Hopping to the Best islands in the Philippines

Hopping to the Best islands in the Philippines

Island hopping ang isa sa mga nangungunang aktibidad sa Pilipinas. Hindi naman kaila sa buong mundo kung gaano kaganda at karami ang mga isla sa bansa. Alok ng bansa ang malawak na pagpipilian para sa isang kasiya-siyang holiday. Hiking, sight-seeing, lahat ng water sports, eating, road trips, shopping, sky-diving, at marami pang iba kasama na ang paksa natin ngayon ang hopping to the best islands in the Philippines.

1. Hundred Islands National Park, Pangasinan

Best islands in the Philippines - Hundred Islands National Park

Ang islang ito ay isa sa mga best islands in the Philippines na matatagpuan sa Luzon. Ang isla ay may 124 islets na nagtataglay ng kani-kaniyang ganda. Bawat isla ay ma mga nakakahangang tanawin. Ilan sa mga isla ay dinevelop at nakatuon lamang pang turismo, ilan sa mga ito ay ang:

  1. Pilgrimage Island – sa pangalan pa lang ay alam mo na kung ano ang alok nito, nakatayo dito ang isang 56 ft. tall na statwa ni Panginoong Hesus, na masasabing ang inspirasyon ay ang Christ the Redeemer sa Brazil, kakailanganin mong akyatin ang 263 steps upang marating ito.
  2. Marcos Island – ito naman ay may alok na cave cliff jumping (tinatawag na Imelda’s cave) kung saan ang labasan ay ang mismong napakalawak na katubigang nakapalibot sa buong isla.
  3. Quezon Island – matatagpuan dito ang karamihang bilang ng mga tao kumpara sa ibang maliliit na isla. Ikaw ay maaring mag-zipline, may restaurant, may banana boat ride rin.
  4. Governors Island – taglay naman ng islang ito ang viewing deck para makita ang panoramic at nakakamanghang tananawin ng Hundred Islands.
  5. Childrens Island – ang tubig dito ay tamang-tama lamang sa mga bata, maari din mag overnight dito. Maaring sa mga sususnod pang mga panahon ay maglalagay pa sila ng ibang mga amenities na para lamang sa mga bata at maging mga bata-batahan.

Isa ito sa mga best islands in the Philippines, sa pagbo-book pa lang ng bangka papunta sa mga maliliit na isla nito ay may mahabang pila na, may programa din ang naturang sektor na nangangalaga ng HIP na bawat napulot mo o ng grupo mo na basura ay may kapalit na halaga. Isang magandang programa para hikayatin ang mga turista na maging mas responsable sa kanilang mga holiday in the Philippines.


2. Cebu

Best islands in the Philippines - Cebu

Ang Cebu ay matatagpuan sa Visayas. Isa ito sa mga parating pinupuntahan ng mga turista. Isa sa mga rason ay ang pagiging convenient ng isla, ito ay mayroong sariling international airport. Dito rin matatagpuan ang mga world-class na hotel, resort at restaurants. Hindi lamang ito isa sa mga best islands in the Philippines kundi popular din at paborito ito ng mga dayuhang turista dahil sa taglay nito ang mga white sand beaches, mga nakakamanghang mga talon, at mga historical sites.

Ang Cebu ay isa sa mga best islands in the Philippines na nag-aalok ng full package adventure, sa tubig man, o pag-akyat sa bundok, waterfall chasing, pagtikim ng mga unique na Pilipino food, mga makasaysayang pook, mga lumang simbahan at gusali – all in one ang Cebu. Kaya naman huwag palampasing isali sa inyong mga listahan ng mga best islands in the Philippines ang Cebu at dapat ay bisitahin ito.


3. Palawan Island
Best islands in the Philippines - Palawan Island

Ilang beses na kinilala ang Palawan bilang isa sa mga best islands in the Philippines at maging worldwide. Ang kagandahan nito ang isa sa mga kadahilanan kung bakit magpahanggang ngayon ay dinarayo ang bansa natin ng mga dayuhang turista. Taglay ng Palawan ang ‘‘malaparaisong kagandahan’’ yan ang paulit-ulit na mababasa at maririnig mo sa mga nag-ho-holiday sa Palawan. At karapat-dapat lamang na mapabilang ito sa mga best-islands in the Philippines kung iyan at iyan ang bukambibig ng mga holiday goers.

Sa Palawan matatagpuan ang 2 UNESCO World Heritage Sites: Ang Puerto Princesa Subterranean River National Park, and Tubbataha Reefs Natural Park.

Pristine beaches, kabigha-bighaning kulay ng tubig, nakakamanghang mga rock-formataions, lagoons – sa mga nature lover ay tunay itong kaligayahan sa kanila. Sa mga naghahanap ng tahimik at payapang lugar para takasan ang ingay ng siyudad ay perpekto rin ang islang ito. Mga huni ng ibon, lagaslas ng tubig at preskong hangin ay tiyak na mararanasan dito. Dito rin matatagpuan ang tanyag na El Nido na paborito ng lahat ng mga mahilig sa beach. Kayangan Lake, ang tinaguriang pinakamalinis na lake sa bansa ay matatagpuan rin dito.


