Most recommended tourist attractions in the Philippines

Most recommended tourist attractions in the Philippines

Maraming mga tourist attractions in the Philippines, mga magagandang dalampasigan, kamangha-manghang wildlife, nakamamanghang tanawin, pakikipagsapalaran sa karagatan, kultural at culinary delight, at taglay din nating mga Pilipino ang pagiging hospitable at mabuting pakikitungo sa sinoman. Basahin sa ibaba ang mga atraksyon na mapagpipilian mo sa iyong holiday.

1. Banaue Rice Terraces

tourist attractions in the Philippines - Rice Terraces

Ang mga nature lover, o kahit mga naghahanap ng solace, ang mapaligiran ng berdeng berdeng kulay ay nagdudulot ng somewhat kaginhawaan o peace of mind, kumakalma ang pakiramdam mo, sasamahan mo pa ito ng mainit na kape at okay na ang panimula ng araw mo.

Isa rin ang Banaue Rice Terraces  sa mga tourist attractions in the Philippines na nagbigay ng world-wide fame sa bansa. Mahigit 2000 years nang ito ay maiukit sa bundok na magpahanggang ngayon ay makikita pa rin ang ganda nito, bagama’t ilang parte ay may sira na dahil na rin sa pagbabago ng panahon, nanantili pa rin ang natatangi nitong katangian. Ang kaakit-akit at kahanga-hangang rice terraces ay matatanaw mo kahit ilang milya pa ang layo mo mula rito.

2. Boracay

tourist attractions in the Philippines - Boracay

Noon pa man ay nangunguna na ito sa mga paboritong tourist attractions in the Philippines ng mga turistang dayuhan at lokal. Sikat ito dahil sa kanyang napakapinong white sand beach, may makulay at nasiglang nightlife, at maraming masasayang mga aktibidad sa tubig. Kung nais mo o ng grupo mo ang walang humpay na pagsasaya, hanggang madaling araw (walang tulugan ika nga) perpekto ang Boracay para sa holiday mo.

3. Chocolate Hills

tourist attractions in the Philippines - Chocolate hills

Isa rin sa mga nangungunang tourist attractions in the Philippines ay ang Chocolate Hills. Ito ay isa sa mga likha ng kalikasang hindi madaling maipaliwanag. Ang mga geological formations na binubuo ng at least 1,260 hills ay nakakalat sa malawak na parte ng Bohol. Tuwing wet season ay napaka-aliwalas sa mata ng kulay berdeng mga burol. Tuwing dry season naman ay tila tsokolateng nakakalat ang mga ito. Mamili ka na kung kailan mo gustong bumisita sa Bohol at ihanda mo na ang iyong kamera dahil magsasawa ka sa ka-po-pose mo. Merong ding ibang mga aktibidad dito tulad ng Buggy car at ATV. Kailangan mong magdala ng extrang damit kasi minsan maputik ang daan kapag mag-a-aTV kayo.

4. Donsol (swimming with Whale)

tourist attractions in the Philippines - Donsol

Ang Donsol ay isa sa mga napakaraming tourist attractions in the Philippines. Kilalang-kilala lalo na sa whale watching. Dito maaaring makipag-ugnayan ang mga turista sa mga whale shark (butanding sa lokal na parlance) sa pamamagitan ng snorkeling, diving, o sa pamamagitan lamang ng paghihintay sa kanila sa mga lugar kung saan sila papaakyat sa ibabaw. Kinilala ang Donsol bilang “Whale Shark Capital of the World”. Bisitahin ang Donsol para sa nakaka-thrill na aktibidad!

5. El Nido

tourist attractions in the Philippines - El Nido

Ang mga nakamamanghang tanawin ng kalikasan ang pangunahing dahilan upang bisitahin ang El Nido. Ang malinis na tubig ng El Nido ay nag-aalok ng magagandang coral reef, habang ang mga beach nito ay hindi masyadong crowded, ang paggalugad sa mga lagoon sa pamamagitan ng kayaking ay isang mahusay na paraan ng pagbisita sa mga islet, cove at caves ay sagana din. Ang mga Isla ay puno rin ng mga kahanga-hangang limestone karst cliff, magagandang puting buhangin na dalampasigan, mga pasyalan sa pagsisid, bakawan at hindi nasirang kalikasan. Ito ay isang mainam na lugar para sa isang memorable holiday sa Pilipinas.

