How to have best post-pandemic trip in the Philippines 2021?

How to have best post-pandemic trip in the Philippines 2021?

Post-pandemic travel! Isa sa mga hinihintay at hinihiling ng mga tao na sana ay makapag-holiday trip naman sila, makapag-beach, makapaglaro sa mga nag-gagandahang parke, at kahit ang pagbisita sa mga kamag-anak na nasa malalayong lugar ay kinasasabikan na din. Huwag nang mag alala pa dahil nagluluwag na ang mga ibat-ibang atraksyon sa bansa. Sa mga nasasabik bumiyahe at mamasyal, panahon na para maghanda! Alamin ang mga places in Philippines at mga bagay na makakatulong sa iyo para magkaroon ng best post-pandemic for travel abroad trip.

Post-pandemic trip


Mga terminong dapat malaman sa quarantine

 Enhanced Community Quarantine (ECQ)

Ito ang pinakastrikto sa lahat ng mga quarantine measures sa bansa. Pinapayagang magbiyahe ang mga Health and emergency frontline service personnel,  Government officials and frontline personnel, Humanitarian assistance actors (HAA) with authorization, mga taong maglalakbay para sa medical/humanitarian purposes, mga taong mag-aabroad, mga OFW/OF pabalik sa kanilang mga tahanan, mga Pari, Pastors, Imams, or other religious ministers para sa mga namatay, mga immediate relative ng taong namatay na hindi ugnay sa Covid, mga security personnel sa mga operational industries, mga taong nangangailangan ng emergency medical aid or assistance, mga vet, mga taong may permiso para magtrabaho, at mga taong may quarantine passes.

Ang mga taong hindi nabanggit sa itaas ay hindi maaring lumabas anuman ang edad.


Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ)

Pinapayagang magbiyahe ang mga Health and emergency frontline service personnel,  Government officials and frontline personnel, Humanitarian assistance actors (HAA) with authorization, mga taong maglalakbay para sa medical/humanitarian purposes, mga taong mag-aabroad, mga OFW/OF pabalik sa kanilang mga tahanan, mga Pari, Pastors, Imams, or other religious ministers para sa mga namatay, mga immediate relative ng taong namatay na hindi ugnay sa Covid, mga security personnel sa mga operational industries, mga taong nangangailangan ng emergency medical aid or assistance, mga vet, mga taong may permiso para magtrabaho, at mga taong may quarantine passes.

Halos magkaparehas lang ang MECQ sa ECQ ngunit ang mga places in Philippines sa ilalim nito ay maaring lumabas sa kanilang tahanan (containment zone) para bumili ng essentials.


General Community Quarantine (GCQ)

Pinapayagang magbiyahe ang mga Health and emergency frontline service personnel,  Government officials and frontline personnel, Humanitarian assistance actors (HAA) with authorization, mga taong maglalakbay para sa medical/humanitarian purposes, mga taong mag-aabroad, mga OFW/OF pabalik sa kanilang mga tahanan, mga Pari, Pastors, Imams, or other religious ministers para sa mga namatay, mga immediate relative ng taong namatay na hindi ugnay sa Covid, mga security personnel sa mga operational industries, mga taong nangangailangan ng emergency medical aid or assistance, mga vet, mga taong may permiso para magtrabaho, at mga taong may quarantine passes, mga taong may Travel Authority document, mga taong imbitado sa isang pagsasalo na kakaunti lamang ang dadalo, mga taong maglalakbay sa mga places in Philippines na nasa GQC at mga lugar na hindi kasali sa quarantine, mga studyanteng may face-to-face class.

Maaring magkaroon kaunting pagsasalo, o makisalamuha sa mga kamag-anak na may ibayong pag-iingat.


Modified General Community Quarantine (MGCQ)

Halos normal na ang lahat ngunit nangangailangan pa rin ng ibayong pag-iingat. Ang mga ipinapatupad na alituntunin ay dapat pa ring sundin (pagsusuot ng mask, physical distancing, paghuhugas ng kamay, atbp). Sa mga pagtitipon, kabilang na ang mga Religious activities, ay  limitado pa rin ang maaring dumalo.


