Ang Pilipinas ay isang extensive group of islands, napapalibutan ng tubig, kaya naman hindi na nakakapagtaka ang nakakamanghang marine biodiversity ng bansa. Ang tubig sa hilaga at silangan ay Pacific Ocean, South China Sea naman sa Kanluran, at ang Celebes Sea o Sulawesi Sea sa katimugan. Ang mga bahagi ng tubig na ito na nakapalibot sa bansa ang nagbigay daan upang makilala ang Pilipinas as one of the best diving destinations. At dahil ang bansa ay grupo ng mga isla, panigurado you have best places to go diving.
Isa ang Japan sa kumilala sa ating bansa, sinabi sa isang Japanese publication na ang Pilipinas ay “a first pick for many diving lovers”. Isa rin sa mga malalaking travel guide book publisher ang may artikulong pinamagatang “6 national parks around the world with surprisingly spectacular diving”, kung saan nabanggit ang Pilipinas at ilan sa mga diving destinations nito gaya ng Tubbataha, Palawan at Cebu.
November 3, 2020 Ang World Travel Awards, isang nangungunang awards programme para sa tourism at hospitality industry, ay kinilala ang Pilipinas bilang ‘Asia’s Leading Beach Destination’ at ‘Asia’s Leading Dive Destination‘.
Narito ang mga diving destinations na susulit sa iyong diving holidays.
Anilao
Kung ikaw ay may flight to Manila, ito ang isa sa mga malapit na diving destinations mo. Ang mga dive sites ay may malinis at malinaw na tubig ay tahanan ng mayamang marine diversity. Ang distansya nito sa Manila ay di kalayuan kaya ito ay mainam na spot for short breaks at diving. Kabilang ang mga nudibranch, frogfish, seahorses, cuttlefish at pipefish, pagong, mga jellyfish, at paminsan minsang mga pating. Ang nag-gagandahang corals din dito ay perpektong background para sa underwater photography.
Coron Bay
Kilalang kilala ang Coron sa pagkakaroon ng kahanga-hangang limestone-cliffs at ang pagkakaroon nito ng crystal-clear lagoons. Kilala din ang Coron bilang isa sa mga pinakamahusay na wreck diving destinations sa Asya. Dito lumubog ang mga Japanese ships noong WW II. At ang mga ito ay naging kanlungan ng mga ibat ibang lamang dagat. Mahahanap mo ang masaganang bilang ng mga critters, scorpionfish, nudibranch, eels, crustaceans, octopus at iba pang mga cephalopods.
Isa rin sa mga diving destinations na nagbibigay ng excitement ay ang Barracuda Lake. Inaasam dito ang kakaibang karanasan ng thermocline at halocline.
Ang thermocline ay ang pagbabago ng temperatura ng tubig. Mararamdaman ang 28 degrees Celsius sa unang 4 meters at tataas ito pagdating ng 14 meters deep sa 38 degrees Celsius at muling lalamig ito kapag malapit na sa ibaba. Ang halocline ay ang “salinity” ng tubig na siyang nagiging dahilan upang magkaroon ng semi-transparent na border sa tubig. Tiyak na ang mga karanasang ito ang ilan sa mga inaasam ng sinumang divers.
Malapascua
Ito ay isang maliit na isla sa hilagang bahagi ng Cebu. Maliit lamang ang islang ito at maari mong malibot ang isla ng nilalakad lamang. Kilalang kilala ang Malapascua sa mga lokal at dayuhang turista bilang isa sa mga natatanging diving destinations ng bansa. Regular na makikita ang mga mailap at mahiyaing mga Tresher shark at manta sa rays sa Monad shoal (isang natural na cleaning station ng mga isda). Ang Monad Shoal ay puno ng wrasse, isang maliit na de-kuryenteng asul na isda na nililinis ng natural ang mga isda, mula sa pinakamaliit hanggang sa malalaking pating.
Ang pinakamainam na oras upang makita ang mga thresher shark ay bandang alas-4 ng umaga. Ito ay kapag mayroon silang natural na sesyon ng paglilinis kasama ang wrasse.
Naging tahanan ito ng mga ibat ibang mga species ng pating at “rays”, scorpionfish, nudibranchs, mga critters, mantis shrimp at seahorses. Ang Malapascua ay isang mahusay na jumping-off point para sa wreck-diving. Ang mga makukulay nitong corals at mga rockformations sa ilalim ng tubig ang isa din sa ipinagmamalaki ng islang ito.
Moalboal
Dito matatagpuan ang isa sa mga diving destinations na may makulay na corals at perpekto para sa underwater photography. Ito ay nag-aalok ng karanasan at pagkakataong sumisid at magsnorkel kasama ang milyun-milyong sardinas, ito ang popular na tintatawag nilang “sardines run”. Ipinagmamalaki din ng Moalboal ang kanilang healthy coral ecosystem.Maaring bisitahin dito ang Moalboal Marine Sanctuary, Compton Point, Tongo Point, at Talisay Wall. Ito ay tamang tamang lugar din para sa mga beginner at gusto pang magpursige bilang mas mahusay na diver.
Tubbataha Reefs Natural Park
Nasa kalagitnaan ng Sulu Sea ang isa sa mga best diving destinations ng bansa, Tubbataha National Marine Park. Ang makukulay na corals nito ay naging tahanan ng mga ibat-ibang specie ng isda, mga whale sharks, nesting hawksbill at green sea turtles, dolphins, manta rays at schools of barracuda. Mula sa makukulay na nudibranchs hangang sa mga malalaking isda ay makikita dito. Kamangha-mangha ang marine biodiversity ng Tubbataha kaya naman ito ay kilala bilang isa sa mga best diving detinations in Philippines.
Ang Tubbataha Reefs Natural Park ay isang 97,030-hectare na marine protected area (MPA) sa lalawigan ng Palawan. Ang Park ay binubuo ng dalawang coral atoll – ang Hilaga at Timog Atoll – at ang Jessie Beazley Reef, isang mas maliit na istraktura ng coral. Ang Amos bahagi ng Hilaga (North Atoll) ang isa sa palagiang dinadalaw ng mga divers.
Best time Diving in Philippines ay depende sa kung ano ang interes ng isang diver, ngunit in general, ang mga maninisid ay maaaring asahan ang mas mahusay na visibility at mga temperatura ng tubig. Ipinapayong simulan ang iyong diving sa mga buwan ng Nobyembre hanggang Mayo. Ang buwan ng Hunyo hanggang Oktubre ay tag-ulan.
Diving cost in Philippines, depende ito sa lokasyon pero nasa pagitan ng 800 pesos to 1800 pesos per dive. May mga packages naman sa mga diving centers.
Call Us Now! Makipag-usap sa aming mga Filipino travel experts sa lengguwaheng konportable ka, Tagalog, Cebuano, Ilocano, English. Makipag-ugnayan sa amin para sa mga iba pang travel needs mo.