All you need to know about the Balikbayan Privilege

All you need to know about the Balikbayan Privilege

Ang terminong Balikbayan ay ang ibang tawag sa mga OFW o mga dating Pilipino na bumabalik at bumibisita sa bansa. Ang ilang mga Pilipino ay nagkakaroon ng oportunidad na maging citizen sa ibang bansa, ngunit kagaya ng naturang kasabihan “home is where your heart is” marami pa rin ang masayang bumabalik at umuuwi sa Pilipinas para magbakasyon. Makita ang mga kamag-anak o kaya mga naiwang lupain at ari-arian. Marami sa mga Balikbayan ang nagsasabi na iba pa rin kapag nasa Pilipinas ka. Kapag bumalik sila sa bansa, sila ay isa sa mga itinuturing na Balikbayan at mayroon silang tinatawag na BALIKBAYAN PRIVILEGE.

Balikbayan


Ikaw ay Balikbayan kung:

  1. Ikaw ay mahigit 1 taong (1 year) wala sa Pilipinas, mula sa araw ng iyong paglalakbay.
  2. Ikaw ay isang manggagawa sa abroad o sa labas ng bansa (OFW).
  3. Ikaw ay naging British o isang Irish citizen. Ang mga anak at asawa ng Pilipinong naging British o isang Irish citizen ay kabilang din sa mga may Balikbayan Privilege.

Ang Balikbayan Privilege ay nagbibigay ng pahintulot na sila (mga Balikbayan, asawa at anak) ay maaring tumira sa Pilipinas visa-free na hindi lalagpas ng isang taon.


Sa inyong Flight to the Philippines kailangan ang mga:

  1. Para sa dating Pilipino.
      Valid passport
      Pruweba na ikaw ay dating Pilipino (Cancelled Philippine Passport or Philippine Birth Certificate, Naturalization paper at Certification from adopted country
  2. Para sa kapamilya.
      Valid passport
      Marriage Certificate
      Birth Certificate (for minor children) or adoption papers (for adopted children)

Mahigpit na ipinapaalala na ang asawa at mga anak ng dating Pilipino ay makakapasok lamang sa bansa (Pilipinas) kung ang dating Pilipino ay kasama sa Philippines flight.

Kahit ngayong kalagitnaan ng Covid -19 ay maaring pumasok ang mga banyagang asawa at anak, alalahanin lamang na dapat ay kasama sa paglalakbay ang Pilipino o ang dating Pilipino. Kung hindi kasama ang Pilipino ay makakapasok pa rin sa bansa ngunit limitado lamang ang pananatili ng banyagang esposo o anak sa Pilipinas at dapat ay may entry visa ito.

Sila ay inaasahang may pre-booked hotel accommodation rin at kinakailangang sumailalim sa 10 araw na quarantine sa mga DOH accredited quarantine center at 4 na araw sa kanilang bahay. Sila ay inaasahan dins mag-PCR test at sumunod sa iba pang mga patakaran.


Iba pang benipisyo ng isang Balikbayan

  1. Ang mga Balikbayan ay exempted sa travel tax.
  2. Ang mga Balikbayan ay may duty-free shopping privilege, lamang ay ang Balikbayan ang dapat personal na mag-sha-shopping.

Para sa inyong mga pangangailangan sa air travel, kontakin lamang ang numero uno at pinagkakatiwalaang travel agency sa UK, ang Mabuhay Travel. Asahan mong ang iyong flights to the Philippines from UK magiging maginhawa at walang alalahanin. Ang inyong makakausap ay mga kababayang handang gabayan kayo sa inyong booking.



Related Posts

Why should you travel to Philippines after the coronavirus?

“ang Pilipinas kong Mahal”   Patuloy ang mundo sa pakikibaka sa pandemyang unti unting nagdudulot ng pagkalugmok sa ekonomiya ng...

Mga Sikat na lugar sa Davao na nakakabighaning mag Selfie

  Selfie in Pres. Duterte’s HOUSE in Davao City:     The Peak-Davao:     Eden Nature Park and Resort:...

Best Waterparks to Visit in the Philippines

During your Philippine holiday, you’ll discover that the Philippines has just two seasons, specifically rainy and arid, natives and tourists...

Guide to Boracay Island by Stations: Revisiting the Exotic Island

Ang Boracay ay kilalang kilala bilang isang lugar na puno ng party, it’s party everywhere in Boracay at siyempre dahil...