Mga places in the Philippines para sa post-pandemic travel mo

Anilao Batangas

Anilao ang isa sa mga places in Philippines na sikat sa pagkakaroon ng majestic and divine underwater world. Ito ay may mga mahusay na dive site. Diving ang isa sa mga mairerekomendang safe activity dahil hindi nito kailangan ng physical and close contact, kung saan isa sa mga dapat iwasan natin sa panahon ngayon.


Eden Nature Resort Davao

Isa sa pinakatanyag at palagiang binibisitang mountain resort sa Davao na nag-aalok ng maraming mga kapanapanabik na bagay na dapat gawin at mga thrilling na pakikipagsapalaran tulad ng Skycycle at Skyrider. Lumikha ng mga ala-alang habambuhay na tatak sa iyong puso’t isipan kasama ang mga mahal mo sa buhay. Gugulin ang isang araw na puno ng kwentuhan at tawanan sa isang kapaligirang parang paraiso, isa sa mga perpektong places in Philippines na maari kang magsaya ng walang pangamba.


Eva Falls

Matatagpuan sa Doña Remedios Trinidad, Bulacan.  Matatagpuan sa isang luntiang kagubatan ang talon na ito. Ito ay may taas na mga 30 metro, ang tubig na nahuhulog dito ay may isang cascading effect na kaaya-ayang panoorin, idagdag pa ang calming effect ng tunog nito. Isang mainam na aktibidad para sa pamilya o magkakaibigang mahilig sa hiking.


Pagbilao Grande Island

Kung nais mo naman magtungo sa beach, bakit hindi mo subukan ang islang ito. May taglay na white sand beaches and rich fishing grounds. Ma-e-enjoy mo ang kagandahan at kasiyahang dala ng pag-be-beach at hindi nag-aalala na maaring makakuha ng virus sapagkat ngayon pa lang napapanisin ang kagandahan ng isla, kumbaga hindi ito magiging kasing crowded ng Boracay o beach sa Palawan pero paniguradong masa-satisfy ang pagka-miss mo sa dagat.


Santino’s Farm Ville

Fresh air with instagramable spots ang alok nito, isa ito sa mga pinakabagong atraksyon ng Lopez, Quezon, Philippines. Isang lugar na dapat mong bisitahin. Napakalaki ng farm at sinadyang dinisenyuhan para aliwin ang mga katulad mong sabik sa bagong style at kagandahan ng kalikasan.


At para magkaroon ng best post-pandemic trip in the Philippines…

Coordinate with

Local government: Ito marahil ang pinaka-una sa lahat ng dapat mong gawin kapag nakapagdesiyon kang magholiday sa mga open places in Philippines for leisure travel. Tumawag at alamin ang mga ibat-ibang dokumento upang makapasok sa lugar nila.

Resort: Ang ilan sa mga resort ay may mga karagdagang papel o kaya ay may dagdag na kondisyon bago makapagbook sa kanila.


Alamin ang mga cancellation policies

Mahalagang malaman ang mga cancellation policies dahil sa mga pabago-bagong patakaran ngayon at hindi rin natin kontrol ang sitwasyon. Magiging mas madali ang pagpro-proseso kung alam na natin ang mga dapat gawin sa refund, rebooking at iba pa.


Bisitahin ang mga open places in Philippines

Marami ng mga destinasyon o places in Philippines to visit ang bukas sa turista ngunit marami ding mga establisyimento ang naapektuhan at tuluyang nagsara dahil sa mga paghihigpit. Makabubuting alamin din natin kung ang mga tindahan, restawran at mga social venues ay bukas, upang lubos mong masiyahan ang kapaligiran ng patutunguhan.


Bring your own food and water

Kung ang iyong post-pandemic travel ay road trips, drive drive lang, mainam na magdala ng sariling pagkain o inumin. Kung hindi man maiiwasan, siguraduhin na maayos na nakabalot ang pagkain at ligtas ang lugar ng iyong pagbibilhan.


Don’t live in fear

Huwag matakot, bagkos paigtingin ang pag-iingat at sumunod sa mga health advisories. Ang kadahilanang ikaw at ang iyong pamilya ay naglalakbay sa isang magandang patutunguhan ay upang magkaroon ng isang mahusay na oras at upang ma-enjoy ang bawat segundo. Sa kakaisip na makakakuha ng virus ay maaaring masira ang iyong bakasyon.


