Things You Need to Know Before Your First Trip to Baguio

Things You Need to Know Before Your First Trip to Baguio

Baguio ang isa sa mga lugar sa Pilipinas na may malamig at kaaya-ayang klima. Ito ay isang 1st class highly urbanized city sa Cordillera Region. Tinatayang 4-6 hours ang biyahe mula sa Manila hangang Baguio. Dahil sa malamig na temperatura nito, ito ay kinikilalang Summer Capital of the Philippines. Tinatawag din itong “City of Pines” dahil na rin sa napakaraming Pine trees sa Baguio, at talaga namang amoy na amoy mo ang halimuyak ng pine tree sa kapaligiran lalo na sa mga parke. Ito rin ang sentro ng komersyal at edukasyon sa hilagang Luzon.

Visiting Baguio is like getting in touch with nature, ang magagandang landscaped park nito, ang simoy ng preskong hangin, ang mga puno, ang berdeng kapaligiran ay nakakagaan ng pakiramdam. Ngunit ano ba ang dapat na malaman bago bumiyahe patungong Baguio. Basahin ang mga nasa ibaba at sana ay makatulong ito sa inyo.

Trip to Baguio

Best month visiting Baguio

Kadalasan sa mga buwan mula Hunyo hangang Disyembre ay maulan (rainy season), so if your visiting Baguio sa mga buwang ito magdala parati ng payong at siguraduhing may sapat na balot sa katawan dahil magiging napakalamig kapag nagkataon. Mula Enero naman hangang Mayo ay dry season, tamang-tama lang ang panahon, mararamdaman pa rin malamig ngunit banayad na klima ng lungsod. Masarap umupo lamang parke at magpalipas ng oras.


Best Peanut Brittle

Sa iyong pagbisita sa Baguio, huwag na huwag kaligtaang bumili ng peanut brittle, dito mo mahahanap ang pinakamasarap na peanut brittle sa bansa. Bilang tulong na rin sa mga lokal na mamayan, bumili ka na lang sa mga lokal shops huwag na sa mall, mura pa ang mga prices.


Book your accommodation in advance

In visiting Baguio, lalo na kung plano mo namang magtagal ng ilang araw o kahit mag-overnight lang, dapat ay may sigurado ka nang tutuluyan. Maraming mga turista ang dumadalaw sa Baguio kaya asahan na ang mga hotel o iba pang mga panuluyan ay napupuno lalo na tuwing summer o peak season. 


Coffee in Baguio

Coffee is life in Baguio. Nandirito ang mga pinakamasarap na kape galing pa sa kabundukan ng Cordillera region. Masarap ang humigop ng kape sa maamig na klima ng lugar.  Maraming mga coffee shop ang matatagpuan sa Baguio kaya huwag itong palampasin.


COVID-19 related

If you have a plan visiting Baguio in 2021 dapat ay magrehistro ka muna sa https://visita.baguio.gov.ph/, i-upload ang mga kinakailangang dokumento at maghintay sa inyong QTP code. Mas mainam kung meron kang COVID-19 negative test result  72 hours bago ang iyong pagdating, kung wala naman kukunin mo ito doon pagdating mo sa halagang PHP1300. Nirerekomenda na rin dapat ay mayroon ka ng pre-booked hotel at kasama ito sa accredited hotels ng Baguio. https://philippines.travel/safetrip/baguio-city i-click ang link na ito para makita ang mga accredited hotels sa Baguio (go to Open Establishments àLearn more).


Footwear

Bakit footwear? Ang Baguio ay matatagpuan sa kabundukan ng Cordillera Central kaya’t asahan natin ang uneven at maburol na lupain dito. Akyat baba ang mga atraksyon dito at iba pang mga pangunahing patunguhan gaya ng malls, coffe shops at restaurants. Magsuot ng napakomportableng footwear para siguradong mas enjoy ang visiting Baguio adventure mo.


Ice Cream sa Baguio

Oh yes, maraming ice cream shop doon, along Session road, at kahit pa malamig ay ine-enjoy ito ng mga lokal, subukan mo ding mag-ice cream habang nasa Baguio.


Map of Baguio

Mainam din kung may dala kang mapa ng Baguio dahil halos magkakalapit lamang ang mga maari mong pasyalan, malls, park, restaurants maari ka din namang magtanong. Keysa mastuck ka sa trapik, mas mabuting maglakad ka na lamang. Maari mo namang gamitin ang map gamit ang iyong smartphone.


Mode of Transportation

Sa halos lahat ng parte ng Pilipinas ay mayroong tricyle kung saan mas mabilis at mas madali ang paglilibot sa isang lugar, dito sa Baguio ay walang tricycle. Isa ito sa dahilan kung bakit karamihan ay makikita mong naglalakad. Jeep at taxi lamang ang umiikot sa kabuuan ng siyudad. Palabas ng Baguio City ay nandyaan din ang jeepney, bus at mga taxi.


Panagbenga Festival

Ito ay taunang pagdiriwang ng bulaklak sa Baguio na ipinagdiriwang tuwing Pebrero. Ang salitang “Panagbenga” ay nagmula sa isang katagang Kankanaey na nangangahulugang ” isang panahon para sa pamumulaklak, isang oras para sa pamumukadkad.” Ang pagdiriwang ng Baguio na ito ay sumasalamin sa kasaysayan, tradisyon, at pagpapahalaga sa lungsod at Cordillera. Ito ay tumatagal ng isang buwan at ang pinaka-highlight nito ay ang float parade, about two dozen flower-covered floats ang magpapakita ng sari-sariling disenyo gamit ang mga fresh flowers. Asahan ang mabagal na paggalaw ng mga sasakyan sa panahong ito, at sa mismong parade ay makabubuting maglakad na lamang dahil marami sa mga daanan ang isasara.


Temperature in Baguio

Ang temperatura ay karaniwang nasa 56°F (13°C) hanggang 75°F (24°C) at bihirang mas mababa sa 52°F (11°C) o mas mataas sa 78°F (25°C). Ang mga temperaturang ito ay nasa pagitan ng 10AM – 5PM, sa ibang mga oras ay mas malamig dito o kaya ay napakalamig kaya mainam pa rin kung may dala kang maari mong gamitin para mainitan ang iyong sarili.

May nais ka bang idag-dag? Isulat lamang ito sa comment part sa ibaba. Para sa iba pang impormasyon sa mga tourist spot sa Pilipinas, bsitahin lamang Filipino travel blog.

Para sa inyong mga flight needs at cheap air tickets CALL us now! Makipag-usap sa aming mga Filipino travel consultant para sa iba pang mga karagdagang impormasyon.



 

Related Posts

Of Barbecue, the Beach, and the Grand Gazebo in Roxas City

If there’s one thing you can’t ignore of your visit in Roxas City during your Philippine holidays, it’s the barbecue...

Reasons Why You Shouldn’t Visit the Philippines

There has been a certain amount of news and articles that boastfully show off how awesome this destination is, you...

Most Amazing Places to Visit in the Philippines.

If you are looking for adventure then you should think of having a Philippine holiday; a country full of natural...

Manila: Capital of The Philippines.

Ang Maynila ang kabisera ng Pilipinas at ang sentro ng isang maunland na lugar ng metropolitan at tahanan sa mahigit...