwa sa pagdarasal sa Santo Niño.

Sa pinakahuling araw ng ati-atihan, inilalabas ang Santo Niño at ito’y binubuhat kasama sa parada. Ganito nagtatapos ang ati-atihan. Kahit na masayang maingay ang ati-atihan, nagiging tahimik ito kapag bumababa na ang araw at kasama nilang nagdiriwang ang Santo Niño.

 

 

  • Sinulog Festival – January 19, Cebu City

 

Ang Sinulog ay isa, kung hindi man, ang pinakamalaking selebrasyon na inaabangan hindi lang ng mga Cebuano kundi lahat ng mga deboto ng Señor Santo Niño.

Ang Sinulog Festival ay ginaganap taon-taon sa pangatlong linggo ng Enero bilang pagbibigay-pugay sa mapaghimalang imahe ng Sto. Niño at tumatagal ng siyam na araw. At kadalasang sikat ang pagdiriwang na ito sa Cebu City.

Ang salitang Sinulog ay nagmula sa Cebuanong pang-abay na sulog, na nangangahulugang “like water current movement” na inilalarawan ang urong-sulong na paggalaw ng Sinulog dance.

Ang pista ay binubuo ng isang napakahabang parada kasama ang iba’t ibang grupo ng mananayaw na may makukulay na kasuotan at nakasakay sa pitong karosa na sumisimbolo sa pitong magkakaibang panahon ng kasaysayan ng Cebu.

Habang sumasayaw, sumisigaw ang mga tao ng “Viva! Pit Señor! Señor Santo Niño” bilang pasasalamat at paghingi ng kanilang mga kahilingan. Ang pagsigaw ay kailangan dahil gustong makasiguro ng mga tao na maririnig sila ng Santo Niño.

Naging pangunahing atraksiyon na rin ng turismo ang Sinulog na dinadayo ng mga turista, lokal man o dayuhan.

 

 

  • The Dinagyang Festival – January 24 – 26

 

Ang Dinagyáng ay isang prestihiyosong selebrasyon sa Lungsod Iloilo na ginaganap tuwing ikatlong linggo ng Enero. Ang pistang ay pagdiriwang at paggunita ng pagdating ng mga Maláyo sa isla ng Panay. Itinuturing din itong isang pagdiriwang ng mga Kristiyano sa Iloilo bilang pasalamat sa Mahal na Senyor Santo Niño.

Nagsimula ang selebrasyon ng Dinagyang noong 1968 nang dinala ng Cofradia del Santo Niño de Cebu ang imahen ng Santo Niño na pinangungunahan ni Padre Sulpicio Enderez.

Sa ngayon, ang selebrasyon ng Dinagyang Festival ay pinagdiriwang ng mga Ilonggo sa makabagong estilo, ngunit nanatili  rin ang mga pangunahing layunin kung paano ito sinimulang noon ng mga katutubo. Ang selebrasyon ay mayroong tatlong bahagi; Ang Ati-Ati Competition, Kasadyahan Street Dancing, at Search for Miss Dinagyang. Ang Ati-Ati competition sa kasalukuyan ang dinudumog ng mga tao at turista.

May sari-saring disenyo ang mga katawan, kulay itim o kulay kape, may magarbong palamuti ang mga damit na gawa sa katutubong materyales, at may magandang koryograpi ang mga sayaw.

 

Ang prusisyon ng Santo Niño sa Ilog Iloilo ay dinadagsa din ng mga deboto at turista

Tawag na sa aming mga Pilipino travel consultant para sa inyo bakasyon sa Pilipinas. MABUHAY TRAVELS

 

Maraming Salamat Po.

 

Related Posts

Mga Pangunahing Kaganapan Sa Rehiyon Ng Bicol Ngayong Pebrero.

Tunghayan natin ang natatanging mga kaganapan ngayon buwan ng Pebrero sa Rehiyon ng Bico   1. Pabirik Festival   Held...

Anibina Bulawanon Festival: Golden Festival ng Pilipinas

Ang Anibina Bulawanon Festival ay isang pagdiriwang sa Nabunturan sa lalawigan ng Compostela.  Ang terminong “Anibina” ay mula sa dalawang...

Makulay na pagdiriwang sa Pilipinas para sa bawat buwan ng taong 2019

Isang kilalang katotohanan na ang mga Pilipino sa lahat ng dako sa mundo ay nagnanais na ipagdiriwang at magkakasama, gusto...

Ang kaganapan pagdiriwang sa buwan ng Septembre sa Pilipinas

Tuna Festival (General Santos City) September 1st – 10th:   Ang taunang pagdiriwang ng Tuna Festival ay isang tribute ng...