Gumamit ng Travel Agency

Kung nagpaplano kang pumunta sa labas ng bansa para sa iyong post-pandemic travel, makabubuting  mag-book sa isang travel agency. Kumuha ng mga package tours, mas mapapabilis din ang galawan at pagproproseso ng mga papeles, sila ang magbibigay at magsasabi o ipapaalam nila sa iyo sa kung anu-ano ang mga kinakailangan sa iyong paglalakbay. At isang plus factor din, updated sila sa mga bagong alituntunin lalo na sa Covid-related rules.


Iwasan ang mataong lugar

Alam namin na sabik na kayong mamasyal at magbakasyon at naiintindihan din namin yan. Mahalaga pa rin na kahit sabik na sabik tayong mamasayal, hangga’t maari ay iwasan pa rin ang mga crowded places in Philippines. Huwag nating isantabi ang mga pag-iingat na ipinapayo ng DOH para na rin sa kapakanan ng nakararami.


Maghanap ng mga best deals

Sa pagbubukas ng mga magagandang places in Philippines tulad ng Boracay, maglaan ng oras para magsaliksik at maikompara ang mga deals na inaalok ng bawat resort o hotel. Marami man ang magbubukas pero suriing mabuti ang pasilidad, ang kalinisan nito at kung ito ba ay isang SURE-DEAL.


Mag-ingat sa pagbo-book online

Marami sa mga kaibigan ko ang nabibiktima ng online scam, pagkatapos maideposit ang pera ay bigla na lang unreacheable yung tao. Madali at nakakaengganyo ang mga deals kaya marami talagang kakagat, kaya nararapat din lamang na pagtuunan ng pansin at icheck muna kung legit ba ang iyong pag-bo-bookan o hindi.


Magsaliksik (research)

Malaki ang naitutulong ng pagsasaliksik bago maglakbay sa magagandang  places in Philippines. Tiyak na ikaw ay nagsasaliksik lalo na sa sitwasyon ngayon, huwag kalimutang magsaliksik at suriin ang payong pangkalusugan at iba pang mga alituntunin ng lugar na iyong pupuntahan.


Pack your hygiene kits

Isa sa mga bagay na ipinaalala sa atin ng pandemic ang kalinisan. Ang mga first line of defense tulad  ng mga face-mask, sanitizer at alcohol ang palagian nating isaalang-alang kung tayo ay may planong magbakasyon sa mga magagandang places in Philippines. Kailangang tayo ay maging ligtas para sa isang matagumpay na post-pandemic travel.


Sundin ang mga Alituntunin ng Covid

Alinmang bansa o places in Philippines na iyong bibisitahin, napakahalagang sundin ang kanilang mga patnubay at alituntunin ukol Covid19. Dahil ang kaligtasan mo ay kaligtasan rin ng nakararami. Laging dalhin ang iyong face mask at face shield, magdala rin ng sanitizer o palagiang maghugas ng kamay at sundin ang physical distancing.

Post-pandemic trip

Ang buhay ay tungkol sa paggawa ng mga masasaya at di-malilimutang alaala. Gayunpaman, binago ng pandemya ang mga nakasanayan natin at lahat tayo ngayon ay kailangang tanggapin na

kailangan nating mamuhay kasama ang virus. Bawat isa sa atin ay may karapatang magbakasyon at maglakbay, huwag matakot ngunit mag-ingat. Maingat na planuhin, magpareserba at magsaliksik. Kung may posibilidad at kaya mo, go lang, muling maglakbay at mag-enjoy ngunit ibayong pag-iingat ang dapat mong gawin.

Nakapag-isip ka na ba kung saan sa mga magagandang places in Philippines ang iyong bibisitahin?

Para sa inyong mga flight enquiries tumawag lamang sa numero-unong travel agency ng UK, ang Mabuhay Travel. Makipag -usap sa aming mga Filipino travel experts. Alamin ang mga flight promos namin ngayon.



 

Related Posts

The Top Festivals in the Philippines

A Philippine Holiday is not complete without taking part in the radiant festivals, or carnivals, that rampage across the country...

Default Image
Engage in the Colour, Vibrancy, and Fun at Pinoy Fiestas From October all the way to the New Year!

The Philippines – the nation of 7,107 beautiful tropical islands – is home to hundreds of colourful festivals all year-round....

Best and Famous Tourist Spots in Bohol Philippines.

In this page, I am handing out the list of best and popular tourist locations to go and visit in...