The vibrant beauty of the Kadayawan Festival in Davao

The vibrant beauty of the Kadayawan Festival in Davao

 

Ang Kadayawan Festival ay isa sa mga taunang pagdiriwang sa Davao na inaantabayanan ang selebrasyon sa bansa, na maging mga dayuhang turista ay nasasabik sa pagsisimula ng selebrasyon. Ito ay isa sa mga makukulay at masiglang festival sa bansa. Ang mga turistang nakaranas na nito ay naghihintay ding mapanood ito, at ngayong taon ito ay magiging virtual. Kaya’t maari itong mapanood saan ka mang panig ng mundo.

Ang Kadayawan ay nagmula sa magiliw na pagbati na “Madayaw”, mula sa salitang Dabawenyo na nangangahulugang mabuti, mahalaga, superior o maganda. Ito ay isang pagdiriwang ng pasasalamat, pasasalamat sa masaganang ani, kayamanan ng kultura, at katahimikan ng pamumuhay. Tuwing Kadayawan Festival, ang mga prutas, gulay, bigas, mais ay kadalasang inaalay para sa pagdiriwang na ito.

Ang Kadayawan Festival ay ipinagdiriwang taon-tanon tuwing ikatlong linggo ng Agosto. Nakasanayan na tuwing may selebrasyon, ito ay nagtatampok ng masiglang street dancing, makulay na Floral Float Parade, kompetisyon sa sayaw at marami pang ibang mga aktibidad at halos boung buwan itong ipinagdiriwang. Bagama’t ngayong taon ay may mga restriksyong naipataw sa mga patitipon at para na rin sa ikabubuti ng lahat. Ang lokal na pamahalaan ng Davao ay nagdesisyong gawin ang selebrasyon virtually.

“ONE BEAT. ONE CULTURE. DabaONEnyo.”

Kadayawan Festival 2021

Ang tema ng Kadayawan 2021 ay ONE BEAT. ONE CULTURE. DabaONEnyo.  Ang selebrasyon sa taong ito ay ang ika-36 na pagdiriwang at mapapanood online, Virtual Celebration ng Kadayawan Festival. Ito ay magsisimula sa Biyernes, Agosto 20, 2021.

Matutunghayan ang Tunog Kadayawan, Sayaw Kadayawan, Pahalipay, Tribu Kadayawan, Indak Indak at Habi Kadayawan.

Ang Tunog kadayawan ay ang pagtangkilik sa musika ng labing-isang Tribo sa Davao na may modern twist, ito ay tatangahalin ng mga Davao’s finest musicians. Sayaw Kadayawan ay ang tradisyonal na sayaw ng mga katutubo. Ang Tribu Kadayawan ay ang pamumuhay ng mga katutubo, ang kanilang culinary arts at iba pang nakatuon sa kanila. Ang Pahalipay naman ay isang konsyerto. Indak indak ay ang masiglang sayaw ng mga Davawenyo. At ang Habi Kadayawan ay nakatuon sa mga paghahabi.

Ang tampok na Davao Icon ay ang Durian, kung saan tinawag nila itong “Duri”. Bawat selebrasyon ay itinatampok ng festival ang isa o dalawa sa mga icon nito. Ang iba pang Davao icons ang Philippine Eagle, Mt. Apo, Mayonount volcano, 11 Etho-linguistic tribes, at waling-waling. Lahat ay sumisimbolo sa mayamang kultura, flora at fauna ng Davao.

ONE BEAT. ONE CULTURE. DabaONEnyo.

Kadayawan 2021

Agosto 20, 2021  Biyernes

  • 5 pm Opening Ceremony
  • 8 pm Tunog Kadayawan

Agosto 21, 2021 Sabado

  • 3 pm Tribu Kadayawan
  • 8 pm sayaw Kadayawan
  • 9 pm Pahalipay

Agosto 22, 2021 Linggo

  • 10 am Tribu Kadayawan
  • 5 pm Indak Indak sa Kadayawan
  • 8 pm Habi Kadayawan
  • 9 pm Pahalipay

Kadayawan Festival

 

Maraming ibat-ibang mga festival sa Pilipinas, makukulay, masigla, ma-indak, ang mga custome at choreograph ay napag-isipang mabuti, litaw na litaw ang bawat nirerepresentang kultura. Nakakapanabik na muling makapanood o kaya ay makilahok sa mga ganitong pagdiriwang. Hindi man napapanahon ngayon pero balang araw kapag tapos na ang pandemya maari ulit tayong bumalik sa dating selebrasyon.

Sa ngayon sinusubukan sa abot ng makakaya ng bawat lokal na pamahalaan na ipagdiwang ang mga nakagawiang tradisyon sa pamamagitan ng virtual performances.

Para sa iba pang mga festivals ng bansa, bisitahin lamang ang iba pang mga artikulo sa aming Filipino travel blog.

Para sa anumang pangangailangan sa himpapawid na paglalakbay, makipag-ugnayan sa aming koponan. Makakaasa kang ibibigay namin lahat ng aming makakaya upang ikaw ay makgaroon ng mahusay na mga flight deals sa iyong flights to Philippines.



Related Posts

Anibina Bulawanon Festival: Golden Festival ng Pilipinas

Ang Anibina Bulawanon Festival ay isang pagdiriwang sa Nabunturan sa lalawigan ng Compostela.  Ang terminong “Anibina” ay mula sa dalawang...

Ang kaganapan pagdiriwang sa buwan ng Hulyo sa Pilipinas

Sagayan Festival July Ist week: Lanao del Norte   Ito ay isang pagdiriwang ng may Maranao war dance bilang pangunahing...

Bangus Festival – Milkfish Festival

Dagupan City Pangasinan.   Ang bangus festival at taonang iseneselebra para upang itagoyod ng cuidad ang Bangus (Milkfish Aquaculture Industry)...

Ang kaganapan pagdiriwang sa buwan ng Octubre sa Pilipinas

Masskara Festival October 6-28 in Bacolod City Ang Masskara Festival ay siyang pinakamalaking taunang kasiyahan sa Bacolod City kung saan...