Rare Animals in the Philippines You Can Find on Your Holiday

Rare Animals in the Philippines You Can Find on Your Holiday

Sa iyong susunod na holiday sa bansa, saan ka pupunta, ano ang plano mong gawin? Nais mo bang magswimming, o kaya ay mag-hiking – umakyat sa bundok, o baka naman nais mo lamang ay manatili sa probinsya – tahimik, simpleng bakasyon?

Ang wildlife ng Pilipinas ay kinabibilangan ng malaking bilang ng mga endemic na species ng halaman at hayop. Ang mga nakapalibot na tubig sa bansa ay naiulat na may pinakamataas na antas ng marine biodiversity sa mundo. Ang Pilipinas ay itinuturing na isang megadiverse na bansa gayundin ang global biodiversity hotspot. Marami ring mga bagong hayop ang natutuklasan sa bansa at malamang ay patuloy na umaakyat ang bilang nito.

Narito ang mga Rare Animals in the Phillipines

=》Philippine Eagle

Ito ang National Bird ng Pilipinas. Ito ang pinakamalaking agila sa mundo ( kung ang batayan ay ang haba at laki ng pakpak) at itinuturing na isa sa mga rare animals in the Philippines at maging sa buong mundo. Ito rin ang isa sa mga pinakamakapangyarihang ibon sa mundo. Ang Philippine Eagle ay may taas na higit sa tatlong talampakan at maaaring tumimbang ng hanggang walong kilo. Ito ngayon ay nasa proteksyon ng pamahalaan, ang pagpatay sa Philippine Eagle ay isang krimen, na maaaring parusahan ng batas na may hanggang 12 taong pagkakakulong at mabigat na multa.

Animals in the Philippines - Philippine Eagle

Ang Philippine Eagle ay naninirahan sa kabundukan ng Samar, Leyte, Northern Sierra Madre National Park, Mount Apo, Mount Malindang, at Mount Kitanglad National Parks sa Mindanao. Sa iyong pag-akyat sa mga bundok na ito, ihanda ang iyong kamera at talasan mo ang iyong mga mata. Sila rin ay maaring makita sa Philippine Eagle Center sa Davao.


=》Philippine Tarsier

Isa sa atraksyon sa Bohol ay ang Philippine Tarsier, pangalawa sa pinakamaliit na primate sa buong mundo. Sa liit nito ay mahihirapan kang hanapin ito, ang sukat nito ay halos kasinglaki lamang ng isang adult human fist. Kung anong liit nila ay ganun din naman kalaki ang mga bilugan nilang mga mata. Ang mga malalaking matang ito ay nagbibigay sa kanila ng matalas na bison sa gabi. Sila rin ay may manipis, magaspang na balahibo na kulay gray hanggang dark brown. Makitid rin ang buntot na ginagamit para sa balanse. Karamihan sa kanila ay makikita o matatagpuan sa mga isla ng Bohol, Samar, Leyte at Mindanao. Isa ito sa mga rare animals in the Philippines pagkat ginagawa itong “pet”. Ngayon ay ipinagbabawal na ang paghuli dito.

Animals in the Philippines - Philippine Tarsier

Kung ikaw man ay bibisita sa Bohol, malaking tsansa na makikita mo ang hayop na ito, lamang ay bawal ang flash camera, bawal ang maingay at bawal silang hawakan, natatakot kasi ang mga ito.


=》Palawan peacock pheasant 

Ang ibong ito na  mas naninirahan sa  lupa ay itinuturing na pinakamaganda sa mga peacock pheasants. Ang Palawan peacock pheasant ay matatagpuan sa Palawan Island. Pang-agaw pansin ng lalaking Palawan peacock pheasant ang electric blue-violet, metallic green-turquoise na kulay sa kanyang likurang balahibo. Kabaliktaran ng makulay na lalaki ay ang dull color ng babaeng Palawan peacock pheasant. Ang babae ay bahagyang mas maliit kaysa sa lalaki. Ang balahibo nito ay kulay light brown, minsan ay kakulay na nito ang mga tuyong sanga na nasa lupa. Ang Palawan peacock pheasant ay makikita sa official seal ng Puerto Princesa.

Animals in the Philippines - Palawan peacock pheasant


=》Binturong/ Bearcat 

Sila ay endemic sa mga isla ng Palawan. Ito ay isang canopy-dwelling na hayop. Sila ay omnivore, kumakain ng mga prutas, shoots, insekto, rodent, at ibon na matatagpuan sa itaas na layer ng kanilang ecosystem.

Animals in the Philippines - Bearcat

Ang mga Binturong ay tinatawag ding bearcats, ngunit ang pangalang iyon ay medyo confusing dahil hindi sila kamag-anak ng mga oso o pusa. Sa halip, nauugnay sila sa mga civet at fossas.


=》Philippine Deer 

Ang Visayan spotted deer, na kilala rin bilang “Philippine spotted deer”, ay isang nocturnal at endangered species ng usa. Ang Philippine deer ay endemic sa Pilipinas, kung saan ito ay matatagpuan sa mga isla ng Luzon, Polillo at Catanduanes, Mindoro, Samar at Leyte. Sa buong bansa, ang populasyon nito ay lubhang kokonti na lamang at nabawasan pa.

Animals in the Philippines - Philippine Deer


Ang mga natatanging hayop na ito ay maaring mong makita sa iyong sususnod na paggalugad sa Pilipinas, kung magkagayon man ay swerte ka sapagkat ito ay mga rare animals in the Philippines at bihirang makita. Ang mga ilan din paubos na ng paubos. Sa bawat destinasyong iyong dadalawin, maging handa, handang magpicture at handang huwag gumalaw para di sila magambala at bigla ka na lang takbuhan.

Para sa inyong mga panghimpapawid na paglalakbay, makipag- ugnayan sa aming mga Filipino travel experts. Sila ang gagabay sa iyo upang ikaw ay magkaroon ng stress-free booking at smooth travelling.



Related Posts

Lungsod Ng Bacolod (Ang Lungsod Ng Mga Ngiti)

Ang Bacolod City ay isang lungsod sa Pilipinas. At ito ay ang kapital ng Negros Occidental. Sikat at pangalawa din...

Hagimit Falls Nature Pride of Samal Island

Ang Samal ay lubos na kilala dahil sa maputing buhangin ng dagat. Sa kabilang banda, kung gusto mong pumunta sa...

Mayon Volcano one of The 7 Wonders of the World

Ating pasyalan ang klasikong stratovolcano na may isang maliit na central crater summit at tinaguriang perfect cone volcano..    ...

Guide to Boracay Island by Stations: Revisiting the Exotic Island

Ang Boracay ay kilalang kilala bilang isang lugar na puno ng party, it’s party everywhere in Boracay at siyempre dahil...