Why the Philippines is the next trending travel destination?

Why the Philippines is the next trending travel destination?

“Trending travel destinations in the Philippines”

 

Trending? Ano ba ang pagkakaintindi natin sa salitang trending? Ito ay nangangahulugang popular, o pinag-uusapan lalo na sa social media at mga websites. At ayon sa isang pagsisiyasat ang ating bansang Pilipinas ay isang trending destination, particular ang Luzon. Kung saan naitalang marami ang nagu-usap at nagpapakita ng interes na puntahan o galugarin ang naturang lugar. Hindi naman na maikakaila kung bakit, ang mga tourist spot in the Philippines ay talagang nakakamangha. Ilan sa mga tourist spot in the Philippines ay makailang beses na napaparangalan bilang best. Narito ang mga tourist spot in the Philippines na matatagpuan sa pinakamalaking isla nito, ang Luzon.

 

Banaue Rice terraces, Ifugao

 

 

Ang hagdan-hagdang palayan ng Banaue ay isa sa mga tourist spot in the Philippines na pinag uusapan. At bakit hindi, magpahanggang ngayon ay napreserba ang katangi tangi nitong ganda na mahigit 2,000 taon na. Ang madetalyeng pagkakaukit ng bawat baiting nito ay ginamitan lamang ng kakaunting gamit at sariling kamay ng mga ninunong Ifugao. Noong 1995 iba’t ibang mga seksyon ng mga palayan ay itinalagang isang site ng UNESCO World Heritage, na inilarawan bilang “isang buhay na tanawin ng kultura ng walang kapantay na kagandahan.”

 

Mayon Volcano, Albay

Ang Bulkang Mayon na kilala rin bilang Mount Mayon ay itinuturing na sagrado at aktibong stratovolcano sa lalawigan ng Albay sa Bicol Region. Bagaman aktibong bulkan ito, ito ay isa sa mga tourist spot in the Philippines na dinarayo at popular. Ito ay sikat ito para sa “perfect cone” nito na simetriko ang hugis. Ito ay isa sa mga pinaka aktibong bulkan ng bansa at ito ay mahigpit nasinusubaybayan ng PHIVOLCS

Ang bulkan kasama ang nakapalibot na tanawin nito ay idineklara bilang National Park noong Hulyo 20, 1938. Ito ang sentro ng Albay Biosphere Reserve, na idineklara ng UNESCO noong 2016 bilang isang World Heritage Site.

 

Fort Santiago, Intramuros Manila

 

 

Ang Fort Santiago, na itinayo noong 1593, ay isang kuta na itinayo ng Spanish navigator at gobernador na si Miguel López de Legazpi. Ang tourist spot in the Philippines ay isa sa pinakamahalagang makasaysayang site sa Maynila.

Sa ngayon, ang fort at mga bilangguan na ginamit ng mga opisyal ng Espanya, ay bahagi na ngayon ng isang makasaysayang parke na kasama rin ang Plaza Moriones at mga iba pang ruins ng lugar.

Ang sikat na tourist spot in the Philippines at makasaysayang landmark na ito ay ginagawang perpekto sa ilang mga lugar para sa open theatre, piknik, at bilang isang promenade. Ang makasaysayang lugar ay maaaring galugarin ng mga bisita mula 2 pm hanggang 10 pm araw- araw. Ang entrance fee ay nagkakahalaga ng P75 para sa mga adult at P50 para sa mga mag-aaral, old citizen, at mga taong may kapansanan.

