Travel Safety Tips When Traveling to the Philippines

Travel Safety Tips When Traveling to the Philippines

Ang pagpapahinga at pagrerelax na hinihintay mo ay siguradong isa sa mga pinaghandaan mo ng husto, kaya naman importanteng sa iyong pag-uwi o paglalakbay ay wala dapat aberya. Sabi nga ng ilan sintido kumon naman daw ang mga ito, ngunit marami pa rin talagang nakakalimot sa mga bagay na hindi dapat kaligtaan. Marahil ay sobrang excited o maraming iniisip kaya nakakaligtaan. Importanteng basahin at malaman ang mga travel safety tips na ito upang maiwasan ang hindi inaasahang pagka-antala.

1. Listahan

Ng ano? Bago pa man mag-empake, (personal ko itong ginagawa) dapat ay may listahan ka ng mga ilalagay mo sa loob ng iyong maleta, lagyan mo din ito ng label – hand carry bag, red bag, kahit ano na magpapaalala sa iyo saan mo inilagay ang naturang bagay. Kahit mga dokumentong iyong dadalhin ay dapat nakalista at iche-check mo ito kapag nasa loob na ng bag. Simple ito ngunit maraming hindi gumagawa, subukan ang travel safety tip na ito para makitang ito ay mas magpapadali ng iyong paghahanap.


2. Mga Dokumento

Pinakaimportante sa lahat ng mga travel safety tips ang dokumento. Importanteng ikaw ay may kompletong dokumento ng iyong paglalakbay, malaking tulong din kung ikaw ay may mga kopya o photocopy sa mga dokumento mo. At huwag na huwag itong kakalimutan.


3. Mga detalye

Ingatan ang mga detalye ng iyong paglalakbay: saan ka pupunta, saang hotel ang tutuluyan mo, sinong kasama mo, maging kung may maiiwan ba sa bahay mo o wala. Pero siguraduhing ang mga detalyeng ito ay alam ng mga taong pinagkakatiwalaan mo. Kung ang nagtatanong ay isang estranghero, hindi mo dapat sabihin ang mga detalyeng ito, kung magpapakilala naman na miyembro ng travel agency mo o kaya ay ng hotel nararapat lamang na hanapan mo ito ng ID at anupamang pagkakakilanlan.


4. Pagtatanong

Maingat na mamili ng mga taong pagtatanungan ng impormasyon, kung maari ay tignang mabuti kung nakasuot ba ito ng ID o pagkakakilanlan.


5. Agaw-atensyon

Ito ang isa sa mga importanteng travel safety tips na minsan ay nakakaligtaan at binabalewala na ng iba, kulang na lang ilagay sa noo ang mga katagang “galing ako abroad”. Mainit sa mga mata ng mapagsamantala ang mga turista (kahit saang bansa ka pa pumunta) kaya naman ipinapayong maging simple lamang sa iyong paglalakbay.


6. Mga Padala

Ang isa pa sa mga travel safety tips na nakakaligtaan ay ang pagbibit-bit ng mga padala, dahil nahihiya, kukunin ang ipinapakiusap. Mahalagang ipaintindi sa nagpapadala ang magiging resulta sakaling may problema ang “isang padala o package”, kulong ng ilang taon at maaring umabot ng habambuhay na pagkabilanggo. Ito ang pinaka-dapat na alalahanin ng sinumang maglalakbay na huwag na huwag tumanggap ng padala dahil maraming mga sitwasyon na ang padala ay ilegal at ito ay mula sa isang kaibigan. Ang pag-aaring matatagpuan sa iyong bagahe ay ang iyong responsibilidad kahit ito ay hindi sa iyo.


7. Paggamit ng ATM

Maging mapanuri sa iyong kapaligiran lalo na kung ikaw ay maglalabas ng pera sa isang ATM.


8. Pananamit

Wala namang problema kung ano ang iyong suot, ang ponto lang ay magdamit ng komportable ka at iyong hindi magdadala sa iyo sa kapahamakan, marahil ay sasabihin mong nasa pag-iisip iyon ng tao, ngunit dapat mo ring malaman na ang taong may masamang hangarin ay hindi nag-iisip. Ang travel safety tip na ito ay nababalewala minsan, kaya’t nais kong muling ipaalala na ang pag-iingat ay nasa ating kontrol.


9. Mas mahalaga ang iyong buhay

Sa gitna ng kaguluhan o mapanganib na sitwasyon, huwag manlaban, dahil hindi lamang iisa o dalawa ang iyong kaaway ito ay grupo at nakatago lamang sila.


10. Mga bawal na lugar

May mga lugar sa Pilipinas na ipinapayong huwag bisitahin maliban na lamang kung ito ay isang importanteng paglalakbay, makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan para dito.

Nagplaplano ka bang umuwi o magbakasyon sa Pilipinas, ito ang mga bagay-bagay na nais kong ipaalala at umaasang makatulong sa iyo. Kung ikaw ay may nais na idagdag, maari mong isulat ito  bilang isang komento.

Para sa anumang pangangailangan sa panghimpapawid na paglalakbay, ang Mabuhay Travel ay narito lamang at naghihintay sa inyong tawag. Kami ay handang tulugan ka sa bawat proseso ng iyong paglalakbay mula sa umpisa ng iyong booking hanggang sa makarating ka sa iyong destinasyon.



Related Posts

Tips for Your Next Trip to Busuanga

Busuanga Island is split into two pieces – Busuanga and Coron – the last being the main tourist location. Busuanga...

Things You Should Never Do in Manila

Ang Pilipinas ay isa sa mga paboritong dayuhin ng mga turista mula sa ibat-ibang panig ng mundo. Taon taon, milyon-milyong...

Pasyalan natin ang tinaguriang eight wonders of the Worlds Hagdan hagdang Palayan ng Banawe.

BANAUE RICE TERRACES –  Ifugao Mountain Province   Ang hagdan-hagdang palayan o rice terraces sa Banaue, Ifugao Province ay isa...