Ang kaganapan pagdiriwang sa buwan ng Abril sa Pilipinas

Ang kaganapan pagdiriwang sa buwan ng Abril sa Pilipinas

Bangus Festival (Dagupan City) April 6 – 30th

 

Ang Bangus Festival ang isa sa mga Pinkaaabangang Festival sa Norte at itinuturing na pinkamalaki at pinakamakulay na Selebrasyon na nagtatampok sa Kultura at Pangunahing Produkto ng Dagupan City.

Ang Selebrasyon ng Bangus Festival ay pinaghahandaan ng maraming aktibidad na sa grand opening pa ay dinumog na, mga Dagupeno, mga bisita at balik-bayan na gustong makilahok at makisaya sa pinakapaboritong Gilon-Gilon o Street Dancing.

Bago ginanap ang Street Dancing competition sa Plaza ng Dagupan ay nagpaparada muna ang mag kalahok sa Downtown area kaya pansamantalang sinara ang mga pangunahin kalsada.

Ang taonang Selebrasyon ay inaabangan ng maraming bisita, lokal man o Dayuhan (Foreigner) at mga Balik-bayan. Tampok sa Festival of the North ang magkakaibang musika at costume ng iba’t-ibang Probinsya sa Norte.

Kabilang di sa mga aktibidad sa Bangus Festival ang Bangusine “Bangus Internatioanl Cuisine Showcase” na nilalahikan ng ilang Dayuhan.

Natatangin Bangus na dito mo lamang Matitikman.

 

 

Panaad sa Negros Festival- April 08-14,2019

 

Panaad Festival- ipinagdiriwang sa buwan ng Abril, at itinuturing na “Ina” ng mga Kapistahan sa Negros Island. Panaad ay Hiligaynon na salita ibig sabihin ay “panata o pangako”. Ang pagdiriwang ay pasasalamay sa Divine Providence at s Diyos para sa magandang buhay.

Sa pagtitipon ng ito sa Negros Occidental, magsasama-sama ang mag Magsasaka, Mangingisda at iba pang mga tao na nasa larangan ng Agrikultura at maging ang mag kabataan sa pagpakita ng kanilang mga talent at kanilang mga sikat na produkto, na tatagal nang mahigit isang linggo.

Ang Panaad Festival ay nagsisislbing isang pagtitipon ng pina-kamagagandang piyesta sa kabuuan ng Negros Occidental.

Ginanap din sa pagbukas ng Panaad ang lechon Parade, Agri-Trade Fair at Exhibits, ang Organik na Negros Agri-Fest & Agri-Clinic at isang Livestock and Dairy Fair pati na rin isang Eco-Graden Show.

 

Makisali sa Panaad sa Negros festival at matuklasan na mayroong pang higit pa sa Negros Occidental kaysa Asukal lamang.

Related Posts

Filipino New Year Traditions & Superstitions

Ang mga Pilipino ay may maingay at magarbong paghahanda tuwing bagong taon at kasabay ng mga paghahandang ito ay ang...

Anibina Bulawanon Festival: Golden Festival ng Pilipinas

Ang Anibina Bulawanon Festival ay isang pagdiriwang sa Nabunturan sa lalawigan ng Compostela.  Ang terminong “Anibina” ay mula sa dalawang...

Christmas dishes you can only find in the Philippines

Masayang magsasalo-salo ang bawat pamilyang Pilipino tuwing kapaskuhan. Ibat-ibang mga Christmas dishes ang makikita sa hapag-kainan, nandiyan din ang mga...

Christmas Traditions in the Philippines

“Ibang-iba ang pasko sa Pilipinas”   Ang Pasko sa Pilipinas ay isa sa pinakamalaki at pinaka-ipinagdiriwang na piyesta opisyal sa...