4. Siargao Island

Best islands in the Philippines - Siargao Isalnd

Ang maliit na islang ito ay isa rin sa mga best islands in the Philippines. Ang islang ito ay numero uno para sa mga surfers. Ang alon nitong barrel-shape ay nakakuha ng pansin ng mga internasyonal na surfer. Kilalang-kilala ang Cloud-9 spot dito. Hindi lang surfing ang maipagmamalaki ng Siargao, ilan sa mga popular na patunguhan at aktibidad ay ang Magpungpungko rock pools, Sohoton Cove, ang malawak na palm tree views, Guyam Island, Naked Island, Daku Island, naggagandahang mga beaches at marami pang maaring i-explore dito. Siguraduhing madalaw ang napakagandang islang ito sa iyong susunod na bakasyon.


5. Batanes Island

Best islands in the Philippines - Batanes Island

Ang Batanes Island ay matatagpuan sa pinakahilagang banda ng Pilipinas at mararating lamang sa pamamagitan ng panghimpapawid na paglalakbay. Kilala bilang “Home of the Winds” ng bansa. Saan mo man ibaling ang iyong paningin ay siguradong mapapa-wow ka sa ganda ng isla. Ito ay may 3 pangunahing mga isla na siyang dinarayo ng mga bakasyonista at tanging mga isla sa Batanes na maaring tirhan. Ito ang mga isla ng Sabtang, Itbayat at Batan. Kahit napakalayo nito, maraming bumibisita dito, at dito pa ginugugol ng ibang bakasyonista ang kanilang isang buwan o higit pang pagpapahinga.

Ang Batanes ay isa sa mga best islands in the Philippines sapagkat taglay nito ang kombinasyon ng kahanga-hangang mga tanawin at kakaibang pamumuhay. Napapaligiran ng nature’s beauty ika nga nila. Ang likas na ganda nito ay parang mga tanawing naipinta ng isang magaling na pintor. Ang popular na “Marlboro Hills” ng Pilipinas ay matatagpuan rin dito. Tila sinadyang balutin ng maaliwalas na berdeng kulay ang burol para bigyan ng mas nakakarelax na pagpapahinga ang mga bakasyonista. Ang nakapalibot namang asul ay nagpapahiwatig ng walang kapantay na adventure.


6. Camiguin Island

Best islands in the Philippines - Camiguin Island

Masasabing underrated ang isla ng Camiguin, pero sa katunayan ay isa ito sa mga best islands in the Philippines. Alok ng isla sa mga holiday goers ang marilag nitong sandbar na tinatawag ding White Island. Ito ay puting-puti at masusulit mo ang sunbath dito. Taglay din nito ang mga magagandang waterfalls at mga natural hot springs. Idagdag mi rin sa iyong mga listahan ang Mount Hibok-Hibok, ang Bonbon Church Ruins, at ang Sunken Cemetery. Ang Sunken Cemetery ay literal na “sunken” lumubog talaga ito dala ng pagsabog ng bulkan noong 1870’s. Sa ngayon naging tahanan na ito ng mga makukulay na isda at may mga magagandang corals na din sa ilalim na siya namang kinagigiliwan ng mga divers.


7. Palaui Island

Best islands in the Philippines - Palaui Island

Ang Palaui Island ay sakop ng Cagayan Special Economic Zone at Freeport at idineklara na isang marine reserve sa ilalim ng Proclamation No. 447, na inilabas noong Agosto 28, 1994. Ang beaches Palaui Island ay ginawaran noon ng CNN bilang isa sa mga pinakamagandang beach sa buong mundo. Ang payak na na ecotourism sanctuary ay napakalinis, ang ecosystem ay halos untouched at ang geological formations ay natatangi. Maging ang buhay sa ilalim ng tubig nito ay makulay.

Sa isla ay maari mong gugulin ag iyong araw sa mga ibat-ibang water sports, snorkeling, diving, simpleng swimming lang at maari din kayong mag-camping ng iyong barkada o pamilya. Hindi man ito kasing sikat ng ilang mga magagandang isla sa Pilipinas tiyak na kapag nasubukan niyo ito, kayo ay sasang-ayon na ang islang ito ay isa rin sa mga best islands in the Philippines at dapat bigyan pansin.



Related Posts

The Best Islands to Visit in 2021

Ang Pilipinas ay nagtataglay ng kahanga-hangang mga isla, na kakakitaan mo ng mga katangiang karapat-dapat para mapabilang sa top 10...

Simbang Gabi: A Filipino Christmas Tradition

Simbang Gabi is a novena of Masses in honour of the Blessed Virgin Mary, the Expectant Mother of God, and...

A secret surfing hide-away in Mindanao—Dahican Beach, Mati Davao Oriental

Dahican Beach ay pinupuri bilang Skimboarding capital ng bansa in particular. Isang nakamamanghang pitong kilometro, na may kalahating buwan hugis,...

The most Instagrammable spots in Philippines

Instagram ang naging isa sa mga pangunahing social media platforms kung saan ibinabahagi ang mga picture perfect places na nabibisita...