Ang kaganapan pagdiriwang sa buwan ng Abril sa Pilipinas

Ang kaganapan pagdiriwang sa buwan ng Abril sa Pilipinas

Bangus Festival (Dagupan City) April 6 – 30th

 

Ang Bangus Festival ang isa sa mga Pinkaaabangang Festival sa Norte at itinuturing na pinkamalaki at pinakamakulay na Selebrasyon na nagtatampok sa Kultura at Pangunahing Produkto ng Dagupan City.

Ang Selebrasyon ng Bangus Festival ay pinaghahandaan ng maraming aktibidad na sa grand opening pa ay dinumog na, mga Dagupeno, mga bisita at balik-bayan na gustong makilahok at makisaya sa pinakapaboritong Gilon-Gilon o Street Dancing.

Bago ginanap ang Street Dancing competition sa Plaza ng Dagupan ay nagpaparada muna ang mag kalahok sa Downtown area kaya pansamantalang sinara ang mga pangunahin kalsada.

Ang taonang Selebrasyon ay inaabangan ng maraming bisita, lokal man o Dayuhan (Foreigner) at mga Balik-bayan. Tampok sa Festival of the North ang magkakaibang musika at costume ng iba’t-ibang Probinsya sa Norte.

Kabilang di sa mga aktibidad sa Bangus Festival ang Bangusine “Bangus Internatioanl Cuisine Showcase” na nilalahikan ng ilang Dayuhan.

Natatangin Bangus na dito mo lamang Matitikman.

 

 

Panaad sa Negros Festival- April 08-14,2019

 

Panaad Festival- ipinagdiriwang sa buwan ng Abril, at itinuturing na “Ina” ng mga Kapistahan sa Negros Island. Panaad ay Hiligaynon na salita ibig sabihin ay “panata o pangako”. Ang pagdiriwang ay pasasalamay sa Divine Providence at s Diyos para sa magandang buhay.

Sa pagtitipon ng ito sa Negros Occidental, magsasama-sama ang mag Magsasaka, Mangingisda at iba pang mga tao na nasa larangan ng Agrikultura at maging ang mag kabataan sa pagpakita ng kanilang mga talent at kanilang mga sikat na produkto, na tatagal nang mahigit isang linggo.

Ang Panaad Festival ay nagsisislbing isang pagtitipon ng pina-kamagagandang piyesta sa kabuuan ng Negros Occidental.

Ginanap din sa pagbukas ng Panaad ang lechon Parade, Agri-Trade Fair at Exhibits, ang Organik na Negros Agri-Fest & Agri-Clinic at isang Livestock and Dairy Fair pati na rin isang Eco-Graden Show.

 

Makisali sa Panaad sa Negros festival at matuklasan na mayroong pang higit pa sa Negros Occidental kaysa Asukal lamang.

Related Posts

The vibrant beauty of the Kadayawan Festival in Davao

  Ang Kadayawan Festival ay isa sa mga taunang pagdiriwang sa Davao na inaantabayanan ang selebrasyon sa bansa, na maging...

Dinamulag Mango Festival Ng Zambales

Ang pinakamalaki at pinakamakulay na pagdiriwang sa Zambales, ang Dinamulag Mango Festival, ay sisimulan ngayong Lunes bilang pasasalamat sa masaganang...

Ang kaganapan pagdiriwang sa buwan ng Octubre sa Pilipinas

Masskara Festival October 6-28 in Bacolod City Ang Masskara Festival ay siyang pinakamalaking taunang kasiyahan sa Bacolod City kung saan...

Ang kaganapan pagdiriwang sa buwan ng Hulyo sa Pilipinas

Sagayan Festival July Ist week: Lanao del Norte   Ito ay isang pagdiriwang ng may Maranao war dance bilang pangunahing...