6. Intramuros, Manila

tourist attractions in the Philippines - Intramuros, Manila

Kung gusto mong malaman ang tungkol sa mayamang kasaysayan ng Maynila, walang mas magandang lugar na puntahan kundi sa Intramuros. Kilala rin ang Intramuros bilang Old Manila. Ito ay tahanan ng mga iconic at makasaysayang landmark ng lungsod na itinayo noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas. Sa loob ay mayroong fully-furnished home-turned-museum na nagpapakita kung paano namuhay ang mga Pilipino noong panahon ng kolonyal. Bawat sulok din ay maganda at Instagrammable.

7. Kayangan Lake

tourist attractions in the Philippines - Kayangan Lake

Ang Kayangan Lake ay isang crystal-clear freshwater lake sa Coron. Popular ito at isa sa mga pinakadarayong tourist attractions in the Philippines. Nagtatampok ito ng mga kahanga-hangang underwater rock formations, kuweba at islets. Sinasabi na ito ang pinakamalinis na lawa sa bansa. Ang tubig sa Kayangan Lake ay umaabot sa lalim na humigit-kumulang 20 talampakan, ito ay  30% tubig-alat at 70% tubig-tabang, kaya ito ay perpekto para sa paglangoy at snorkeling. Sa sobrang linaw ng tubig ay kitang-kita ang mga rock-formation sa ilalim ng tubig.

8. Mayon Volcano

tourist attractions in the Philippines - Mayon Volcano

Masasabi natin na ang Mayon Volcano ay isa sa mga iconic at legacy ng Pilipinas, isa sa mga tourist attractions in the Philippines na walang katulad, nag-iisa lang ito sa buong mundo. Popular ito sa pagkakaroon ng perfect cone, magandang symmetry, na ginagawa itong kahanga-hanga at hindi maaring kaligtaan kapag nagagawi sa Legazpi, lalo na at sa rehiyon ay may international flights na sila, maari mong simulan at tapusin ang iyong pagbisita sa Legazpi. Ang pagbisita sa Mayon Volcano ay isa sa mga must visit sa Pilipinas.

9. Pescador Island

tourist attractions in the Philippines - Pescador Island

Ang Pescador Island ay isa rin sa mga tourist attractions in the Philippines na may mayamang marine life. Ito ay isla sa baybayin ng Moalboal sa Southern Cebu. Ito ay sikat sa mayamang marine ecosystem na ginagawa itong perpektong lugar para sa diving at snorkeling. Itinuturing bilang isa sa mga pinakamahusay na dive site sa Pilipinas, na nag-aalok kung minsan ay hanggang 50m visibility at mga magagandang  mga kuweba sa ilalim ng dagat.

10. Tubbataha Reef

tourist attractions in the Philippines - Tubbataha Reef

Ang pangalang “Tubbataha” ay nagmula sa wikang Samal na nangangahulugang “mahabang reef na nakalantad tuwing low tide. Ito ang pinakamagandang reef sa Pilipinas. Kilala rin bilang Tubbataha Reefs Natural Park, isang protektadong lugar ng Pilipinas na matatagpuan sa gitna ng Dagat Sulu. Ang marine at bird sanctuary ay binubuo ng dalawang malalaking atoll at ang mas maliit na Jessie Beazley Reef na sumasaklaw sa kabuuang lawak na 97,030 ektarya. Isang world-renowned scuba diving site at para sa mga divers, ito ay isang Paraiso.

Mamili na sa mga naggagandahang mga tourist attractions in the Philippines at ihanda na rin ang iyong telepono.

Tumawag sa amin at makipag-ugnayan sa aming mga Filipino travel specialist. Para sa anumang mga katanungan o mga impormasyon na nais mong malaman i-dial lamang ang aming numero, sagot namin kayo!



Related Posts

Clark Freeport Zone Nigth Life

Nightlife to Spice up Your Holiday at Clark and Angeles City   Tuklasin ang mga mainit na aktibidad at internasyonal...

Isa sa pinakamakasaysayang lalawigan sa Pilipinas ay ang Leyte

Tungkol sa Leyte Ang Leyte ay isa sa pinaka-makasaysayang probinsiya ng Pilipinas dahil nakasaksi ito ng maraming makabuluhang pangyayari na...

5 Best Diving destinations in Philippines

Ang Pilipinas ay isang extensive group of islands, napapalibutan ng tubig, kaya naman hindi na nakakapagtaka ang nakakamanghang marine biodiversity...

Most expensive islands in the Philippines

1. Amanpulo Island Noon pa man kilala na ang Amanpulo Island bilang isa sa mga Expensive islands in the Philippines,...