 

National Museum Complex, Manila

Ang tourist spot in the Philippines na ito ang nagtataglay ng mga sinaunang kagamitan o mga bagay na nagpapatunay ng mayamang kultura ng bansa. Ang National Museum Complex sa Rizal Park, Maynila ay binubuo ng National Museum of Fine Arts, National Museum of Anthropology at National Museum of Natural History at siyang tahanan ng National Museum of the Philippines. Ito ay itinalaga bilang Central Museum at lahat ng iba pang museyo sa labas ng Maynila ay isasaalang-alang bilang mga Satellite Museums. Makikita dito ang  Spoliarium painting na gawa ni Juan Luna.  Ito ay isang oil-on-canvass painting na isinumita sa Exposición Nacional de Bellas Artes noong 1884 sa Madrid, Spain, kung saan umani ng gold medal. Magpahanggang ngayon ito ay itinuturing na pinakamahal na painting na gawa ng isang Pilipino. Bukas ang National Museum sa Martes hanggang Linggo, mula 10:00 AM hanggang 5:00 PM. FREE entrance fee para sa lahat, Pilipino man o banyaga.

 

Calle Crisologo, Vigan

 



Ang Calle Crisologo ay pinakapopular na tourist spot in the Philippines na matatagpuan sa Vigan. Ang mga bakuran at simento ng kalye na ito ay gawa sa mga cobblestones. Ang mga disenyo at istraktura ng mga bahay ay bakas na bakas ang impluwensiya ng Espanya. Ito ay isang commercial district kung saan makakakita ka ng mga samu’t saring de kalidad na mga kasangkapan at pati na rin mga antigong bagay. At mainam na lugar para bumili ng souvenir. Isang magandang paglilibot dito sakay ng kalesa na siya ring favourite attraction ng lugar.

 

Mount Pulag National Park

Ang Mount Pulag ay ang pangatlong pinakamataas na bundok sa Pilipinas. Ito ang pinakamataas na rurok ng Luzon sa 2,922 metro sa ibabaw ng dagat. Ang tourist spot in the Philippines na ito ay kilala sa pagkakaroon ng magandang trail for hiking nito. Kilala din ito sa pagkakaroon ng “sea of clouds” view at na kamangha-mangha para sa karamihan.

Ang pag-akyat sa tourist spot in the Philippines na ito ay aabot hanggang 4 na araw. Pinapayuhan ang lahat ng mga umakyat na magdala ng kanilang sariling mga supply para sa tagal ng kanilang pananatili sa Park. Kagaya ng isang holiday checklist, dapat ay may checklist din ng mga gamit sa pag-akyat sa bundok. Ang pagkain at inumin, damit ng malamig na panahon, first aid, mga pangangailangan sa pagluluto.

Alalahanin ng mga hikers na kailangan ng PERMIT bago umakyat. Depende sa ruta na nais mong gamitin, ang bayad sa gabay ay magkakaiba. Ang gastos para sa isang guide para sa Akiki Trail (AKA The Killer Trail) ay P2400 at upang makapasok sa National Park ay nangangailangan ka ring magbayad ng entrance fee ng halos P800.

 

Ang isla ng Luzon ay nagtataglay ng mga tourist spot in the Philippines na worthy of spending holidays kasama ang mahal sa buhay. Hinihikayat ko ang ibang mga tagagawa ng Filipino travel blog na pasikatin ang ibang mga lugar ng ating bansa.

 

Call Mabuhay Travel NOW! Reconnect and rejoice with your love ones! Speak to our travel experts in Ilocano, Cebuano, Tagalog at English. Enquire details for more hot deals offered.

 

Related Posts

5 Maluhong Hotel sa Clark sa Hanay ng £40 – £50

Halinat ating pasyalan ang mga Luxury Hotel sa Clark na nag aalok nang mga resonabling presyo at good services  sa...

Ang Tinagong Dagat

The hidden wonder of Sipalay   Ang Tinagong Dagat, ay matatagpuan sa Sitio Latasan, Sipalay City, Negros Occidental. Dating tinawag...

Travelling During the Philippines Rainy Season

The Philippines, with its stunning beaches, lush landscapes, and vibrant culture, is a popular destination for travellers worldwide. However, planning...

Mga Sikat na lugar sa Davao na nakakabighaning mag Selfie

  Selfie in Pres. Duterte’s HOUSE in Davao City:     The Peak-Davao:     Eden Nature Park and Resort:...